Fall
Sabi nila, kapag nagmahal ka, handa kang masaktan, handa kang mahirapan, handa ka ring magsakrapisyo at magparaya para sa ikasasaya niya.
Pero, gano'n ba talaga ang definition talaga ng love?
Lagi na lang bang kailangan na may nasasaktan? Lagi na lang bang kailangan na may nang-iiwan? Lagi na lang bang kailangan na may nagsasakripisyo at nagpaparaya? Lagi na lang ba?
Kung gano'n na lang lagi, posible bang 'wag na lang magmahal ang isang tao?
Para posible rin na hindi na mahirapan pa at masaktan?
Pero paano kung nahulog ka na nga tuluyan, sa hindi inaasahang tao at hindi inaasahang pagkakataon? Posible pa bang mawala ang damdamin para sa taong iyon? Posible pa bang mapigilan ang nararamdaman para dito? O imposible?
Nahulog na nga kaya ako? Paano kung oo?
Kakayanin ko bang bumangon mula sa pagkakahulog ko?
-----
BINABASA MO ANG
FALL FOR YOU
Teen FictionAuthor's Chena: So, bakit ko ba ginawa ang story na ito? Una, para maibahagi ko ang nilalamang imahinasyon ng aking utak at kaisipan. Pangalawa, dahil trip ko at pangatlo, dahil gusto kong sumulat. Hindi ko hilig ang magsulat o gumawa ng istorya, ng...