My Lovestory <3 (ONE SHOT)

117 4 1
                                    

"Will you be my girlfriend?"

"Yes!"

"YES!! YES!! YES!! I LOVE YOU DENNISE!!"

"Mahal na mahal din kita PJ"

Awww... Ang sweet naman. Ako na naiinggit. Ako na bitter. Sana mangyari din yan sakin. Aluloy, nangarap ka pa Angela, never namang mangyayari sayo yan eh. Hindi ka naman gusto ni Louise eh. Dog and cat nga kayo. Mortal enemies ang peg niyo. 

"Oh, ano na naman pinanonood mo diyan Angela? O.A. talaga niyan eh!"

Speaking of Louise. Siya nga yan. No other than. Ang taong mahal ko. Tingnan niyo, imposible na gawin niya yung ginawa ng boy kanina. Sinabihan pa niya ng O.A. Langya talaga.

"Pake mo ba ha?! Babae ako noh at pangarap ng lahat ng babae na may gagawa sa kanya ng ganun ka sweet balang araw."

"Psh, babae nga naman."

"Psh, lalaki nga naman."

"Wag kang kiligin sa lovelife ng iba dahil---"

"Dahil??"

"Basta, alamin mo. Wala talaga tong utak tong babaeng to."

"Abat ako pa ang sinsisi diyan sa kalokohan mo?! Umalis ka nga sa harapan ko! Tse!"

"Talagang aalis ako! Hmp!"

At umalis na siya. Hay! Parang double meaning yung sinabi yang aalis na siya, naintindihan niyo ba ako? Aww. Hahahaha!

Grabe, kinilig talaga ako dun sa nangyari kanina. Iniimagine ko na lang na gagawin iyon ni louise sakin. Aluloy, kilig much to the max talaga yun! Ashushu!!

Pagkatapos magwalk out ni Louise, bumalik na lang din ako sa classroom, kung parati lang ako mag-iimagine, baka ako pa ang masaktan. *sigh*

"Babe, san mo gusto pumunta bukas? Sa mall? Sa park? Saan babe?"

"Ikaw na bahala babe!"

"O sige, advance happy valentines na lang babe!"

"Happy advance valentines na din!"

Valentines Day na pala bukas. May idadate kaya si Louise bukas?! May pag-asa kaya ako na maging kadate niya bukas? Hay, ito na naman ako, nagiimagine na naman ng mga IMPOSIBLENG bagay na di naman mangyayari. Tsss..

"BULAGA!!!"

"Ay kabayo!!"

"Hahahahahahaha, sarap mo talaga asarin Anjela! Hahaha!"

"Ayan ka na naman Louise huh. Isa pa ngayon, itatapon na talaga kita."

"Beelat!! Kung kaya mo. Ang stick mo kaya. Di tulad sakin, may muscle oh"

"Shuddap!"

"Bwahahaha, btw, valentines na bukas Anjela, sigurado ako walang magbibigay sayo ng flowers."

"Wala akung paki. Hmph!"

"Hahaha, pwede manghingi ng tips Anjela?! Pano papakiligin ang isang babae?"

Ouch </3 

"Eh? Bakit ako?" 

"Ikaw lang yung babaeng naisip ko eh. Hehehe. So pano ba?"

My Lovestory &lt;3 (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon