Akyat Bahay [One Shot]

5.7K 212 47
                                    

Akyat Bahay [One Shot]

All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________

 “Lime, Ingat ka ah! Lock mo yung bintana niyo ha. Baka mabiktima ka ng akyat bahay gaya sa nangyari samin. Kahit nagiisa lang siya, Mukhang mapanganib siya. ” Sabi ni Andrea.Tumango lang ako.

“Sige, Una ka na ha! Mamaya pa ako uuwi eh.” Tumango lang ako sa kanya at naglakad palayo.

Haaay, Ang dami ng nabiktima ng akyat bahay sa village namin. Kita mo, Pati yung bahay nila Andrea. Pinasok. Pero nakakapagtaka na walang namang ninanakaw o pinapatay yung akyat bahay.

Maya maya lang. Nakarating na rin ako sa tapat ng Gate ng Village namin. Laking gulat ko ng makita ko dun si Tyler.

“Tyler!” Sigaw ko at lumapit sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Hinihintay ka dito para sana ihatid ka sa bahay mo.” Kinuha ko naman ang braso niya ta hinatak siya papasok. “Tara na!”

Habang naglalakad kami, Kinukuwento ko sa kanya yung kaganapan dito sa Village namin.Yung tungkol sa akyat bahay. Siya naman, Puro pagpapaalala lang ang sinabi niya sakin. Sabi niya wag ko daw bubuksan yung ganito ganyan. Pero kinikilig ako kasi nagaalala sakin yung Boyfriend ko.

Maya maya lang, nakarating na rin kami sa bahay.

“Dito pala yung bahay niyo.” Sabi niya habang nakatingin sa kabuuan ng bahay namin.

“Oo, tara! Pasok na tayo!” Sabi ko at hinila siya papasok. Pagpasok namin. Nakita ko siya Kuya na nakaupo sa harap ng Sofa at nakasalubong kilay.

“Ah, Hello po. Ako nga po pala si Tyler. Boyfriend ni Lime. Kilala niyo na po ako dahil nagkita na po tayo dati sa Mall.”

“Hindi kita kilala.” Napasapo na lang ako. Eto na naman si Kuya. Tsk. Kunwari pa siya.

“Ahhh.” Yun na lang ang nasabi ni Tyler at saka kinamot ang batok niya. Tapos humarap naman siya sakin. “Lime, Uuwi na ako.”

“Ah! Hindi dito ka muna!” Pagpipigil ko sa kanya. “Dito ka na lang magdinner.”

“Wala tayong ulam Lime.” Sabi ni kuya. Tinignan ko naman siya ng masama.

“Sige. Uwi na ako.” Sabi niya saka lumabas na ng bahay.

“Kuya!”

“Oh?” Inosente niyang tanong. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Haaaayyyyy..

***

Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin. Kinakabahan ako. Ito na ata yung akyat bahay. Dahan dahan kong iginagapang ang kamay ko papunta sa side table, Kahit ano na lang ang makuha ko basta pang self defense.

At ng maramdam kong nasa tapat ko na siya. Agad kong kinuha ang alarm clock na nasa tabi ko at ibinato.

“Magnanakaw!” Sigaw ko habang binabato ko siya nang kung ano anong madampot ko!

“Magnanakaw! Akyat Bahay!” Sigaw ko ulit. Narinig ko namang may bumabalibag ng pinto.

“Lime! Lime! Anong nangyayari diyan?” Si Kuya! Gusto ko sanang tumakbo papunta sa pintuan at buksan yun pero busy ako sa pagbato sa magnanakaw.              

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akyat Bahay [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon