"Ang chinito sa coffee shop kanina"
"Damn, nasan na ba 'yun?" Bulong ko sa sarili ko. Ibinaba ko ang librong hawak ko at tumingin sa labas ng coffee shop. Tinanggal ko ang suot kong headphones at ininom ang kapeng nasa harapan ko."Kahit kailan talaga ang bagal nila."
Nandito ako sa coffee shop dahil nagkayayaan kami na pumunta doon sa fair/festival sa school. Dito 'yong meeting place namin dahil malapit ang bahay naming tatlo dito. Actually ayaw kong sumama, pero ang kulit nila kaya 'yon, no choice.
Paubos na ang pangalawa kong kape at ang isang slice ng cake na inorder ko ay wala pa rin sila. Kahit kailan talaga ang babagal kumilos eh. Buti nalang talaga at dala ko 'tong libro ko at headphones kung hindi baka nagbigti na ako dito sa sobrang bored.
Tumingin ako sa labas ng coffee shop, ang lakas ng ulan ah? Buti nalang at malapit lang 'tong coffee shop sa bahay. Nasa tabi ako ng bintana umupo kaya tanawa na tanaw ko ang mga dumadaang sasakyan at mga tao. Dumarami na rin ang tao sa loob dahil walang masilungan at talagang masarap namang magkape kapag umuulan.
Habang nakatingin ako sa patak ng ulan sa malaking bintana nitong coffee shop ay nagulat ako nang may kumulbit sa akin.
"Hi, pwedeng maki-share ng upuan? Wala na kasing bakante eh," sabi ng chinito na nasa harapan ko habang naka ngiti sa akin. May hawak s'yang tray na may lamang isang slice ng blackforest cake at isang cup ng coffee. Parehas kami ng favorite flavor ng cake. Hindi sya gaanong katangkaran. Moreno s'ya at mapula-pula yung pisngi nya. Nakababa lang yung buhok nya na parang hindi nya ito nilalagyan ng wax. Simple white T-shirt at pants lang din ang suot n'ya. Siguro ay kasing edaran ko lang din s'ya. Tapos ang cute n'ya lalo na kapag ngumingiti 'sya at halos mawala na ang nga mata n'ya. Okay, tama na ang pagpapantasya.
Tinanggal ko ang headphones ko at inilibot ang paningin ko sa buong coffee shop. Wala na ngang bakante. Dahil nga siguro naulan at ang sarap magkape.
"Uhm, sure upo ka," nakangiting sabi ko sa kanya. Huhuhu, ba't ang cute n'ya? Ibinaling ko nalang ang tingin ko doon sa libro dahil baka hindi ko mapigilang mapisa 'yong cute n'yang cheeks.
Na-upo na s'ya dun sa upuan na nasa harapan ko. Ngayon ko lamang napansin na pang dalawahang upuan pala ang naupuan ko. Bakit dito ko ba naisipang maupo?
Ang tagal dumating ng mga kasama ko at nauubos na ang pasensya ko, isama mo pa 'yong awkward situation na kinaroroonan ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone ko at nagtipa ng aking isesend na text sa mga kasama ko, para malaman kung nasaan na ba silang dalawa.
To: Jeanna Bruhilda
Nasan na kayo ni Gem?? Kanina pa ako dito aba.
Sent
Inilagay ko na ulit yung cellphone ko sa bag ko. Napansin kong tapos nang kumain si chinito at iniinom na n'ya ang kan'yang kape habang nakadungaw sa bintana. Napatingin naman ako sa kanya. Singkit talaga s'ya at ang cute n'ya kaya hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kaniya.
"Hehe, may amos ba ako?" Tanong n'ya sakin habang tine-trace nya yung mukha nya gamit yung kamay nya at bahagyang nakangiti. Dahil sa biglaang pagkagulat ay napaayos ako nang upo at tumingin sa kaniya. Hindi ko napansin na sobra na pala ang pagkakatitig ko sa kaniya na hindi ko namalayan na pati pala s'ya ay nakatingin na sa akin.
"A-ay wala, may nakita kasi ako sa likuran mo akala ko kakilala ko," nauutal na sabi ko sa kaniya at agad na umiwas ng tingin. What a lame excuse Shin. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako ngayon dito dahil sa kahihiyan.

BINABASA MO ANG
Ang Chinito Sa Coffee Shop Kanina
Novela JuvenilOne shot story po ito, and bago lang po itong story kong 'to. Kaya san magustuhan nyo poooo :))