“Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa kung mapaso.” Ito ang kadalasang ipinapangaral sa atin ng ating mga magulang o kaya’y ng mga matatanda.
Tunghayan natin ang kuwento ng taong maagang nag-aasawa....
Mano po Inay! Siya nga pala ang boyfriend ko, si Remie. Helo po! Magandang hapon po sa inyo. Magandang hapon naman. Anak, hali ka nga dito? Nay! Bakit naman po? Gusto kitang makausap ng tayong dalawa lang. Excuse na muna sa iyo Rem ha, kakausapin ko muna ang nanay ko.
Anak...ba’t mo naman dinala ang boyfriend mo dito? Anak, diba sabi ko sayo na huwag ka muna magboboyfriend kasi nag-aaral ka pa. Di ba sabi ko na uunahin mo muna ang pag-aaral mo bago ‘yang pagboboyfriend mo? Nay naman, hindi na ako bata, kaya ko na po ang sarili ko.
At wala ng nagawa ang ina kasi hindi na magpapaawat si Lea sa pagsosyota nya. At lumipas ang ilang buwan, umuwi na naman itong si Lea kasama ang boyfriend nya.
Nay! Magandang araw po! Oh Lea, di ba hindi pa tapos ang sem break nyo? Nay, narito po kami dahil nais naming ipaalam sayo na nakapagdesisyon na po kami, mag-aasawa na po kami nay. Ano? Paano naman ang pag-aaral mo? Masyado ka pang bata anak. Di mo pa kaya ang buhay may asawa. Naku anak! Sinasabi ko sayo, ang pag-aasawa hindi yan parang kanin na isusubo at iluluwa kung mapaso. Hay naku Nay! Umiiral na naman ang pagkawalang tiwala mo sa akin. Lea, alam mo, iba na kasi kung pag-aasawa na ang pag-uusapan. Isipin mo muna ang pag-aaral mo bago yan. Ikaw Remie, ano ba ang nakain mo at naisipan n’yong mag-asawa, napakabata nyo pa....Aling Digna, mahal po namin ang isa’t isa at ayaw namin namagkakahiwalay pa kami. Gusto naming magkaroon na ng sariling pamilya. At ano naman ang ipapakain mo sa anak ko gayong wala ka pa namang trabaho? Hayan nyo po aling Digna, gagawa talaga ako ng paraan para mabuhay kami, maghahanapbuhay po talaga ako. Nay! Hayaan nyo nalang po kami, at isapa wala ka ng magagawa dahil buntis po ako. Ano? Walang hiya ka!!! Pagkatapos ka naming pag-aralin ito lang ang igaganti mo? Nay...Patawarin nyo na po ako. Nadala lang po kami sa bugso ng aming damdamin.
Lumipas ang ilang buwan at natuloy talaga ang pagpapakasal ng dalawa. At kahit anong galit ng ina lumalabas pa rin ang pagiging ina nito pagdating sa kanyang anak.
Nay... wala napo kaming masaing at wala narin kaming pambili ng gatas ni Rex. Ayan... sabi ko naman sayo eh, hindi nyo pa kayang mabuhay ng kayo lang. Nay... ang dami mo namang satsat. Pasensya ka na, ito lang naman ang perang naitabi ko, hayaan mo dagdagan ko yan pag nakasahod na ang ama mo. Salamat po Nay! Hayaan nyo po, pag nakapagtrabaho na si Remie babayaran ko po kayo. Hindi... sa iyo nayan, huwag nyo ng bayaran. Tulong ko nalang yan sa inyo. Salamat po talaga Nay! Walang anuman anak.
Honey, nakahiram po ako ng pera kay Nanay, kunti lang naman pero ok na ‘to makakabili na tayo ng bigas nito at gatas ni Rex. Hon... magpaalam sana ako sa inyo, maghahanap sana ako ng trabaho doon sa Maynila para may makain naman kayo dito, hindi ‘yung puro asa nalang tayo sa mga magulang natin., nakakahiya na talaga. Pero hon! Ba’t kailangang sa Maynila pa? Napakalayo naman yata yan...Hon... wala na akong trabahong mapasukan dito, lalo lang tayong maghirap, hindi ko naman hahayaang magugutom kayo. Oh sige hon, kung ‘yan ang gusto mo, wala na akong magagawa dyan. Basta magpakabait ka doon ha, at huwag mong pababayaan ang sarili mo. Oo naman hon, para din naman sa inyo ang paglayo ko.Lumuwas kaagad sa Maynila si Remie at hindi naging madali ang buhay nya doon. Kung saan- saan na sya naghahanap ng trabaho ngunit masyadong mailap ang swerte para sa kanya. Hanggang sa sya ay namasukan bilang isang macho dancer ng isang club. Eh, ano pa bang magagawa nya wala talagang ibang mapapasukan na trabaho. Tiniis talaga nya ang trabahong ‘yon kaysa naman magugutom ang kanyang pamilya. Pero sa kabila ng kanyang pagsisikap, hindi naman siya nakakaiwas sa tukso. At bigla nalang siyang nakalimot sa kanyang pamilya...
Oh Lea, ba’t ba ang lalim ng iniisip mo. Baka mamaya malulunod ka n’yan. Eh, Nay! Dalawang linggo na po na hindi nagpapadala sa amin ng pera si Remie. Halos wala na kaming makain dito at hindi narin magpapautang sa amin si Aling Saring kasi hindi pa kami nakakabayad sa una naming utang. Eh, anak! Baka naman nagkakasakit siya doon kaya hindi nakapagpadala. Tawagan mo kaya siya! Nay, hindi naman sumasagot sa mga tawag ko eh, nauubos lang ang pera ko sa kakaload wala namang sumasagot. Paano ‘yan ngayon? Naku anak! Baka naman may ibang pinagkaabalahan. Nay...hindi magagawa ni Remie ‘yan sa amin, mahal na mahal nya po kami. Ano namang magagawa sa pagmamahal na ‘yan kung malayo na kayo sa isa’t isa. Di bale anak, bibigyan ko nalang kayo ng makakain dito habang hindi pa kayo pinadadalhan. Ay sya nga pala nak, umuwi pala si Tisoy galing Maynila. Subukan mo kayang magtanong baka nakita niya ang asawa mo doon sa Maynila. Eh nay...ang laki –laki kaya ng maynila. Anak! Maliit lang naman ang mundo, malay mo kung may alam siya. Oh sige nay bukas na bukas pupuntahan ko siya baka nga nagkita sila doon.
At kinabukasan, pinuntahan talaga ni Lea si Tisoy.
Tao po! Magandang araw po! Oh Lea, napadalaw ka? May gusto sana akong itanong sayo Tisoy. Pero bago ‘yan...Kumusta ka? Kumusta ang buhay Maynila? Ok lang, ito singleparin. Hay naku sa dami-daming babae doon sa Maynila wala kang nagugustuhan kahit isa? Ewan ko ba Lea, nakalaan lang talaga ang damdamin ko para sa isang babae na alam kong kahit kailan hindi na siya magiging akin dahil may asawa na siya. Nagpaparinig ka na naman...Totoo naman ah, ayaw ng tumibok sa iba ang puso ko. Ikaw lang talaga ang laman nito mula noon. Tigilan mo nga ako, dumidiskarte ka na naman eh. S’ya nga pala itatanong ko sana kung nakita mo ba ang asawa ko sa Maynila. Hindi na kasi siya sumasagot sa mga tawag ko at wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya doon. Nakita mo ba siya? Lea, huwag mo sanang isipin na sinisiraan ko ang asawa mo pero ang totoo nakita ko talaga siya doon, may kasamang babae. Ang sweet sweet pa nga nila eh. Tisoy hindi naman magagawa sa asawa ko ang sinsabi mo, sinisiraan mo lang yata siya eh. Palibhasa kasi, hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa akin. Wala na akong magagawa kung hindi ka maniniwala sa akin, Lea. Basta ‘yon ang nakita ko.
Umuwi si Lea sa bahay nila habang umiiyak at nagsusumbong sa kanyang ina.
Oh di ba tama ako? May babae talaga ang asawa mo kaya hindi siya nakapagpadala ng pera sa inyo at hindi na siya sumasagot sa mga tawag mo. Nay...totoo kaya ang sinabi ni Tisoy? At ano naman ang rason ni tisoy para manira ng tao? Nay, simula ngayon hindi napo ako aasa sa asawa ko. Gagawa nalang ako ng paraan para mabuhay kami ng anak ko.
Naglalabada nalang si Lea sa mga kapitbahay nila para sa ikabubuhay nilang mag-ina. Hanggang sa dumating ang araw na umuwi ang kanyang asawa ng hindi niya inaasahan.
Lea....! Remie....! Ba’t ka pa umuwi dito, matagal mo na kaming inaabandona ng anak mo ni hindi mo lang naisip kung ano na ang kinakain namin dito o di kaya’y buhay pa ba o patay na kami. Patawarin mo ako Lea, nagsisi na ako sa mga nagawa ko, iniwan ko na ang babae ko. Miss na miss ko na kayo ng anak ko. Wala ka ng maaasahan sa amin simula ngayon Remie,kaya na naming mabuhay ng wala ka. Matagal kana naming kinakalimutan. Pero Lea, honey ko... mahal na mahal pa rin kita at hindi ko kayang mawala kayo sa buhay ko. Huli na ang lahat Remie, sana inisip mo ‘yan bago ka gumawa ng kalukuhan doon.
Kahit anong pilit ni Remie, ayaw na talagang makipagbalikan si Lea sa kanyang asawa kasi nasasaktan na talaga ang buong pagkatao nya.
Nay...tulungan nyo po ako, sabihin mo sa asawa ko na nagsisisi na ako. Patawarin ninyo ako sa mga nagawa ko. Remie, hayaan mo muna ang anak ko, ipakita mo sa kanya na nagsisisi ka na talaga. Saka ka nalang bumalik dito kung kaya mo na silang panindigan.
Umuwi si Remie sa kanila ng buong pagsisisi. Habang si Lea naman ay simula ng ngkasakit dahil sa tindi ng kanyang pagod sa pagtatrabaho. At hindi nila namalayan na palala na ng palala ang kanyang karamdaman. Hanggang sa isinugod na siya sa hospital. Nang nabalitaan ni Remie ang nangyari pumunta kaagad siya sa hospital at ito ang nagyari....
Lea, asawa ko? Patawarin mo na ako, hayaan mo aalagaan kita ng mabuti at hindi na ako gagawa ng kalokohan kahit kailan. Remie, matagal na kitang pinatawad. Pero wala ng ikaw at ako, hindi na pweding balikan ang nakaraan. Masyado mo na akong nasaktan, ang pagmamahal ko sayo ay nilamon na ng sakit at pagsisisi. Nasanay na ako ng wala ka. Di ba everybody deserves a second chance? Hayaan mo akong itama ang pagkakamali ko at punan ang mga pagkukulang ko. Tama ka everybody deserves a second chance, so do I, at hindi ko ito sasayangin, bagkos itutuon ko ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak natin. Remie, wala ng ikaw at ako...Kung yan ang pasya mo wala na akong magagawa. Hayaan mo nalang akong tulungan kang bigyan ng magandang kinabukasan ang anak natin.