Sabi nila noong ipinanganak ako wala man lang daw natuwa. Para bang ang malas ng araw na iyon dahil pinanganak ako. Noong una hindi ko iyon maintindihan pero habang ako'y lumalaki doon ko napagtanto ang dahilan kung bakit parang walang masaya na nabuhay ako sa mundong ito. Ito ay dahil ipinanganak ako bunga ng kasalanan at walang pag ibig. Ginahasa ang aking ina at ako ang nabuo. Minsan naisip ko bakit pa niya ako binuhay kung puro sakit at galit lang ang binibigay nya sa akin. Tuwing umaga lagi nya akong sinisi sa lahat ng nangyayari sa buhay namin. Hanggang sa unti unti na siyang nawala sa sarili kaya pinaampon ako ng aking sariling lola. Masakit isipin pero mas ginusto pa nila kunin ako ng iba kaysa kunin nila ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag wala na ko sa kanila. Mali pala ako. Ang umampon pala sa akin ay isang drug lord. Naisip ko dahil ba sa kasalanan ng aking ama kaya ako ang nagdudusa? O sadyang mapaglaro ang tadhana para sa akin?
Ngayon ay 16 na taon na ako. Kaya nagpasya na kong lumayas sa umampon sakin hindi naging madali pero mas gugustuhin ko nang magpalaboy sa kalsada kaysa nandito pa ko sa impyernong bahay na ito. Sana mabago na ang takbo ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Rain
RandomSa lahat ng sugat ay may gamot. Sa lahat ng lungkot may saya. Sa lahat ng ulan may bahaghari. Pero sa isang katulad ko na kailanman ay hindi nakaranas ng saya, masasabi ko bang may bahaghari pa? Kailan ko mararanasan ang bahagharing sinasabi...