Chapter 1

259 0 1
                                    

PARANG AYAW na yata niyang bumalik pa sa mansyon, sa Rancho Villa. Nalibang na siya sa magagandang bulaklak at halaman sa kalagitnaan ng kagubatan.

Silly!

Saan nga ba siya naroon?

'Tanga!' ano naman ang gagawin niya sa lugar na ito? Puro malalaking puno at nagtataasan pa ang kinaroroonan niya.

Biglang umandar ang takot sa dibdib ni Jane, nang marinig ang sari-saring tinig ng mga hayop sa kagubatan. Umihip pa ang malamig na hangin na nagpatindig ng kanyang balahibo.

Nagmamadali siyang naglakad pabalik sa kanyang dinaanan.

God! Muling napabulalas ang babae. Hind na niya matandaan ang mga iyon. Kung saan siya dumaan.

"T-Teresa!"

Pero walang sumasagot sa kanyang pagtawag sa sinusundan na babae kanina.

Paulit-ulit niyang tinatawag ang babae pero hindi ito sumasagot.

SINUNDAN niya si Teresa nang lihim na pumasok sa masukal na bahaging iyon ng asyenda. Pero biglang nawala sa paningin niya ang babae nang maaliw siya sa bango ng bulaklak na nadaanan niya.

Nawili siyang tuluyan sa mga nakakahalinang uri ng mga bulaklak, mahalimuyak ang amoy. Sobrang lawak ng halamanan na iyon na parang hardin sa isang palasyo.

"Ooohh!! Aaaahhh!!"

Biglang kinilabutan si Jane nang marinig ang ungol na iyon na mula sa kasukalan ng damuhan. Hindi na niya inusisa pa iyon at nagmamadaling lumayo.

Hindi tuloy nalaman ni Jane − na si Teresa iyon, at kasama ang asawa ni Josephine, si Boy Negro.

Mainit na nagsasalo ang dalawa sa kanilang matagal nang ginagawang kamunduhan.

At ang lugar na iyon ang lihim na tagpuan ng dalawa.

LALO yata siyang lumalayo sa kanyang pinanggalingan, at napapasuong pang lalo sa kagubatan. Hapung-hapo pa na siya sa kalalakad-takbo pero hindi pa rin makalabas sa loob ng kasukalan.

Lumalayo na at lalo pang napapasuong sa kagubatan si Jane sa kalalakad-takbo, pero hindi pa rin makalabas.

Saglit siyang nagpahinga kasabay ng panalangin n asana ay makalabas na siya at makauwi sa mansyon.

Nakarinig ng agos ng tubig-ilog si Jane at kaagad na tinungo iyon.

Sobrang pasasalamat ng babae nang makakita nang liwanag. Tumagilid na ang araw nang tingnan niya iyon at sigurado siyang nasa ala-una na ng hapon.

Naghanap siya ng maaaring daanan dahil sa mataas na gulod.

Sinubukan niyang lumusong sa ilog na sa tantiya niya ay hanggang baywang ang lalim niyon.

UMUPO si Jane sa ibabaw ng malaking bato at nag-iisip. Inilubog ang dalawang binti sa ilog.

God! Hindi na yata siya makakauwi sa mansyon.

Nagpalinga-linga siya at puro malalaking bato ang nakikita niya sa malawak na ilog na iyon.

May natatanaw siyang usok pero sobrang layo naman sa kinaroroonan niya at hindi niya matandaan kung saan maituturo ang Rancho Villa o ang mansyon sa kinaroonan niya ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devon Reid's HUBO Series (Hubad sa Ilog)Where stories live. Discover now