A Letter To Chloe

194 22 26
                                    


Dear Chloe, 


               Marami akong gusto sabihin. At gusto kong simulan ang lahat sa simula. Hindi na kita mahagilap sa sobrang busy mo kaya idadaan ko na lang sa sulat.


               Our story started as a typical love story written on best-selling novels. Yung tipong boy meets girl. Nakakatawa at medyo cliché pero totoo. I was the one who approach you first. Dalagang Filipina ka, mahinhin, hindi makabasag-pinggan, at medyo palaban kaya naman na-challenge ako. Ang yabang ko kasi noon, walang sinasanto, walang kinikilalang batas. I thought you will fall for me that easily lalo na't good looking guy ako at galing sa mayamang pamilya. Kaya naman ang sama sama ng loob ko noong ni-reject mo ako. Hindi ko matanggap kasi napahiya ako sa maraming tao. So I decided to pursue you kahit na hindi ko alam kung may feelings ba talaga ako sa'yo o dala lang ng greed ko sa mga babae. Niligawan kita ng paulit-ulit kahit na ilang beses mo akong binasted. Wala na nga akong mukhang maiharap sa mga kabarkada ko noon. Kahit na nagmumukha na akong tanga sa kakahabol sa'yo, kahit na ikaw yung dahilan ng pag-aabsent ko sa klase, kahit na lagi akong nabubulyawan ng daddy ko kasi late na akong umuuwi, niligawan pa din kita. Hindi ko alam kung normal pa ba ako kasi natutuwa ako kapag sinusungitan mo ako. You're one of a kind woman.


               Naalala ko pa, noong gabing malakas ang ulan.. Sa tapat ng School natin mismo, sinabi mong tigilan na kita kasi wala naman akong mapapala. Sinabayan na lang ng mga luha ko ang pagpatak ng mga ulan sa langit. Pang 20th basted ko na kasi sa'yo yun. And know what? That's okay. Hindi pa din ako tumigil. Ano ba naman yung ligawan kita ulit di ba? Hanggang sa isang araw, pagkatapos ng basketball game namin, pinuntahan mo ako sa court. Tuwang-tuwa ako noon, para akong lumulutang sa saya. Kahit natalo kami sa game, para na din akong nanalo kasi nandoon ka. Sabi ko sa sarili ko.. "Eto na, chance ko na to. Bibigyan na nya ako ng chance." Pero hindi. Tama nga yung sinabi nila, expectations will lead to disappointment. Akala ko mananalo na ako sa lotto na tinayaan ko. But it turns out na invalid yung ticket na ginamit. For the nth time, napahiya na naman ako sa maraming tao. "Wag ka ng umasa, may gusto akong iba." sabi mo nang makaharap mo ako. I felt like I've been stab a thousand times in my chest. Kaya naglakas loob akong sabihin sa'yo ang mga katagang.. "Wag kang mag-alala, wala ng manggugulo sa'yo. Wala ng mangungulit at bubunto't buntot sa'yo. Sana maging masaya ka." from that moment, I gave up on you. Saksi ang mga tao. Saksi ang buong mundo sa pagkatalo ko. Wala naman kasi akong magagawa kung ayaw mo talaga sa akin di ba? At tsaka isa pa, may mahal kang iba kaya hindi mo ako kayang tanggapin.


               Lumipas ang araw, linggo, at buwan, hindi pa din kita makalimutan. Pinilit kong libangin ang sarili ko pero hinahanap-hanap pa din kita. Bawat bagay na gawin ko, bawat kilos ko, naaalala kita. Yung pagsusungit mo sa akin, yung halos murahin mo na ako, yung halos itaboy mo ako sa sobrang galit mo. Na-realized ko na niloloko ko lang pala ang sarili ko. Dapat pala hindi kita sinukuan, dapat pala mas pinakita ko sa'yo kung gaano ako ka-sincere sa mga words and actions ko. I'm a tough guy pero pagdating sa'yo, suko ako.  One time, I've decided to court you again but I did not make it. Isinugod kasi ako sa hospital. I hate hospital institutions, just letting you know. I was there for a long period of time with my parents and friends beside me. They were there like attending a funeral. Funny right?


               Halos tumalon ang puso ko nang makita kita sa hospital kung saan ako na-confine. Hindi ko alam kung sinong nagsabi sa'yo o kung kanino mo nabalitaan. You were crying your eyes out. Sabi mo, hindi mo ako iiwan. You even said that you love me. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Natuwa ako kasi finally, after how many times na binasted mo ako, sinabi mo ngayon.. Ngayon mismo sa harapan ko na mahal mo ako. But you were too late. Na-diagnose ako na may terminal disease that's why I pushed you away. Nagkabaligtad tayo ng situation. You kept on going to my room and I continue to push you away. Siguro nga yun yung pangalawa sa pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko. Una, yung nag-give up ako sa'yo. Pangalawa, noong tinaboy kita papalayo. Masyado kasi kitang mahal. Ayokong makita kang nasasaktan pag nasasaktan ako sa mga gamot na tinutusok sa akin. You've gone through a lot at ayoko nang dumagdag sa problema mo. I want you to be happy that's why I set you free. Kahit na labag sa loob ko. Kahit na alam ko sa sarili kong gusto kong ikaw ang nasa tabi ko. I'm sorry. Pasensya ka na kung minahal mo ang gagong katulad ko na walang ibang alam kundi ang saktan ka. I just love you so much kaya ko nagawa lahat ng yun.


               Pinabalita sa'yo ng mga kabarkada ko na wala na ako. Pero ang totoo, nasa States ako, nagpapagaling. Umaasa na gagaling ako kahit malabo na. I'm sincerely hoping for a miracle. Kahit na hindi ako paladasal na tao, pinili kong magdasal araw-araw, oras-oras. Na sana.. Habaan pa ni God ang buhay ko para makabalik ako sa Pilipinas at ligawan ka ulit. Gusto kong gumaling lalo na't sinabi mo sakin na mahal mo din ako. Noong pabalik-balik ka sa hospital, pinigilan ko ang sarili ko na sabihing mahal kita, ayoko kasing umasa kang gagaling ako at mabibigyan kita ng happily ever after katulad ng nababasa sa mga novels. Nabalitaan ko ding iyak ka ng iyak. I wish I was there to hug you but I can't. Kailangan kong lumaban, para pag balik ko at kung maayos na ang lahat.. Mamahalin kita ng higit pa sa pinadama ko noong nanliligaw pa lang ako sa'yo. Gusto kong maging masaya ka kahit wala ako. You're a strong person kaya naman naniniwala akong kaya mo. Kung may mahalin ka mang iba, mas maganda. Sya lahat ng magpupuna lahat ng hindi ko nagawa. Gago kasi ako. I bet I'm the worst person you've ever met.


               It's been two years and you probably won't remember me. Lalo na ngayon, ang saya saya mo na. I was looking at you from afar. Ang sarap mong titigan. Ang laki ng mga ngiti mo, hindi katulad noong last time na nakita kita sa hospital. You look terrible everytime na papasok ka sa room ko. Pero maganda ka pa din. Umiiyak ka man, tumatawa, o ngumingiti, ikaw pa din ang pinakamaganda para sa akin. Ang sakit lang kasi hindi ako yung dahilan ng tawa at ngiti mo ngayon. But I'm glad that you're okay. You and your boyfriend look good together, at alam kong mas mabuti syang lalaki kumpara sa akin. Wala akong balak manggulo sa inyong dalawa. I just wanted you to know that I'm still alive, at gusto ko lang sabihin ang mga salitang hindi ko nasabi sa'yo noon..


I love you, so much.


- Dwayne




Writer's Note:

Who wants to read A Letter to Dwayne? Hahaha! Please vote and leave a comment. Thank you :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter to ChloeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon