Ako si Charles Blake Dizon, isang 4th year student sa ***** University, member ako ng isang gang which is Akrho Gang, masungit ako? medyo. Gwapo? Oo naman. Mabait? oo pero sa girlfriend ko lang.
Oo may girlfriend ako at sya si Justine Nicole Angelie Ricafranca, maganda sya, matalino at mabait na kabaligtaran ko. Maraming nagsasabi na kami ay perfect couple, pero marami rin ang nanghuhusga sa relasyon namin.
"Bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo ang isang gangster pa na katulad mo ang minahal ni ?" yan ang kalimitang tanong sa'kin ng mga taong nasa paligid ko.
Bakit nga ba? Ewan ko? Di ko maintindihan at Wala akong Alam~! yan na lang ang kadalasang sinasabi ko sa kanila.
Maraming nagagalit sa'kin, lalo na ang mortal na kaaway naming gang. Bakit sila galit na galit sa'kin? simple lang. Ang leader ng gang na mortal naming kaaway ay ang EX ni Justine na nanloko sa kanya. Bakit nagagalit pa sya eh pinagsawaan na nya ang taong mahal ko? Simple lang, mahal nya pa si Justine. Hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman nya kay Justine, pagmamahal ba ng totoong pag-ibig o pagmamahal ng isang gagong lalaki sa babaeng katulad ni Justine na kaya mong ipagmalaki sa lahat ngunit minamahal lang dahil sa magandang ipandisplay.?
At dahil sa alitang yun, Umabot na sa punto na magpapatayan na kami, at nandito ako ngayon sa isang bakanteng lote kaharap sila, di ko magawang takbuhan ang apat na lalaking ito kasama ang gang leader nila dahil ayaw kong matawag na duwag kaya napilitan akong labanan sila.
"Oh ano kaya pa?phew" sabi ko sa kanila sabay dura. Napuruhan ko na kasi sila eh kaya tinatanong ko kung kaya pa nila, baka kasi mapatay ko pa sila. Ako? Eto nanghihina na rin, nabugbog rin ako masyado kaya gusto ko ng matapos toh.
"Tangina mo Dizon~! Gaganti kami at siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin naming paghihiganti!" and then tumakbo na sila papaalis sa bakanteng lote na yun.
Napaupo ako sa lupa dahil sa sobrang panghihina at pinindot ang speed dial para matawagan ko ang aking ka gang member at masundo ako dito.
Kinabukasan...,
Nagising ako ng maaga at paggising ko may mmagandang anghel ang sakin ay nagbabantay.
"Oh mabuti naman at gising ka na, diba sinabi ko naman sayo na tigilan mo yang fraternity na yan, ikamamatay mo lang yan" napangiti ako ng may makita akong pag-aalala sa mukha nya, hayy, bakit ba ang ganda-ganda nya. Kung alam nya lang sana na sya ang dahilan kung bakit nangyari sa'kin toh.
"Pasensya na, may nakaaway lang ako, di na mauulit"
"Tssk" hinawakan nya yung mukha ko "Di ba sinabi ko sayo, alagaan mo tong mukhang toh?"
"Bakit? Para hindi mo ko iwan?"
Hinampas nya ako pero yung pahina lang. "Ulol~! Para maganda naman ang lahi natin kapag nag-kaanak tayo"
Napangiti ako sa sinabi nya, gusto ko pa sanang pahabain ang pag-uusap namin pero naalala ko na may pasok pa pala sya.
"Uhh, Tine, di ka pa ba papasok? magta-time na eh" napatingin sya sa orasan nya, tumayo na rin sya at humarap sakin.
"Sige na Charley, mauuna na ako sa'yo, wag mong kalimutan uminom ng gamot mo para gumaling ka agad, Iloveyouu Charley ingat ka, wag mo kong iiwan ha?" hinalikan nya ako sa labi at umalis na sya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero parang gusto ko syang habulin at pigilan na wag na syang umalis pa sa tabi ko. Mag-ingat ka sana Tine.
Nung nag 12:00 na ng tanghali, bumangon na ako at naghanda ng pagkain ko, inabot ko yung isang baso sa may lalagyan ng pingganan at papalakad na papuntang dinning ng biglang