announcement: i'm sorry but i cant post any pictures or videos. use your imaginations, ok?\
i love yah! mwa! :*
---
Chapter 1 (SF)
Kharyll's POV
"bakit? habang tumatagal, nawawalan na ako ng halaga sayo? saan ako nagkulang? please! pagusapan natin to" i started to open this issue to him. nahihirapan na kasi ako eh. halos araw araw na siyang nawawalan ng time sa akin, kahit naman madami siyang time na vacant. ni hindi niya ako matextan o matawagan man lang. sa uwian na lang kami nag uusap at nagkikita kasi hinahatid niya pa ako sa bahay ko. ayaw ko lang i-open ang issue na to kasi baka mag away kami o baka awayin ko pa siya. kaya ngayon lang ako nabigyan ng lakas ng loob para tanungin siya.
"Break na tayo" he said it cold.
i gasp! dahil sobrang nagulat ako sa sinabi niya kaya medyo napaatras ako. hindi ko akalain na sasabihin niya yun.
I chuckle "is this some kind of your jokes? well, its funny! hahaha you're kidding, right?" i smiled bitterly. ito na nga ba ang sinasabi ko eh! kung hindi na sana ako nagtanong, hindi aabot sa ganito.
Nakatingin lang siya sa akin sa mata at umiling. kitang kita na nagsasabi siya ng totoo at seryoso nga siya!
"W-what? wait!" itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang nagsusurender "stop fooling around Austin Jake Ferrer!" i shouted. sabihin niyo sa akin na nagpapatawa lang siya. please!
"Sorry Kharyll pero hindi ko na talaga kaya eh. mahal ko talaga siya. nagkamali lang ako ng nararamdaman noong iniwan ko siya. akala ko hindi ko siya mahal pero noong iniwan ko siya doon ko lang naramdaman at narealize na mahal ko pala siya." napayuko ako dahil hindi na talaga kaya ng mata ko. bumagsak na ang luhang kanina ko pang pinipigilan. nasasaktan na ako. ang bilis ng tibok ng puso ko. ang sakit! ang sakit sakit! nanghina ang tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa sahig. masyado na akong nasaktan sa bawat salitang inilabas niya sa bunganga niya. lahat ng sinabi niya!
nagsalita ulit siya "Minahal naman kita. promise! sinubokan ko naman na labanan itong nararamdaman ko sakanya. pero ang hirap talaga. mahal kita, Ryll. pero-" pinutol ko ang sasabihin niya kasi alam ko na ang kasunod nun. itinaas ko ang kanang kamay ko para sabihin na tumigil siya sa pagsasalita.
tumayo ako at pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko. "*sniff* so, iiwan mo rin ako katulad ng ginawa mo sakanya noon? tinanggap kita kung ano ka! hindi pa ba sapat yun?! minahal kita ng buong buo!" pasigaw na sinabi ko "ganun na lang ba? so lahat ng mga sinabi mo noon, lahat yun kasinungalingan lang?" i said and i smirk.
BINABASA MO ANG
Stay FOREVER
FanfictionMinsan ka na ngang magmahal nagagawa ka niya pang iwan at saktan! Parang dinurog durog ang puso mo. "There's a girl who fell in love with someone that she thought he is the ONE!"