Paano Ba Ang Magmahal.

33 0 0
                                    

Paano nga ba ang magmahal? Sabi sa isang kanta nina Sarah G at Piolo Pascual, “Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan, umiiyak na lang palagi. Gusto ko nang lumisan.”

Sa pagibig hindi talaga maiiwasan na masaktan. Isang package na ang kaakibat nito, saya, lungkot, sakit, panghihina, pagkadismaya, sobrang saya, walang katapusan na kilig, pagkadurog ng puso, kapag tinamaan ka na ng pana ni Kupido. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, bakit patuloy na nagmamahal ang mga tao gayong hindi naman nila alam kung paano ang magmahal.

Sino ba ang nakakaalam kung paano magmahal? Yung pagmamahal na hindi ka sasaktan. Pagmamahal  na di ka paiiyakain. Pagmamahal na hindi sisira sayo. Pagmamahal na tanging saya lamang ang ipadadama sayo. Pagmamahal na hindi mo na kailangang magsakripisyo. Pagmamahal na hindi ka iiyak sa sobrang sakit. Pagmamahal na walang alitan sa isa’t isa. Pagmamahal na hindi mo pagsisisihan. Pagmamahal na hindi nagbabago. Pagmamahal na di ka kayang iwan basta basta. Pagmamahal na hindi kayang saktan ang pusong inilaan mo para sa kanya.

Madaming samu’t saring pagmamahal ang meron sa mundong ito. Pagmamahal sa magulang. Pagmamahal sa matalik na kaibigan. Pagmamahal sa boyfriend/girlfriend. Pagmamahal sa alangang aso o pusa. Pagmamahal sa iPhone mong cellphone. Pagmamahal sa laptop mo. Pagmamahal sa airmax o nike mong sapatos. Pagmamahal sa Panginoon. Lahat ng pagmamahal na ito ay dinaranas o nararamdaman ng bawat isa sa atin.

Ngunit karamihan sa atin mga bitter. Hindi makamove-on. Na halos ipana ulit kay Kupido ang pana nya na nakasakit sa atin ng sobra. At kahit alam naman natin ang tamang gawin para solusyonan ang sakit na ito, hindi natin ginagawa. Bakit? Kasi patuloy pa din nating tinatahak ang nakaraan na hindi na maibabalik. Patuloy na umaasa na babalik sya. Paulit ulit lang natin sinsaktan ang mga sarili natin.

Pero para sa akin, walang instruction kung paano ang tamang pagmamahal na tanging saya lang ang pwedeng idulot. Kung hindi ka masasaktan, at tanging saya lang ang nadarama mo, hindi matatawag na pagmamahal iyan. Kung hindi ka babangon sa pagkakalugmok mo, hindi maghihilom ang mga sugat mo. At kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, hindi mo malalaman ang kung paano ang magmahal.

Paano Ba Ang Magmahal.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon