Prologue

555 23 10
                                    


Hi. Ako nga pala si Zahfrina Keira Light. 17 year old lang ako. Mayaman ang pamilya ko. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. I could easily get what I wanted. They would always give me everything that my heart and eyes desire. Siguro yun ang paraan nila para maipakita sakin ang pag-mamahal at alaga nila para sakin. Pero wala naman akong pake dun e.

I was aware that everybody around me hated me so much. They often called me different names behind my back-spoiled brat, bully, maldita, suplada, masamang ugali, walang awa, demonyita and so on. But I didn't really care about the things they said about me. Para sakin, inggit lang sila kaya sila ganun sakin.

Nandito nga pala ako ngayon sa Principal Office ng Mundane Academy kasama sila mommy at daddy dahil na-kick out na naman ako sa dati ko'ng school. Like duhh! Anong maaasahan nila sakin? As always, guguluhin ko lang ang lahat ng campus na papasukan ko. Nanjan yung-pagti-tripan ko yung mga kaklase ko, sasagut-sagutin ko yung mga teacher na pumapasok sa room namin kapag wala ako sa mood at nakaka-boring yung tinuturo nila, aasarin ko yung mga nerds, aawayin ko yung mga spice girls kahit mag-isa lang ako, tapos kapag ipapa-tawag ako sa guidance, maghe-head phone lang ako na parang walang nagse-sermon sakin. Nanjan din naman yung-kapag may nakikita akong bullies, ipagtatanggol ko yung binubully nila so ang lumalabas, sila pa yung mas kawawa, bibigyan ko ng food yung mga walang makain na naka-pasok lang sa school ng pang-mayayaman dahil scholar, papatahimikin ko yung mga kaklase ko na sobrang ingay kapag nasa mood akong makinig ng lesson.

Dahil nga may mood swing ako. Minsan mabait naman ako, pero mas madalas akong wala sa mood. Kaya ayun, mas nakilala nila ako bilang demonyo. Mas nakilala nila yung demon side ko. Katulad nalang ng araw ko ngayon.

-

"Ano na naman ba kasing ginawa mo? Dahil jan, lilipat ka na naman ng other school. At last, Mundane Academy! Sana naman mag-tino ka na dito sa school na 'to dahil frina, sinasabi ko sa'yo, this is the last." Galit na sigaw sakin ng daddy ko. Yeah, tama naman sya e. This is the last. This is the last school-dahil lahat na ata ng school dito malapit samin ay napasukan ko na pero hindi parin ako tumitino-na malapit sa bahay namin kaya kailangan ko na talagang mag-tyaga sa pag-aaral at tumino ng kahit konti dahil ayokong paliparin papuntang Italy.

"Simple lang dad. Pinakain ko sya nitong kamao ko dahil sa ayaw nyang manahimik. Minsan na nga lang kasi ako magka-interes na makinig sa lesson na tinuturo nung adviser namin, nakiki-sabay pa sya. Alam mo yun, dad! Nakakainis e. Daldal sya ng daldal, akala mo walang nag-tuturo sa harapan nya. Napaka-yabang din nya kaya ayun ang inabot nya! Buti nga yun sakanya e. Tsaka isa pa dad, mabait pa nga ako nun sa lagay na yun e. Kasi kung pinag-init pa nya talaga yung ulo ko, hindi lang yun yung aabutin nya sakin daddy. " Paliwanag ko sa daddy ko.

"But you don't need to do that!" Sigaw sakin ng daddy ko.

"No, i need." Sagot ko nalang sabay irap. Nakakainis na yung mas kinakampihan pa nila yung babaeng sinuntok ko kanina dahil sa gusto ko lang naman ng katahimikan.

"Saan ka ba talaga nag-mana? You're a monster! Babae ka pa naman!" Sigaw ni daddy ng mag-walk out ako.

"Saan ako nag-mana? Hindi ko alam, dad. Siguro sa'yo, kasi ganto rin naman ang ugali mo at ang ginagawa mo sa mga taong humaharang sa dinadaanan mo diba? And hell yeah, I'm a monster and I don't even care about that." Sarcastic? Yeah. Eto yung way ng pagmamahalan namin ng daddy ko. Haha! Ang sweet naming mag-ama ano?

Ganto naman kasi lagi e. Lagi akong masama sa paningin nya. So ayun, pinaninindigan ko nalang kung ano yung nakikita nya. Gusto nya na ganito ako? Well, haha okay.

"Bastos!" Hinila ni daddy yung braso ko sabay sinampal nya ako. Napa-kunot nalang ako ng noo sa sobrang lakas ng natanggap ko'ng sampal na 'yon. Wow! Kaya na pala nya akong sampalin ngayon?

"Sa susunod, hindi lang ito ang aabutin mo sakin Frina! Tandaan mo! Tatay mo parin ako! Pasalamat ka at binuhay kita!" Napa-ngisi nalang ako sa sinabing 'yon ni daddy. Ama ko ba talaga 'tong kausap ko ngayon?

Biglang lumapit si mommy para awatin si daddy. Napa-iling nalang ako. Tatay? Para saan pa na naging tatay ko sya?

"Did I ask to be born? I was brought into this world because you two were horny one night!" Sigaw ko kay daddy habang tinuturo ko sila ni mommy. Sa sobrang galit ko, parang sasabog na ako.

"Mr. Light, huminahon po kayo." Pag-awat nung principal dito sa Mundane Academy kay daddy.

"At isa pa, ito ang tatandaan mo, kailanman hindi mo 'ko binuhay. Binuhay ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-hinga ko. Bakit mo nasabing binuhay mo ako, huh? Ikaw ba yung humihinga para sakin?"

-

Ayun. Siguro sumabog na si daddy sa loob ng principal office. Nakakahiya nga e. Nag-skandalo pa sya. Kakapasok ko palang sa school na 'to, problema agad. Lalo pa nung nalaman ko'ng boarding school pala 'tong Mundane Academy. Well, okay narin. Para naman maka-iwas na ako kay daddy. Para hindi ako nagi-stay sa mansyon namin. Para hindi ko sila nakikita.

Umuwi na kagad ako sa mansyon namin at nag-impake ng gamit. Ano pa'ng kailangan ng mga gamit ko dito sa bahay na 'to eh sa isang boarding school lang din naman pala ako pag-aaralin ng mga magulang ko diba? Dun din naman ako magi-stay e. So mas kailangan na nandun yung mga gamit ko kesa nandito sa napakalaking mansyo na 'to.

Pagkatapos ko'ng mag-ayos ng gamit, syempre nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Nakatanggap pa ako ng text message galing kay Mark-ex boyfriend ko.

[Baby, mag-ingat ka huh. Ayokong mababalitaan ko'ng kinakawawa ka sa school na 'yon. Alam mo naman yung school na 'yon e. Pwede ka'ng patayin ng mga stupidyante dun. Buti kung kasama mo 'ko. Bakit kasi lilipat ka pa?] -Mark.

[Pwede ba Mark? Na-kick out ako noh. Hindi naman ako lilipat ng school ng basta-basta kung saakin lang eh, kaso Mark, KICK OUT. At wag ka ngang OA. Sa tingin mo kaya nila akong kawawain? Sa ugali ko? Haha, nagpapatawa ka. Eh kanina nga muntikan ng atakihin si dad dahil sakin e, yung mga estudyante pa kaya dun? Hindi nila ako mapapatay, dahil ako yung papatay sakanila. Mag-tiwala ka sakin, Mark. ;) At isa pa, HINDI KITA TATAY! Wag mo ko'ng tawaging BABY! Tandaan mo, EX BOYFRIEND NA KITA.] -Ako.

[Oo na. Worried lang naman ako sa'yo e, ang sungit mo masyado. :( Ingat nalang.] -Mark.

[K.] -Ako.

Napa-isip nalang ako bigla. Ewan ko ba pero kinabahan ako sa sinabi ni Mark e. Sabi kasi nya sakin bago ako palipatin dun sa Mundane Academy, lahat daw ng estudyante dun, siraulo. Alam nyo na-mga, MAFIA's? Gangster's, Bitches, Monster's and DEMON'S.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mundane Academy: No Guns, No Entry (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon