DANNICA'S POV ✏
Uwian na but I chose to stay for a little bit upang hanapin ang favorite notebook ko.
"Dann" someone called my name
"Ay kabayo!" Napasigaw ako sa gulat at takot.
Sa pagkakatanda ko ako nalang ang nag-iisang studyante rito sa room kung kaya ay nakakagulat nang may tumawag sa'kin. Totoo nga bang may ghost na naninirahan sa bawat schools?
"Sa gwapo ko 'to? napagkamalan mo 'kong kabayo?"
This can't be! May iba pa bang tao rito bukod sa akin?! nagsasalita na ba ang multo?! Upgraded na ba? Dahan-dahan akong lumingon sa may pintuan at may nakita akong lalaking nakatayo roon habang nakatitig saakin!
"Tinawag mo ba ako?" I know I look awful right now and I asked a stupid question.
"Bakit gusto mo ba na sambitin ko ulit pangalan mo? Ms. Dann?" nakangiting wika niya
Naalala ko tuloy yung ginawa ko sa Cafeteria. Grabi lang, naalala niya pa yun?
"Picturan mo nalang ako, kung tititigan mo ko ng napakatagal"
Anong sabi niya? Aba! Napaka feeling naman pala nito!
"Kapal mo! Tinignan lang kita" pagtataray ko sakanya
"Oh, ang pakay ko talaga rito ay ibigay 'to" aniya at inabot saakin ang isang box
"Aanhin ko naman yan?"
"Regalo ko sa'yo"
"Hindi ko birthday"
"Hindi ba pwedeng magbigay ng regalo kahit normal lang na araw?"
"Hindi"
"Bakit ba ang sungit mo? Kuhanin mo na 'to at magpasalamat ka nalang"
Tinitigan ko ang box na dala niya saka siya tinaasan ng kilay. "Hindi kita boyfriend para bigyan mo ko ng regalo, hindi ko rin birthday ngayon. Ano ang dahilan mo para bigyan mo ko ng regalo?" wika ko at saka inilagay ang kamay ko sa pisngi ko at nag-isip. "Hindi kaya.. O-M-GEE. May gusto ka saakin?!" gulat na wika ko
"No way!" violent reaction niya
"Eh bakit nga kasi nagbibigay ka ng regalo?! Tatakbo ka bang presidente?!" inis na singhal ko
"Peace offering ko sa'yo tsk! kung ayaw mong tanggapin edi wag!"
"Oo na! Akin na!" ani ko at hinablot yung box sa mga kamay niya.
It is a blue small box with a red ribbon. I untie the ribbon and open the box slowly. Nang nakita ko ang laman ay agad na nanlaki ang mata ko, napahinto ako sa paghinga at nanigas sa kinatatayuan. I dropped the box and stepped backwards as the tears started to form at the edge of my eyes.
"Pffftt! You have a funny face! Ang pangit mo matakot! Fuck I can't stop from laughing! I should film it!"
Napaluhod ako sa sahig habang hawak hawak ang dibdib, nahihirapan akong huminga. Ang luha ko'y wala ng tigil sa pagtulo. Nanginginig ang kamay ko habang tinuro turo ang palaka
"G-get that fucking frog away from me...please"
Sa mga oras na nakita ko ang palakang 'yon ay bumalik ang alaalang matagal ko ng gustong kalimutan. Alaalang hindi ko na gustong maalala pang muli.
FLASHBACK
Maganda ang panahon, sikat na sikat ang araw. At napaka-espesyal na araw para saakin dahil sa araw na ito ay nagkasama-sama kami buong pamilya. Hindi lang pamilya ko ngunit pati na ang mga grandparents, at mga tita/tito ko at mga pinsan. Masaya kami sa aming salo-salo rito sa isang park na kung saan marami rin ang nagb-bonding na magpamilya.
BINABASA MO ANG
School Clash (UNDER EDITING)
FanfictionSa Labanan Walang pinipiling Kasarian Mababae ka man o Malalaki Basta't marunong ka Ika'y pasado na Tunghayan ang Maaksyon Na Pag-ibig! Rank #26 as of March 27, 2020