I

722 23 9
                                    

It's been a year yet I am still expecting that he'll take back the words he said. At first, I thought, I was just having a bad dream but then reality slapped me. Hard. The day after that incident, I went on their house to at least make our closure more formal. Half lie, yes, kasi I'm still assuming na may surprise lang siya sakin dahil that day was our 8th monthsary. I cheered up myself the night before dahil baka nga may plano lang talaga siya. I tried to suppressed all of what I felt and cleared my bad thoughts. Baka nag o overthink lang ako kaso with what I had seen nung makarating ako sa kanila, hindi ko nagawa yung dapat gagawin ko. I saw him with his new girl. Hindi pa ako nakakapagdoorbell noon nung matanaw ko sila sa veranda. Tumatawa siya. Godness, how I missed him laugh like that. Huli kong nakita iyon nung last monthsary namin. He rented the whole ice skating rink to surprise me. Di ko akalaing nabasa niya yung list ko ng relationship goals. Lul. Pareho pa kaming di marunong kaya naman panay ang tawa naming dalawa tuwing nadudulas ang isa. Naluluha kong tinignang muli ang dalawa. The girl was sitting on the railings habang siya naman ay nasa harap nito at ikinukulong ang babae sa gitna ng kanyang mga bisig para maging support upang hindi ito mahulog. Her long straight and silky black hair that's freely flowing on her shoulders plus her morena features made her look like a Bench model. Insecurities killed me that moment. Gustung-gusto nang kumawala ng mga luha ko. Pigil ang mga hikbi ko at patakbong umalis. Dapat ako yun e. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganoon. Nalilito ako. Nahihirapan akong huminga sa sobrang pag-iyak ko. Napapagod na ang mga tuhod ko kakatakbo kaya naman bumagal ako at kusang huminto. Umupo ako sa bench sa tapat ng puno ng Acacia. Malapit na ito sa amin. Tinignan ko ang puno at hinawakan ang nakaukit dito. Third <3 Erza. Siguro, this is the closure na hinihingi ko. Isinampal na sakin para matauhan ako. Sana. Sana matanggal na yung sakit na nararamdaman ko. Ayoko na nito.

"...ready for takeoff." Pagkarinig ko noon ay nabalik ako sa realidad. Ang layo pala ng narating ko kakaisip.

Pagbaba ko ng eroplano ay nagstretch muna ako. Ah, this is my home. Suminghot singhot pa ako na parang inaamoy ang hangin sa Pilipinas. Lul. Nanakit pa ang leeg ko sa haba ng byahe.

"Ate!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. "Ate, dito!" Paglingon ko ay nakita ko ang aking bunsong kapatid kaya naman lumapit na ako agad bitbit ang dalawa kong maleta.

"Nasan sila Mama, Soy?" ani ko sabay halik sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko ay mas tumangkad itong kapatid kong ito. Lumaki din ang kanyang pangangatawan. Binata na talaga. Ang bilis talaga ng panahon.

"Nasa bahay, tumutulong sa pagluluto. Balak atang magpaparty ni Mama e," aniya habang hinahatak ang mga maleta ko.

"Hindi pa din nagbabago si Mama," sabi ko sabay kabit ng seatbelt, nasa sasakyan na kami.

"You talk like ilang years kang nawala," aniya sabay tawa. Inirapan ko na lang at ipinagkibit balikat ang kanyang sinabi.

"Ininvite siya ni Mama. Sinasabi ko lang baka mabigla ka. Baliw kasi yun si Mama sinabi ko ng wag na e, ayaw papigil," tiim bagang niyang sabi. Dahil doon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na naeexcite sa narinig ko. Sila pa rin kaya nung babae? May nagbago kaya sa kanya? Nacucurious ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon