Xairhyll Santos
Ok na sana , malayo na ako sa kanya. Putek ba naman na tadhana yan ! Bakit ba palagi pa kaming nagtatagpo? Move on na nga ako eh. Gusto ko ng makalimot! Tanggap ko na hindi nya ako mahal at iba ang mahal niya.Pero bakit ganto? Ako na ang lumalayo para hindi na ako masaktan.Pinagti-tripan ba ako ng tadhana?
Kagigising ko lang ngayon. Ay mali pala, hindi pala ako nakatulog.Kaya kababangon ko pa lang sa higaan ko. Kahit pa quarter to 9 na. It means late na ako sa trabaho. Pero ok lang, wala naman na rin akong dahilan para pumasok pa. Ang totoo nyan binabalak ko ng mag file ng resignation letter .Gusto ko ng umalis sa lugar na yon. Lugar kung saan nasaktan ako ng husto.
"Hay!"muntikan ko ng maapakan ang buntot ni Ming .Kasi naman bakit ba paharang harang itong pusa ko.Tss.
"Shu! Shu! Di mo ba gets Ming broken hearted ako oh. Wag mo naman ako inisin!" hayan na naiiyak na naman ako.
Kasi naman tong pusa na to oh. Nginangat ngat na naman ang tsinelas ko oh. Minsan nagtataka na ako dito, pusa ba to o tuta?
"Meow!" ay oo pusa ka nga.Nang ma realize kong pusa nga tong si Ming, nagpunta na ako sa kusina para magluto ng kakainin. Ang saya sarap katayin ng pusa ko oh! Wala na pala akong stocks na pagkain. Where's the packing tape ! Naman oh !
Kaya nagdesisyon na lang ako maligo .Mamaya na lang ako kakain sa labas.
BINABASA MO ANG
Make It Real
RandomHindi mo talaga malalaman kung sino ang tamang tao ang nakatadhana para sayo. Kung kailan ang tamang panahon, para makasama mo ang taong minamahal mo. Kung saang lugar ba kayo magtatagpo. At lalong hindi mo alam kung paano mo mahahanap ang taong nak...