"Hindi totoo ang happily ever after." - @jirehvalzaro_15
Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang tubig- ulan o patak ng ulan. Minsan, may mga pagkakataong malakas ang bugso nito, minsa'y mahina madalas naman ay wala.
Parang PAG-IBIG lang. Sa una mahina, magiging malakas tapos mawawala. Buti sana kung sa pag- aaway nila nangyayari ito. Kaso hindi eh. Nangyayari ito sa init ng pagsasama, una crush- crush lang, maya- maya naiinlove na tapos dadating sa puntong init na init sa pagmamahalan, na halos mapuno na ng langgam ang kanilang kinalalagyan dahil sa ka-sweetan, pero/ ngunit/ datapwat/ subalit, sa isang iglap maglalaho lang pala na parang isang bula.
Sa totoo lang, kapag nasira ang relasyon, ang mag- ex nagtuturuan, madalas nga mga lalaki ang nasisisi. Madalas lalaki raw ang nasasaktan. Madalas lalaki 'raw' ang may kasalanan. Pero meron din namang mga babae ang pinalalabas na mali, babae raw ang nang-iwan. Babae raw ang may pagkukulang.
Ngunit anuman o sino man ang mali, dapat nga bang magsisihan? Dapat nga bang kalimutan ang nakaraang pagsusuyuan? Dapat bang iwanan? O dapat bang ayusin? Magkapatawaran? O di kaya'y buoin ang nawasak na relasyon at sa umpisa'y muling simulan.
Lahat ng katanungan iya'y masasagot kung iyong susubukang basahin ang aking likhang- istorya na pinamagatang...
"SA ILALIM NG TUBIG- ULAN"
Let's start...
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim Ng Tubig - Ulan
RandomMinsang sumagi sa aking balintataw. Kaya't sinimulan at di bumitaw. Di ko hangad na inyo itong magustuhan. Pagka't ito'y gawa-gawa lamang ng malikot kong isipan. "Sa ilalim ng tubig - ulan" Isang istoryang pinapakita kung gaano katibay at gaano kal...