1. AnneNANGYARI!

16 1 0
                                    

10,000 years ago sabi ni Fate "Sa ngalan ng buong kadiwataan isinusumpa kita Anne Love Ing sapagkat ikaw ay nagkasalang bumaba sa lupa at nangahas na ipahamak ang buong kadiwataan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

10,000 years ago sabi ni Fate "Sa ngalan ng buong kadiwataan isinusumpa kita Anne Love Ing sapagkat ikaw ay nagkasalang bumaba sa lupa at nangahas na ipahamak ang buong kadiwataan... magmula ngayon ikaw ay magdurusa sa kamay ng mga tao, iyong mararanasan ang pinakamasaklap sa lupa!"

Flashback 10,000 years ago..

Tulad ng bilin ng mga matatanda pasukin mo na ang lahat miski saya ng misis nya wag lang ang pinto pababa ng lupa.. ngunit laging nakakatakam ang bawal. Ang sarap malaman kung anong tulad sa baba.. kung bakit bawal sa baba.. kapag tinitignan ko ang mga tao sa ibaba para silang mga langgam. Lagi silang naglalakad, bakit kaya wala silang pakpak? Maliit ang tainga nila at para silang kinulang sa height. Sadyang bang magaganda at gwapo ang mga nasa itaas na tulad namin? Lumipas ang mga araw na ako'y nakatanaw doon sa mundo ng mga tao, punong puno ng kyuryosidad..kay sarap nilang pagmasdan mula dito sa itaas.
Isang batang lalaki ang pumukaw sa aking atensyon. Sa lahat ng mga taga lupa sya ang namumukod tanging hindi kinulang sa tangkad. Aha isang binatilyong matangkad, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, mapuputing balat at mapulang labi ang umuubos ng araw araw ko... lagi ko syang pinagmamasdan dito sa itaas tila ba'y isang diwatang nalaglag sa lupa... lagi syang may hawak na mga libro, lagi syang nag aaral. Inuubos nya ang oras sa pagbabasa ng libro.. kay sarap nyang pagmasdan.. pursigido at maambisyon! isa ba syang iskolar? Aba't isang biyaya ng mga taga lupa ang isang to ah!

Pagpapantasya ko sa taga lupa ay hindi natapos sa araw araw na pagtingin sa kanya mula sa itaas. Tila ba'y nais ko syang makita ng malapitan at mahawakan, mahagkan at marami pa.. gabi gabi tinatahak ko ang pinto pababa sa lupa.. sikretong binababa ang irog kong kay sarap! Chos! Mula sa puno ng akasya tinatanaw ko ang binatang bumitag sa aking puso. Pagmamasdan hanggang sya ay makatulog.. At sa tuwing sya ay mahihimbing halik sa labi ang aking iniiwan..

Maraming pagbaba pa ang naganap at mas maraming paglabag ang aking nagawa sa araw-araw na aking pagbaba at pag aanyong tao upang minamahal ko'y mamasdan ko ng malapitan.. di ko magawang sya'y lapitan baka sayang aking suot suot malaglag... pag-ibig, alam kong ito ang lapstangang emosyon na aking nararamdaman ngayon. Ang mabilis na pagtibok ng puso at matinding pagnanasa!!! Ako'y tuluyan ng inalipin ng pag ibig. ako'y isang biktima rin ng pag-ibig!! Patawarin nyo ako mga diwata ko..

Isang araw ay ipinatawag ako ng mga hukom.. isang paglilitis ang gagawin sa akin.. Sa araw araw at gabi gabi na aking pagbaba at pag aanyong tao, ako'y napatawang isumpa na daranasin ang pinakamasaklap at ipatapon sa lupa.

Pagkatapos akong maitapon sa lupa ay winasak ang pinatuan na nag uugnay sa taas at baba..aking pakpak ay pinutol.. ngunit baliwala ang lahat at unang pumasok sa aking isipan ay ang hanapin sya. Ang taga lupa.

Nakita ko ang taga lupa... sa loob ng tinatawag na simbahan.. naka puting puti na damit siya.. at lumuluhod sa krus! Yun ba ang pinuno nila? Isa pala syang mapaglingkod na alagad! Ako'y napangiti.. pumasok at umupo sa simbahan.. nagsasalita sya at tumitingin sa libro.. sa totoo lang wala akong maintindihan. Para silang mga alien.. basta ang alam ko lang malakas ang tibok ng puso ko! Naputol man ang pakpak ko ngunit ang puso ko buong buo! Nang matapos magsalita ang taga lupa ay pumila ang mataming taga lupa.. may seremonyas kaya? Pinagmasdan ko pa ang mga taga lupa.. nagbibigay sya ng mga bilog na kulay puti sa bawat taga lupang nakapila.. at pagkatpos ay sinusubuan nya pa ang mga ito... hindi lang pala sya mapaglingkod.. mapagmahal din pala sya sa kapwa nya. Lalo akong napangiti at sumaya... ang sarap umibig!!!

Matapos nyang paglingkudan ang kanilang pinuno ay pumasok na sya sa pintuan.. naiwan ako sa mga upuan.. may mga ilang nakaluhod at bumubulong bulong.. hindi ko talaga maintindihan ang mga taga lupa! Maraming oras ang aking hinintay ngunit ang taga lupa hindi pa rin lumalabas sa pintuan na kanyang pinasukan.. naiinip nako.. gusto ko syang makita ngunit hindi pa sya lumalabas buhat ng sya ay pumasok sa pintuang yun.. pinatuan ba yun sa ibang mundo kaya matagal? Ano ba ang dapat kong gawin.. hindi ako mapakali...

Damdamin ko'y di mapalagay kaya't nagdesisiyon akong lumapit sa pintuan at kalmpagin ito sumigaw ng

"tagalupa ano ang nangyari sayo dyan? Hindi mo ba alam ang lagusan pabalik rito?"

Aking sinipa at pinagtatadyakan ang pintuan aba't ang ipanamalas kong galing sa pakikipaglaban baka dito ko na magagamit... hindi ako nakuntento sa isang sipa at tadyak.. sinunod sunod ko pa ito. Ngunit ang mga hampas lipang bumubulong kanina sa kanilang pinuno ay pinipigilan ako... hinawakan nila ang aking mga kamay.. aba't!!!!

"Mga hangal!!! Bitawan nyo ako!"

Aking pagsusumigaw sa kanila ng biglang lumabas ang tagalupa... sa unang pagkakataon ay narinig ko ang kanyang boses ng malapitan at sa akin nakatuon ang tingin niya..

"Ano ho bang nangyayari dito?" Pagtatanong nya..

"Father ito ho kasing babae parang nababaliw pinagsisipa at pinagtatadyakan ang pintuan pagkatapos ng aming pigilan ay nagsusumigaw ngunit di po namin maintindihan ang pinagsasabi nya father.."

"Taga ibang planeta ata father! Hahahaha!"

"Binibini ano pa bang maitutulong ko sa inyo?"

pagsasalita nya ngunit wala akong maintindihan.. nakatitig lang ako sa kanya at sa matipuno nyang mukha.. kay init ng aking mga pisngi sapagkat kay lapit lapit nya... at sakit ng ulo ko sa sobrang kakisigan nya.. para bang may kung anong likido ang tumutulo sa aking ilong... ahhhhhhh...

"Waaaaaaaaahh!"
"Hala anong nangyari?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Si Fate yung nasa taas. Kapag nasa itaas sila ganyan ang anyo nila.. animated haha.. 😂😂😂 Si Anne yung yellow ang buhok na diwata... huehue

Vote.Comment.Like
I really need your opinions 😘😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anne Love Ing (Ang Diwatang Aning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon