Chapter 15

159 5 1
                                    

Sorry for late update , LOVE UPDATE :"> Read!

Chapter 15

Oliver's POV

(Click the play button while you're reading this. Para mas nakakadala :"> )

Yung mga araw na ang saya saya namin , yung kahit na nanjan si Joseph , kahit kaming tatlo lang masaya na kami , na kahit kasama din namin yung barkada mas masaya kami.

Si Kath yung taong hindi marunong magalit , lalo ng pag alam nyang hindi naman nya dapat ikagalit. Hindi sya yung taong maliit na bagay pinapalaki.

Sobrang laki ng pagkakaiba nya sa ibang babae jan , si Kathryn yung Babaeng nerdy pero grabe na yan pag nagalit.

Minsan naman sobrang takaw away yan. Yun bang pag may nangaway sa kanya at nasa mood sya makipag away grabe yan makapag salita ng kung ano ano , pero minsan hanggang salita lang sya , pero pag below the belt na yung mga sinasabi ng kaaway nya naka sabunot na agad yan.

yung mga ganyang pangyayari , sobrang mamimiss ko kay kathryn yan.

Yung tipong mag iinisan kaming dalawa , tapos magagalit sya pag nainis ko na , pero gustong gusto nyang sinusuyo ko s'ya kasi daw she find sweet. Ang weird nga ni Kath eh , mag tatampo pero gusto naman yung susuyuin ako.

Tapos naman pag kasama namin si Joseph , kahit na magkaribal kaming dalawa ok lang kay kath kasi napagsabihan na nya kaming dalawa na walang lamangan , kasi hindi naman daw namin sya pag aari. Tama naman sya doon eh. 

naalala ko pa nga nung araw na nag away din kami ni Joseph , pero hindi sobrang lala , nagkasagutan lang kami , napasigaw na si Kathryn noon kasi ayaw nya na nag aaway kaming dalawa lalo na't sya pa ang dahilan.

sa kabila naman ng pag aaway namin na 'yon at si Kathryn ang dahilan , si Kathryn pa din ang dahilan kung bakit kami nag ayos.

Sobrang special samin ni Joseph si Kathryn , kahit sa barkada , ang girls ang prinsesa naming mga lalaki , dahil ganun naman dapat talaga diba?

pero iba si Kathryn , iba sya sa lahat. Sya lang ang nag iisang kathryn , ang nag iisang babaeng mahal ko at mamahalin ko pa kahit hindi nya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. 

I know na may mas better pa sakin , na may mas pa na kayang lagpasan yung mga masasayang araw namin ni Kathryn. 

Maybe this is the right time na mag titigil na ko sa panliligaw sa kanya , pero hindi ako mag gigive up. Nandito pa rin ako para sa kanya. Nandito pa din ako para muling pasayahin ang puso nya pag may nanakit dito. 

nandito pa din ang Oliver na dati nyang tinatakbuhan pag may problema sya , ang dati nyang suitor nyang nagpapasaya sa kanya na kahit na may karibal sya.

Wala ng babae pang makakapantay sa pagmamahal ko kay Kathryn. At kung may babae mang dumating sakin hindi ako nangangako na mamahalin ko sya katulad nalang ng pag mamahal ko kay Kathryn. Dahil hindi ko lang naman sya nililigawa , naging Bestfriend din nya ko , naging Nanay ko sya , naging katulong , naging kalaro , at naging panyo at sandalan sa bawat iyak at sakit na nadarama nya kapag may problema sya.

I think this is the last time na makikita ko si Kath , the last time na maririnig ang boses nya , at the last time na sana makakausap ko sya pero hindi nya ko napagbigyan. Kahit 5minuto manlang kalimutan nyang may alitan kami. Mahalaga ang bawat minutong kausap ko sya. Kaso wala eh, Ganto talaga.

sana bago manlang ako mawala nakausap ko sya , at kahit papaano nahawakan ko manlang ang mga kamay nya.

siguro for now good bye muna Kath , pero nandito naman ako lagi , isang tawag at txt mo lang dadating agad ako.

My Rich Suitor i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon