Unfaithful (one-shot)
MissWitty 2013
Bumangon ako mula sa kama ng kipkip sa katawan ko ang puting kumot. Ni hindi ko man lang nilingon ang lalaking naiwang nakahiga sa kama. Naglakad ako papunta sa bathroom matapos madampot ang mga nagkalat kong nahubad na damit sa akin.
Pagpasok ko sa bathroom, naghilamos ako. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin sa harapan ko. There are countless of love bites all over my chest. Binitiwan ko ang kumot at hinayaan na malaglag sa tiled floor at maiwan na wala kahit anong saplot sa katawan ko ngayon. I can clearly see my naked body. I may feel a lil bit of soreness all over my body, pero sa ilang beses naming ginawa ito ni Kier, sanay na ako. I know the soreness I feel will eventually subside.
I stepped inside the shower and took a quick bath after remembering na may lakad pa nga pala ako after this.
"Aalis na ako." paalam ko sa kay Kier na nakaupo sa ibabaw ng kama habang nakasandal sa headboard.
Tila naman naalimpungatan mula sa malalim na pag-iisip si Kier. "Kendra.." tawag nya sa akin. Napahinto naman ako sa aktong pagsusuot ng pumps ko at napalingon sa kanya.
"Bakit?"
"I think--" napasapo sa buhok nya ang kamay nya at mariin na sinuklay. For five months we are doing this, alam ko na ang ganyan nyang gesture. It's either nalilito sya or may bagay syang napagdesisyunan.
"You think what?"
"I think we have to end this." mahinang sabi nya.
Napangiti ako ng mapait. Alam ko naman na hindi permanente ang setup namin. Darating talaga kami sa punto na kakailanganin na naming itigil ang kung anong meron kami. At tulad ng sinabi ko sa kanya noon, kapag dumating na sya ang unang umayaw. no questions will be asked. Isa pa, we aren't even a couple for a dramatic ending in this relationship. If one of us want an end, it will be given right away.
Tumango ako ng tahimik. Ipinagpatuloy ko na ang naudlot na pagsusuot ng sapatos ko at nagkunwaring wala lang sa akin ang sinabi nya. "So this will be good bye." basag ko sa katahimikan ng matapos na akong maisuot muli ang lahat ng nahubad sa akin kanina.
Dinampot ko na ang bag ko at ang car keys. "Bye, Kier." then I started walking away.
I choose to feel numb and all. I don't need to feel sad or whatever negative kasi ito ay expected na.
Pero bakit ganun? Expected ko na nga ang lahat pero ang hindi expected ay ang bahagyang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko naman mahal si Kier para masaktan ako. Ah, pagod lang siguro ako.
Alam ko na dati pa ang kung anong pinasok ko. Kier and I are only after s-ex.
Pumasok ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar para makaalis na sa harapan ng bahay ni Kier.
Parang nag flashback na naman sa isip ko kung paano kami nakarating sa puntong ito ni Kier. He was a friend of my friend then we were introduced to each other. At first, kwentuhan lang kami. Hanggang sa mapunta kami sa usapan kung bakit daw ako parang tulala lagi. I was so comfortable talking to him kaya naman nakwento ko sa kanya ang totoong problema ko na hindi ko mai-kwento sa iba...
"I saw my boyfriend making out with my bestfriend." salat sa emosyon na lahad ko sa kanya. Second time pa lang namin nag-meet ni Kier. Unang beses ay noong last week kung saan pareho kaming umattend sa despedida party ng pareho naming kaibigan na si Paolo.
"What?" bakas ang gulat na tanong ni Kier. Nasa isang coffee shop kami na malapit sa opisina kung saan ako nagta-trabaho. He texted me this morning and asked me if we can have a coffee together. I told him na mag-overtime ako since ang dami ko pang kailangang tapusin sa opisina and he's willing to wait naman daw. He will just call me at around 9pm to check kung pwede na sya pumunta.
BINABASA MO ANG
Unfaithful
Romance[OneShot] "Love is a game in which one always cheats." I never knew this infidelity will give me something I truly deserve. Cover made by: @minmaeloves