Their world collides

33 2 0
                                    

Chapter A

 Mike POV

Potek ! Nalintikan na ! Hinahabol kami ngayon ng kaaway naming grupo.

Tumalon kami ng mga kasamahan ko sa pader ng isang sikat na subdivision.Madami silang lalaki at ang grupo ko ay walo lang kaya't wala kaming laban sa kanila at tumakbo nalang kami.Hindi sa takot kami pero may dala silang baril at kami naman ay walang kalaban laban.Mabuti sana kung pantay yung laban pero hindi ee.Tama na nga ang satsat baka mahabol pa nila kami.

Habang malayo layo sila sa amin ng grupo ko sabi ko nalang na maghiwa-hiwalay nalang kami kaya't tumakbo ako sa isang eskinita at sa kamalas-malasan nga naman may nabangga pa akong babae dahil nakatingin ako sa likod ko kung may nakasunod at meron nga kaya hinila ko kaagad yung babae na nabangga ko at nagtaggo kami sa gilid ng isang bahay.

Ano ba naman tong babae kung makakapit sa damit ko parang unggoy....sana hindi masira yung damit ko kasi kokonti na nga lang ee mababawasan pa ng isa ! Hindi ko nalang inintindi ang pagkapit sa akin ng babae at tinignan ko nalang yung kalsada kung may nakasunod sa amin at papapunta na sila sa way na pinagtakbuhan namin.Hindi ko alam kung saan kami pa magtatago kasi hindi naman ako tagadito sa sikat na subdivision ee.Sa squatters area ako nakatira kaya't madalas napapasama sa gulo.Nung natataranta na ako nagtanong ako sa babae na hinihingal-hingal parin siguro sa pagtakbo namin o takot siya sa akin?

"Alam mo ba kung saan pa pwedeng magtago kasi matutuntun na tayo ee.Kung gusto mo ng mamatay,dapat kanina pa tayo nagpakita sa kanila para isang tutok lang ng baril nila sa atin ay patay na tayo hindi yung tatakbo at nagpakapagod pa tayo."

Hindi ko na nalaman yung sagot niya kasi hinila niya agad ako papasok sa isang bahay? Anlaking bahay at halatang mayaman ang nakatira.Biglang napa-upo ang babae at ngayon ko lang napagmasdan.... na maganda pala siya.Dagdag mo pa na mayaman... siguro nasa kanya na lahat? Ayyy naku nagiilusyon na naman ako..hindi niya ako mapapansin kasi mahirap lang ako at siya mayaman.Magkaibang mundo kaming dalawa.Katulad ng tubig at mantika na hindi pwedeng pagsamahin.Tulad nd North pole at South pole na milya milya ang layo ng dalawa.Magkaibang magkaiba kami ng estado sa buhay.

Hindi ko namamalayan na nakatingin at parang nagtitigan na kami ng biglang dumating na isang matandang lalaki at nakadisenteng kasuotan.Malamang may kompanya silang pinapamahalaan.Biglang nagsalita ang matanda at kung hindi ako nagkakamali ito marahil ang ama ng babaeng nahila ko.

"Who's this guy Chloe?"

Hindi agad nakapagsalita ang dalaga kaya't napagdesisyunan kong ako na ang sumagot dahil hindi naman ako ng babae na ang pangalan ay Chloe.

"Ako nga po pala si Mike.Mike Ramirez Sir."

"Kahit hindi ikaw ang kausap ko,buti at nagsalita pero bakit kayo magkasama ng anak ko at anong relasyon mo sa kanya?" Tila nanguusisa siya kung may relasyon kami.

"Ahmm..hinabol po kasi siya ng aso kaya tinulungan ko siya para hindi makagat ng aso.Tungkol naman po kung may relasyon kami,masasabi ko pong wala po kayong dapat ipagbahala kasi wala po kaming relasyon."Lame naman ng excuse ko >.< Pero pagnalaman ng kanyang ama na may humahabol sa aming lalaki at may dala pang baril,aakalain ng kanyang ama na basag-ulo ako at papalayasin na ako agad.

"Pa,he help me beacause there is a stray dog in our village and I saw him and ask a help." Aba ! Sumakay siya sa biro ko.Bumaling siya sa akin."Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin." Naningkit ang mata ko dahil parang sarkastik ang pagkakasabi sa akin.Oo nga naman wala dapat siyang ipagpasalamat kasi simula't sapul ako ang humila sa kanya.

"Oh kung yun lang naman pala,you can leave now,as you can see my daughter is already safe."Ang sungit naman ng papa niya.Siguro only child lang si Chloe kasi wala akong nakikitang ibang nakatira sa bahay nila.Oh well, ano ba pakialam ko sa buhay nila.Maka-alis na nga dito dahil pinapapaalis na rin naman ako.

"Ah sige po Sir,aalis na po ako."

At dumiretso na ako sa pinto pero bago ako lumabas ay narinig ko si Chloe na sinabi sa kanyang ama na ihahatid niya ako sa labas ng kanilang bahay.Habang naglalakad ako,alam ko na nakasunod siya dahl naririnig ko yung sapatos niya.Nakatiles kasi sahig nila kahiit hanggang sa labas.Ang yaman talaga nila.Bigla nalang akong may naramdaman na may humila sa damit kaya't napaharap ako sa likod ko.

"Kanina mo pa interesado sa damit ko ah.Kanina mo pa hinahawakan.O tsansing lang yan para mahawakan mo yung abs ko?"Seryoso kong sabi pero sa loob loob ko ang sarap asarin.Bigla rin niyang binitiwan ang damit ko.

"Ang kapal mo ring sabihin sa aking na nanananching ako sayo ee wala ka namang kalaman-laman tapos may gana ka pang sabihin sa akin na may abs ka?Ha ! Ang kapal mo dre'.At yan pa talaga ang sasabihin mo sa akin matapos kang magsinungaling sa papa ko at dapat nga magpasalamant ka pa dahil hindi ko sinabi ang totoo."nararamdaman ko na naiinis siya sa akin.HaHAHA. I can't stop smirking on her.She's to easy to be mad.(Ang hirap magenglish ha.)

"Oh edi salamat."

"Matapos kung manermon ayun lang ang sasabihin mo?WELCOMe HA!"

"Kung ayaw mo ng salamat ko ed ililibre nalang kita bukas.Sa gate ng subdivision niyo dapat andun ka na ng 10am ha."Hindi ko na inantay ang sagot niya kahit hindi ko alam kung pupunta siya pero tutupad ako sa usapan.Gusto ko siyang pasalamatan(seryoso ako jan sa salamat ko ha) at para makilala ko na rin siya. ^_^

 --------------------

:)))))

By My Side (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon