Hopeless Romantic

892 8 4
                                    

IN LOVE AKO

In love ako sa mga love stories sa INTERNET, MOVIES, BOOKS lalong lalo naman sa mga KOREANOVELAS at mga TELESERYE. Nagsusulat din naman ako ng mga love stories.

I love happy endings kahit sinasabi nila na wala naman talagang ganun.

Masama bang mangarap na may lalaking magmamahal sa akin at hindi ako sasaktan? Masama bang maging masaya dahil nakikita kong masaya at nagmamahalan ang dalawang tao kahit sa teleserye lang yun? Masama ba silang kainggitan?

Bitter: Hindi naman sa masama. Pero maghihiwalay din naman sila kaya why bother watching and reading?

Alam ko namang wala sa vocabulary ng mga bitter at open minded ang Forever.

Pero sa hopeless romantic, MERON!

Bitter: Alam mo, sa panahon ngayon wala ng permanente. Pagkain nga nabubulok, halaman nga, namamatay. Pag-ibig pa kaya? Lahat ng tao ngayon madaling magsawa.

Hindi naman siguro lahat. Pati pag mahal mo talaga, hinding hindi ka magsasawa. True love ang tawag doon. Pero depende lang naman sa tao yun eh.

Ang gusto lang naman kasi namin ay yung lalaking magmamahal sa amin ng tapat at hindi kami lolokohin. Yung parang sa movies?

Bitter: Meron pa bang lalaking ganun? Wala na! Yung mga nasa movies, pinapaasa lang nila tayo.

Hindi siguro. Gusto lang nila tayong mapasaya kahit sa panahon lang na yun. Gusto lang nila tayong sabihan na wag mawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga heart breaks na natanggap natin. Pati may natututunan naman tayo kahit papaano.

Atsaka alam mo, sa laki ba naman ng mundong to, meron yan. Naniniwala akong meron talagang nakatadhana sa atin.

Bitter: Bakit ba kasi dapat pang masaktan pag nagmamahal? Alam mo, paulit ulit lang tayong masasaktan. Pati sa laki ng mundong to, wala ng matinong lalaki. Madami na kasing babae, madami na rin silang lolokohin, madami na silang magpapalit.

Bakit ba ang bitter mo?

Bitter: Bakit ba ang hopeless romantic mo? Wag ka ng umasa pang makakatagpo ka ng lalaking di ka sasaktan dahil lahat sila sasaktan ka lang.

Bahala na si Batman!

Basta ako...

Isang baliw na babaeng maghihintay pa din ng para sa akin. Yung lalaking di ako sasaktan at aalagaan ako magpakailanman.

Kahit madami ng nakasakit sa akin, alam ko darating din siya.

I just have to wait. After all, Hopeless romantic naman ako diba?

PANINDIGAN KO NA!

CHARACTERS:

Jamilah Rylie Hao

Aisha Hera Dela Cruz

Lynne Agapito

Ariza Domingo

Alexa

Janilyn

Justin Tyler Dela Cruz

Bryce Bunag

Christian Corpuz

Josh

CHAPTER

ONE

TWO

THREE

FOUR

FIVE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon