Dear Miss Eyeglasses

127 6 1
                                    

Read YellowShootingStar's "Dear Crush" para malaman niyo kung ano pinagsasabi dito ng lalakeng to. lol



*******



Dear Miss Eyeglasses,

Ah, pano ba, syet, nakaka-bakla pala 'to. Pero Hi.

Alam mo ba na gusto kita? Hindi ko siguardo kung gusto o mahal na ba?

Sa tuwing makikita kita at makakasalubong? Alam mo iyong pakiramdam na wala na akong pakialam kung matalo ako sa Dota kapag naglaro ako?

Sa tuwing naglalaro ako ng basketball at makikita kita sa malayo, kahit sharp shooter ako, biglang pumapalya ang tira ko.

Ganoon ang lakas ng epekto mo. (Tangina, nakaka-bakla magsulat ng love letter).

Minsan sabi ng mga tropa ko ang torpe ko raw at bakla ako dahil pinagmamasdan lang kita mula sa malayo. Bakit hindi raw kita lapitan?

E bakit kita lalapitan? Sa aura kong ito, baka mayabangan ka lang sa akin. Naduduwag rin kaming mga lalake kapag gusto namin ang babae.

Ilang beses ko bang binisita ang facebook profile mo? Pero takte e, naka-private. Ilang beses akong nag attempt na i-add ka, pero hindi matanggap ang request ko dahil sa dami na ng follower at facebook friends mo.

Isang araw, habang nakaupo ako sa gym kasama ang mga tropa ko, bigla ko na lang nabato ng bola sa Ken, classmate ko. Nasaktan siya madam, big time. Alam mo kung bakit? Dahil in-add mo ako sa facebook. Dinouble check ko pa kung ikaw e. Hahaha! Tawa ako ng tawa. Nalibre ko pa ng wala sa oras ang mga tropa ko.

Simula nun, post ako ng post sa facebook ng puro patama sayo. Ang tipid mo nga lang mag-like. Pakiramdam ko tuloy walang epekto sayo ang mga pagpapa tama ko.

Alam mo bang madalas kitang sundan? Nalaman ko rin na pala simba ka kaya naging palasimba rin ako. Hahaha.

Nalaman ko rin na paborito mong tumambay sa 7-11 kasama ang mga kaklase mo kaya lagi akong naroroon.

Sa tuwing makakasalubong kita, nakapasak lang sa tenga ko ang headset ko at kunwari'y may ginagawa ako sa phone ko para di mo mahalata...

na pasimple akong kumukuha ng larawan mo.

Alam mo bang hindi ako naniniwala sa tadhana? Pero ng makasabay kita sa jeep, naniwala na ako. Pano naman, sa tuwing makakasalubong kita ay sinasadya ko yun.

Pero ang makatabi kita sa jeep? Mahawakan ang kamay mo nang iabot mo saken ang bayad mo? Maamoy ang mabango mong buhok dahil magkatabi tayo? Ang hindi sinasadyang makatitigan ka sa loob ng tatlong segundo?

Men, hindi ko sinadya yun. Hahaha.

Kaya lang, isang araw, nakita kitang binigyan ng bulaklak ng isa sa mga manliligaw mo. sabi pa ng tropa ko nang makitang problemado ako sa canteen ay kayo na ng classmate mo.

Nasaktan ako dahil pinagtawanan nila ako. Nasaktan rin ako dahil ang tanga ko. Anim na buwan na. Anim na buwan na kitang gusto pero ang duwag ko dahil wala akong nagawa para mapalapit sayo.

sinubukan kitang kalimutan dahil mukhang masaya ka naman at nakangiti ka sa tuwing makakasalubong kita. Pero nagtaka ako nang bigla kang umiwas ng makasalubong kita.

Kasama ko noon si Anne. She said it is obvious na ayaw mo saken. Sinubukan kitang iwasan. Napalapit naman ako kay Anne na classmate ko rin. Nakakatawa nga e, parehas kami ng sitwasyon, hindi rin sya makalapit sa taong gusto niya dahil hinusgahan na siya nito.

Sa paglipas ng panahon, nagbago ka. Pinagmamasdan kita mula sa malayo. Wala ka ng eyeglass, nakalugay ka lagi at ang galing mo palang mag volleyball.

Isang araw habang nag iinuman kami ng mga tropa ko, na brought up ko ang topic about you. Kung paanong isang malaking sayang ang nararamdaman ko sayo.

Pinagtawanan nila ako dahil pinagtripan lang pala nila ako noon.

Hindi pala totoong may boyfriend ka at kaya nakatanggap ka ng bulaklak ay dahil sa nanalo ka sa isang contest noon.

Dahil alam ko na ang totoo, wala ng atrasan to.

Susubukan kong kaibiganin ka. At pangako.

Magiging tayo.

From,

Your future boyfriend

YellowShootingStar

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 05, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Dear Miss Eyeglasses,Donde viven las historias. Descúbrelo ahora