Ligaw

13 0 0
                                    

"Well... Ano pa bang magagawa ko kung pinangnak akong gwapo at matalino??" sabay smirk

"EDI WOW! Nahiya naman ako sa katawan mong mas payat pa sakin" sabi ko sabay pamewang.

Ano ba tong lalaking to? Umaakyat ba to ng ligaw o nang aasar lang?!

Habang nag kukwentuhan kami ni Lean dumating naman si mama na may dalang meryenda para samin.

"So, iho ano naman ang nagustuhan mo dito sa baby ko At nag effort kapa ng ganyan?" sabi ni mama habang naka upo sa sofa.

" Mama naman eh!!! Di nako baby!!" sabi ko habang naka pout.

" Ahh.. Ang cute nya po kasi ang laki ng ngipin. Parang kamuka nya yung alaga ko pong kuneho sa bahay. hahahaha!" at ang walang hiyang payatot nato, namumula na kakatawa..

"Aray!!! Ano ba??!!" kinutusan ko nga. Asarin ba naman ako sa harap ng nanay ko?. At ito namang mahal kong nanay panay tawa lng saming dalawa.

" Alam nyo, ang cute nyong tingnan. " sabi ni mamahabang nag sasalin ng juice sa baso.

" mama, saming dalawa ako lang ang cute. Itong katabi ko Facute lang yan." sabi ko sabay irap kay Lean.

Pero deep inside na tutuwa ako dahil kay mama nya unang naisipang manligaw kesa sakin.
Dahil para sakin magulang talaga ang unang sinusuyo bago yung babae.

" pero tita, seryoso po ako muka mang kuneho itong si Zoe sa paningin ng iba , pero sa paningin ko... She is the most perfect girl in the world."

Nagulat ako sa sinabi nya kaya bigla akong napatingin sa kanya.
At pag tingin ko naka titig din sya sakin kaya bigla akong namula at napayuko.

" ok.. Iho, sa tingin ko naman mabait ka at kaya mong ipag tanggol tong si baby Zoe sa iba kaya kung gusto mong ligawan itong baby ko .. okey lang sakin. Malalaki na kayo... Alam nyo na yung tama sa mali. Yung mga limitation nyo." sabi ni mama habang naka ngiti kay Lean.

"T-talaga po tita?! S-salamat po! Di ko po sisirain yung tiwala nyo sakin."

Wow hah! Ganun lang yun? Wala man lang akong nasabi???
Edi wow talaga!.

BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon