Remember when we were seven? Nung una tayong magkakilala ? :)
isa ka sa mga pasyente ka ng daddy ko.
Napakaiyakin mo pa nun. Hindi tulad ko at ng ibang bata sa school ko, ikaw nasa ospital lang. Madalas nakahiga.
Nalulungkot ako para sayo. Kaya kinaibigan kita.Naalala mo pa ba nung naglalaro tayo ng little doctor?
Ako yung doctor at ikaw ang pasyente.
Nag away pa nga tayo dahil ayaw mong tanggalin yung damit mo. Pano ko maririnig tibok ng puso mo ?Naaalala mo pa ba? Nung nagwawala ka kase ayaw kang palabasin ng mga nurse? Kase gusto mo maglaro ng soccer ? Pero bawal. Hindi kase kaya ng puso mo :'(
Naalala mo pa ba ? Nung nagaaway kayo ng mommy mo dahil sa pagpalit ng diaper mo? Ayaw mo kase sabi mo big boy ka na. Umiyak si mommy mo. At nakita kong umiyak ka din.
" mmy, im sorry kung pabigat ako sainyo. Hindi ko po gusto magkasakit. Hindi na po ako maglalaro ng soccer para gumaling na ako at hindi na kayo mahirapan " sabi mo.
Lalong napaiyak Mommy mo.
"Hindi anak. Hindi mo kasalanan. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat kung bakit pinanganak kang ganyan. Kung sana naging mas maingat ako. Kung sana malusog ako habang pinagbubuntis kita :'(Naaalala mo pa ba ? Nung una nating narinig kung hanggang kelan ka nalang mabubuhay ? Aksidente lang yun. Manunuod sana tayo ng fireworks display sa rooftop ng ospital. Pero naalala mo sila Mommy mo. Sabi mo magugustuhan din nila yun. Ako na ang nagprisinta bumaba kase baka mapagod ka. Dinig na dinig ko.
"May magagawa tayo para patuloy na mabuhay ang anak nyo. Sa tulong ng gamot tatagal pa ang buhay nya hanggang mag 18 years old sya."
"what? 18??!! Doc sinasabi mo bang hindi na gagaling ang anak ko ?"
Umiiyak na sigaw ng mommy mo.
" may option pa naman tayo. Maaari syang sumailalim sa heart transplant pag tungtong nya ng 18. Yun ay kung kaya pa ng katawan nya."
"At kung hindi?! Mamamatay ba ang anak ko??! Hindi ko kaya! :'( doc gawan mo ng paraan."MAMAMATAY. tumatak yun sa isip ko. Mamamatay sya. Sa bata kong isipan ay natakot ako. Yun din kasi ang sabi ng doctor ng Mommy ko. At nagkatotoo. Iniwan nga kami ng mommy ko.
Napaiyak ako sa takot.
Mawawala ang kaibigan ko.
Naaalala ko pa nun. Ng hilain moko palayo para hindi nila makitang pinakikinggan ko sila.
Hindi ko namalayan nasa likod pala kita.
Ngumiti ka sakin. Pero alam kong naiiyak ka.
" seven minus eighteen? " sabi mo.
"Hindi ko alam." Sagot ko.
"Haaaayyy Xia -___-
Hindi ka nanaman nag aral. 11. Eleven years pa. Diba madami pang bukas yun ? Marami pang tulog yun kaya wag ka na umiyak ok ?"Bata pa tayo nun kaya nagpauto naman ako sayo.
