CHAPTER 1

11 1 0
                                    

MYSTERIOUS
"Love moves in mysterious way."

---
YUSI'S POV

   Maaga akong nagising dahil ito ang unang    araw ng pasukan.

   Ako ay nasa ika-siyam na baitang sa paaralang National KStates Academy o mas kilala sa tawag na NKSAcademy.

   Ako si Yusinna Zey Clemente...

   Naligo muna ako at agad na akong bumaba sa aking kwarto, doon ay nakita ko ang aking kapatid na kumakain ng kanyang agahan.

   "Ate Zey, kain na tayo! Excited na 'kong pumasok sa school niyo!" Siya si Zabrina Aey Clemente.

   Tumango ako sa kanya at naupo na... "Umalis na sila Dad?"

   "Oo ate, kanina pa. Bakit ang seryoso mo naman ngayon? Hindi ka ba excited na pumasok sa school o masama ba ang 'yong pakiramdam ate?" At saka niya inilagay ang kamay sa noo ko, tila tinitingnan kung may lagnat ako.

   "Aey, ayos lang ako." At saka ako ngumiti sa kanya... "Bilisan mong kumain at baka ma-late pa tayo. Bahala ka! Masungit si Ms. Reyes." pagbibiro ko pa sa kanya.

   "Talaga ate? Nakakatakot ba sa school niyo?"

   "Biro ko lang 'yon, pero mas maiging pagbutihan mo na lang ang pag-aaral mo."

   "Syempre ate! Pagbubutihan ko talaga!" At saka siya tumayo at inayos na ang gamit niya. Ako naman binilisan na ang pagkain at gano'n na din ang ginawa.

   Nang aalis na sana kami ay may tumawag sa pangalan ko...

   Si Zach, ang kuya namin.

   "Aalis kayo ng hindi nagpapaalam sa akin? Nakakatampo naman, hays" at saka siya ngumuso.

   "Tulog ka pa kasi, alanganamang gisingin ka namin, hindi ba?"

   "Aba't pinipilosopo mo pa ako Zey ha, ganyan ba ang ibubungad mo sa napakagwapo mong kuya? Hindi ka muna ba magpapasalamat at gising na ako? Hindi ka ba magpapasalamag dahil nagkaroon ka ng kuya na Xyryll Zach Clemente ang pangalan?" Mag-uumpisa na naman siya sa kabadingan niya.

   "Hahahahaha. Ang cute mo kuya!" Si Aey 'yan at saka niya niyakap ang kuya namin matapos niyang sabihin 'yon.

   "See? Buti pa si Aey na-appreciate ako oh. Ikaw ba Zey?" At patuloy pa din siya sa pagnguso.

   "Pasensya na kuya Zach, hindi ako madadaan ng kabadingan mo. Ni hindi ka pa nga nagsisipilyo d'yan e. Kadiri!"

   At saka nanlaki ang kanyang mga mata at agad na lumapit sa akin upang kilitiin ako.

   Ganyan talaga kami magbiruang magkakapatid. Si Kuya Zach ay may pagkaisip bata talaga pero protective din 'yan sa'min, si Aey ay ganoon din at sabi naman nila ay ako daw ay may pagkasarkastiko at seryoso. Tss. Di naman e.

   "Osya ingat kayo ha? Libro at kaalaman sa eskwela ang iuuwi niyo dito. Hindi lalaki Zey at Aey. Nagkakaintindihan ba tayo?"

   "Oo na." Sabay naming sagot ni Aey at saka kami natawa.

   Ipinatawag na ni Kuya Zach si Manong para ihatid kami sa NKSAcademy.

   As expected sa unang araw ng pasukan...

   Ibinigay lang ang schedule o oras ng bawat subject, ibinigay ang sarili naming pwesto at introduce yourself.

   "Okay... Next is Ms. Clemente" tumayo ako at magsisimula na sanang ipakilala ang aking sarili nang...

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon