Kanina pa naiinip si Chen sa kinauupuan nya kaya na pag pasyahan nya na maglakad lakad.
Actually ayaw naman talaga nyang sumama sa Mommy nya papunta sa birthday ng kina kapatid nya sa bulacan kaya lang pinilit sya ng mommy nya at pati na din ang daddy nya na hindi makakasama dahil may bussiness trip itong I na tend-an ngayon.
Hindi nya pa nakaka usap yung kina-kapatid nya dahil masyadong busy sa pag enter-tain ng iba pang bisita.
Masasabi nyang medyo close sila ng kinakapatid nyang si Yona dahil sya ang dahilan para makilala nito ang kasalukuyang boyfriend na bestfriend naman nya sa manila.
Nag i-kot i-kot si Chen sa garden ng mapansin ang isang babaeng naka upo sa bench malapit sa fountain.
Hindi muna sya lumapit dahil natutuwa sya sa pag galaw ng ulo nito na para bang hindi mapigilang umindak. Napatakip na lang sya ng bibig ng naramdaman nyang hindi na nya mapigilang tumawa. Lumakad sya palayo ng ilang hakbang at dun na sya tumawa ng tumawa.
Nakatingin parin sya dun sa babae at lalo pang napatawa ng itinaas nito ang kamay na animo nasa isang concert.
Nang napakawalan na nya lahat ng tawa nya muli syang lumapit sa kinaroroonan nito. Hindi parin ito tumitigil sa pag indak at tumingala pa ng konti kaya nakita nya ang mala anghel nitong mukha.
Saglit syang nawala sa wisyo at napatitig sa babaeng nakatingin na rin sa kanya ay' hindi pala nakatingin na katitig din ito sa kanya. Sya ang naunang maka bawi kaya naman hinintay nya muna kung ano ang magiging reaksyon nito.
Bahagyang umuwang ang mapu-pula nitong labi at namula ang makinis nitong pisngi. Nginitian nya ito at tsaka nya ito kinindatan. Lalong namula ang maganda nitong mukha.
"Oh my gosh!" Gulat na sabi nito at tsaka nag takip ng mukha gamit ang mga kamay.
Naaliw sya sa reaksyon nito kaya hindi man lang nya alam na nakangiti na pala sya.
Ilang minuto silang nag pakiramdaman kung sino ang unang mag sasalita.
"Great moves" nakangiti nyang sabi. Nagulat sya ng bigla itong tumakbo pa-alis ng wala man lang sinabi.
"Hey! Wait up" napatakbo din sya pasunod sa babaeng nag pangiti sa kanya. Li-linga linga sya sa paligid ngunit hindi na nya ito makita.
"Haist! I didn't get her name" nang hihinayang nyang sabi at tsaka muling nag patuloy sa pag lalakad.
Nang makabalik sa party ng kanyang pinsan ay sinubukan nya ulit itong hagilapin. Pero ni anino nito ay hindi na nya nakita pang muli.
Hmmm where did she go?? Tanong nya sa sarili at napangiti ng wala sa oras.
God, she's so beautiful.
Pa ulit ulit nyang binabalikan sa utak nya ang maganda nitong mukha.I swear I'll find you, no matter what it takes. Determinado nyang sabi sa sarili.
BINABASA MO ANG
Scrapbook
Novela JuvenilLooking at you makes me happy and everytime you smile at me I fall for you even more. I wish I can tell you how much I love you . -Chen Ramirez to Nolyn Santos. Unang kita ko pa lang sayo nag wala na agad ang puso ko. Alam ko masyado pang ma...