2. AnneSAWI!

10 1 0
                                    

Pagkamulat ng aking mga mata sya ang unang bumungad sa akin. Napakasaya ko na naman! Binantayan nya ba ako habang mahimbing aking pagtulog? Napakabait nya pala talaga...

"Kamusta ang nararamdaman mo?" Sabi nya ngunit di ko maintindihan.. ngumiti na lang ako sapagkat masaya pa din ako...

"Asan ang pamilya mo?" Di ko na naman alam ang sinasabi nya.. marami pa syang sinabi ngunit nakangiti lang din ako kanina pa sa kanya.. sabi pa nga ng isang tagalupa..

"Naku po father mukhang delikado yang isang yan.. parang malakas ang tama nyan!" Sinasabi ba nilang maganda ako? Ay naman.. alam ko naman tun eh.. nakakahiya nama oh... hieeeee... ngingiti pa nga ako lalo..

Ayun ilang oras akong nakangiti at bawat oras nagbabago ang titig nila sakin.. para para bang natatakot na sila... ganun ba nakakatakot ang ganda ko? Ay grabe naman talaga.. iba na itey...

"Nako father kinakabahan nako dyan sa babaeng yan! Nakakatakot na yung ngiti nya aba't tatlong oras na syang nakangiti ah!"

"Mukha namang mabait at tska kung masama sya kanina pa yan nanakit." Sabi nya sa di ko na naman maintindihan na lenggwahe.

"Tawagin nyo sila sister at paki ayusan sya."

Maya maya pa ay maya dumating na mga babae.. may mga takip ang kanilang ulo... ang weird ng pananamit nila.. dinala nila ako sa hagdanan.. hagdanan ba ito pataas? Baka lagusan... dali dali kong tinungo ang hagdanan ngunit na nadismaya ako. Isang dadaanan na may mga pintuan lang din ang mga ito.. bakit nga ba ako umasang hagdan ito pataas sa mundo namin e itinapon na nga nila ako at sinira ang pintuan na yun.

Maraming araw ang lumipas pinagmamasdan ko lang sya at ang mga tao dito.. wala silang ginawa kundi lunuhod at bumulong...oras oras ata ganun sila.. hanggang bawat salita na nila at bulong ay sailado ko na at kaya ko na ring bigkasin..

"Aba ginooong maria napupuno ka ng grasya ang lahat ay sumasaiyo at blah blah blah.." sabi ko ngunit di ko alam kung ano yun

"Wow!! Nagsasalita ka na rin ng naiintindihan namin!" Sabi ng tagalupa

"At hindi lang yun, dasal pa ang unang mga salitang binigkas nya na ating naiintindihan" sabi nya naman.. ang gwapo nya talaga kahit para syang bubuyog puro zzzzzzzzzz ang lumalabas sa bibig...

"Pamamaraan ng dyos yan father" sabi naman ng isang babaeng may palda sa saklob sa ulo.

"Oo nga sister claire! Tara at ipagpasalamat natin ito sa dyos!" Sabi nya naman..lumuhod at bumulong bulong na naman sila.

After kong gayahin ang mga binubulong nila at binigyan nya ako ng libro. Binigyan ako ng mahal ko ng libro isang makapal na libro. Yung lagi nyang binabasa. Ngunit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nya.. isang araw alam ko na lang nakaupo ako at tinuruan nyang magbasa.. nagsimula kami sa pinaka basic daw.. abakada hanggang sa maging alpabeto at masayang masaya ako sapagkat ang sarap palang mag aral.. magkatabi at magkalapit lagi. Hihihi.. dumaan ang dalawang taon ay natuto nako ng lubusan sa lenggwahe, pamumuhay at ang buhay tao.. oo natutunan ko ding itago ang nararamdaman ko sapagkat dyos lang pala ang nais nyang mahalin at makasama ng habang buhay... ngunit sa pamumuhay ko bilang mortal.. maraming masasayang bagay ang aking natutunan at sa tingin ko hindi masusuklian ng anuman karanasan ng isang imortal.

Kuntento nakong alagaan at pagmasdan sya sa malapitan. Oo nga pala nag madre nako.. gusto kong sundan sya saan man sya.. ganyan ang pagmamahal ko kay Father Alex. Alex nga pala ang pangalan nya.. hahaha.. sa pamumuhay ko dito sa lupa masasabi kong pag ibig ang nangungunang ipinagpapadalangin ng karamihan dito sa simbahan. Nais nilang masuklian ang kanilang pagmamahal. Ang sarap sigurong magmahal at mahalin rin. Oo nga pala.. dito sa lupa may hangganan ang buhay ng tao. Si Father Alex magtetrenta na... samantalang ako 10,001 years old na ngunit mukha pa ring disiotso. Sa ngayon di nila nahahalata na walang pagbabago sa aking mukha kaya't naisip kong umalis at maging misyonaryo sa ibat ibang panig ng mundo.

Hanggang sa isang araw ay mabalitaan kong patay na si Father Alex.. nagkaroon sya ng sakit na cancer.. hindi ako makadalaw sapagkat lahat silay nagsitandaan na ultimo mga batang musmos na nagkabigote na. Ako disiotso pa din.. sumusulat ako kay father linggo linggo.. at natigil lang ito ng sya ay magkasakit na. At ngayong araw nakatanggap ako uli ng sulat galing sa katiwala sa simbahan na patay na si Father Alex...

Para bang sumabog ang puso ko. Napakasakit na wala akong magawa para sa kanya. Ni hindi ko man lang sya makita dahil sa kundisyon ko. Kahit pagibig ko walang nagawa..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Si Father Alex po 💕💕💕

Vote.Comment.Like 😘😘😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anne Love Ing (Ang Diwatang Aning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon