"Kamsuta Crush mo?! *Insert weird tone here*" napatingin nanaman ako kay Arianne ng marinig ko yang tanong na yan.
Sa isang araw, halos minu-minuto tinatanong niya yan sa LAHAT ng classmate namin. KASAWA eh =.=
Ang weird niya tae, nakakairita sa tuwing naririnig kong tinatanong niya yun sa mga classmate namin. Lalo na sa mga tropa ko kong lalaki.. dahil ba kahit kelan hindi niya ko natanong? LOL! E ano naman!?
"Smile ka din!*Insert weird tone here*" tinitigan ko siya ng masama habang tumatawa siya ng wagas.
Napatingin naman siya sa akin at biglang napatigil sa pagtawa at binaling ang atensyon sa iba. HAHAHAHA! Ano ka ngayon? Edi natigil ka?
Nagulat ako ng may biglang tumapik sa balikat ko at nagsalita "Baka matunaw naman si Arianne niyan?"
Si Jeremy lang pala. "Ang weird kasi niya" sagot ko sa kanya.
"Asus! Pero deep inside---"
"ASA!"
Tumayo na ako at lumayas ng room.
POV> Arianne
Napansin kong lumabas ng room si Kiel. Badtrip siya, makatingin wagas! Hay nako! Inaano ko ba siya? Lagi na lang siyang ganyan, napakasama kung makatingin. Ganda ko kasi e. Naiingit ata. Joke!
Tinuloy ko na yung daily routine ko... ANG PAGSUSURVEY AT PANGANGAMUSTA SA MGA CRUSH NILA ^______________________________^
"Kamusta Crush Mo?" pangatlong tanong ko na kay Aly.
"Ayun! Gwapo pa din! HAHAHA! Joke! Ayoko na nga sa kanya eh" napapout si Aly.
Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik tapik ng mahina "Aly pang ilang beses mo ng sinabi yan? E hindi mo naman pinapanindigan eh! Gawin gawin din pag may time."
"E walang time?" naningkit yung mata ko sa sinabi niya.
"Matik na! Yan tayo eh. Lol" sarcastic na pagkakasabi ko.
Aalis na sana ako ng biglang magtanong si Aly " E ikaw? Kamusta Crush Mo?"
Napatigil ako sa tanong niya.
E paano ko malalaman? Lumabas siya ng room! Tapos ayun, kanina imbes na SMILE ang gawin niya.. Tinitigan nanaman niya ko ng masama :3
"Baka may crush?" sagot ko sa tanong niya.
"Luuuh! Grabe na. HAHAHA!" hindi ko siya pinansin at umalis na ko sa kanila/
Ayan tuloy! Nadulas ako. Hindi ko siya crush :3 (Utak: Weeeh? Di mo Crush?) OO! Hindi! (Puso: Sure ka? Baka mamaya ipagsigawan ko dito tunay mong nararamdaman sa kanya?) SHHHHH! Ano ba?! Ang weird ng mga organs ko! Ang daldal! Grabe na!
(Puso: Pssst! Kiel! Ala----) SHUT UP! OO NA! CRUSH KO NA SIYAAAAA! Actually, hindi ganun kacrush. Yung tipong gusto mo ng sunggaban at rape-in. Minsan naiisip ko yun. MINSAN lang XD
Mabait akong bata kay study muna----- JOKE! Di na uso yan. Lol!
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko na nasa dulo pa ng daigdaig, bawat madaanan ko kinakamusta ko crush niya. Ang weird dahil sa tuwing tinatanong ko sila. Bigla nalang silang tatawa.
Ilang araw palang yung commercial na yun ng McDo trending agad yung tanong na "Kamusta Crush Mo?" . Pati ako nakikiuso. HAHAH!
Napatingin ako sa pinto ng biglang itong bumukas at iniluwa si Kiel. Ngiting wagas! Nakoooo! Bakit kaya?
Ikaw Kiel? Kamsuta Crush Mo?
POV> KIEL
Vacant ulit namin, walang klase. Malamang vacant nga eh. Naglalakad kami sa hallway ng makasalubungan namin sina Arianne at Aly na nagtatawanan habang naglalakad.
"Jeremy! Jeremy!" tawag ni Arianne kay Jeremy.
"Ow? nakangiti lang si Jeremy sa kanya.
Pustahan Itatanong nitong babaeng werido na to kung kamusta yung crush ni Jeremy.
"Kamusta Crush Mo?"
SABI NA EHHHH! Ang weird talaga nitong babae na to, takas ata to sa Mental eh. =_______________________________= Lakas topak.
"HAHAHA! Nililigawan ko na siya ngayon" proud na proud naman tong isa ng to.
"Ohhh?! Galing!" magkasabay nilang react ni Aly.
Napadaan sa akin si Arianne at tinanong naman si Loius na nasa kaliwa ko. Sunod si Jake na nasa likod ko.. Bigla siyang napatigil sa tapat ko..
Nakita kong bubuka na yung bibig niya at para bang may sasabihin.
"Tara na Aly! Tapos na ko magsurvey." pagkasabi niya nun hinawakan niya sa kamay si Aly at tuluyang umalis.
"Yun oh! HAHAHAHA! Di ka tinanong Fre?" pangaasar naman nila sa akin.
"Pake ko?" sabi ko nalang sa kanila
Shit! Bakit ba.... AKO LANG SA LAHAT ANG HINDI MO MATANONG NYAN?
-----
Few Days Later...
Kamusta Crush mo?
Baka may Crush? Lol. ayan nanaman tayo... I mean siya nagungulit. Pero this time, humihiram siya ng ballpen. Paano tanga, winala yung ballpen, e malapit ng magtime. Malayo ang bookstore. At lahat sila walang extrang ballpen.
Tinitigan ko lang siya ng masama habang nagungulit sa ibang classmate namin.
"Wala kang extra ballpen?" nanlulumo na yung boses niya. Umiling lang naman yung tinanong niya.
Napatigtig siya sa akin.. Ako naman tinitigan din siya. Pero inirapan niya lang ako at nagtanong ulit sa iba. Sigeee!
*Kalbit* *Kalbit*
Ginalaw ko yung balikat ko. Nagrereview yung tao eh.
"Tsk! Ano b---" napatigil ako ng makita ko si Arianne na nakatayo sa tabi ko.
"May extrang ballpen ka?" nagmamakaawa niyang tanong,
Napangisi ako.
SA WAKAS! TINANONG MO DIN AKO! AT KINAUSAP MO DIN AKO...
"Meron" kinuha ko sa bag ko yung ballpen at inaabot sa kanya.
Naabot ko na yung ballpen pero hindi parin siya naalis, nakatungo siya.
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Sa-Salamat pala. Pero-- May isa akong tanong.."
"Hmm?"
"Kamusta Crush Mo?" tumingala siya sa akin, at ngumiti.
Crush ko?
"Yung Crush ko? Ayun, alam mo bang ang weird niya? Kasi. . .
KINAKAMUSTA NIYA YUNG SARILI NIYA? Mali pa yung tanong niya! Dapat kasi. . .
Kamusta MAHAL mo."
Ngumiti ako sa kanya, siya naman gulat na gulat.
"E Ikaw? Kamusta-- Crush mo?" napakuyom ako ng kamao at hinintay yung sasabihin niya.
Napangiti siya bago magsalita.
"Yung taong Crush ko...Mali! Yung taong MAHAL ko...
Pinahiram ako ng ballpen."
The End.
***
A/N: Sht! Ang CORNY XD Ang boring kasi ng buhay kaya naisipan ko lang gumawa ng one shot. HAHAHA! Ikaw Kamusta Crush Mo? :D