Magkasamang nakaupo sa harap ng waterfalls sina Yna at Kiel. Tahimik na magkasama ang dalawa.
Kiel: Yna?
Napatingin si Yna kay Kiel ng binanggit niya ang kanyang pangalan.
Kiel: Naalala mo yung sinabi ko sayo dati?
Yna: Alin?
Napatayo si Kiel at tinalikuran si Yna.
Kiel: Yung sinabi ko sayo na aalis ako ng Pilipinas.
Napatayo naman si Yna.
Yna: Itutuloy mo ba ang pagalis mo? Iiwanan mo na ba ako? San ka ba pupunta?
Kiel: Oo tutuloy ako ng alis. Bukas na ang flight ko.
Yna: Ano?! Bakit di mo sakin sinabi agad?! San ka pupunta?
Kiel: Yna, sa Canada na ko titira.
Yna: B-bakit?
Kiel: Nahihirapan na ang mga magulang ko dito sa Pilipinas.
Yna: ...
Kiel: Naisipan na nilang umalis kami para magsimula muli sa Canada.
Yna: Isama mo ako.
Kiel: Hindi kita pwedeng isama.
Yna: (umiiyak) B-bakit? :'(
Onti onting linapitan ni Kiel ang umiiyak na si Yna at hinimas ang kanyang mga pisngi.
Tumingala si Yna.
Hinawakan ni Kiel ang baba ni Yna at linapit niya ang kanyang mukha sa kanya at onti onting nagkalapit ang kanilang mga labi.
"ANDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD..... CUT!" Sigaw ng direktor. "Dapat guys mas galingan niyo pang umiyak next time para mas mukhang totoo!! Okay sige pwede ng magpahinga."