UNLOVE ME

26 1 0
                                    

"I love you."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman magiging masaya na ba ako? Ang tagal ko ng hinintay namarinig ang mga katagang yan galing mismo sakanya.

At ngayon natupad na ang matagal ko ng pinapangarap. Noon isang panaginip lamang at ngayon totoo na. Hindi ko inaakala na mahal niya rin pala ako. Hindi ko inaakala na magiging totoo lahat.

"Mahal rin kita jake ."

At doon nag simula ang masasaya  araw ko kasama si jake . Si jake na yata ang pinaka maganda na nangyari sa buhay ko. Wala siyang ibang ginawa kundi yung pasayahin ako.

From: My  Jake

Good morning baby girl, gising na. Alam ko tulog ka pa, gising na baby alam ko pinapanaginipan mo pa itong napaka gwapo mong future asawa. Pero mas maganda kung bumaba ka dito ngayon dahil dinalhan kita ng mga paborito mong chocolates at flowers. Pero bago ka bumaba mag toothbrush ka muna at mag hilamos, ayaw mo naman sigurong i-kiss kita na badbreath ka pa. Pero kahit na badbreath ka ikikiss parin kita kahit ikaw pa yung napaka badbreath na tao sa buong mundo kahit ikaw pa ang pina ka mabaho mahal parin kita. Kaya gumising kana diyan dahil mamahalin pa kita.

Pagkagising ko isang long sweet message ang bumungad sakin. Kaya hindi ko mapigilan ngumiti. Walang umaga na hindi ganyan ang bumubungad sakin pag ka gising ko. Kaya sa mga nag daan na umaga palaging masaya yung gising ko.

"I love you."

At isang halik sa noo ang natanggap ko. Palagi niya sinasabi yan araw-araw,oras-oras, minu-minuto at sabay nun ay ang pag halik niya sa noo ko. Ang sa kada gagawin niya yun hindi ko ma-iwasan kiligin ng sobra sobra.

"Nakakainis ka naman."

Sabi ko sa kanya. Nag aaway kasi kami ngayon. Eh sa nakakainis naman talaga siya. Hindi niya kasi ako na samahan sa pag bili ng pagkain. Uunahin niya pa yang dance practice niya. So mas importante pa pala yang dance practice niya kesa sakin?.

"Ha? Bakit? Ano ginawa ko baby girl?"

"So hindi mo alam kung ano ginawa mo! Kasalanan mo lahat! Hindi mo man lang ako sinamahan bumili ng pagkain! Dun ka nalang sa dance practice mo! Tutal mas mahalaga naman yun kesa sakin! Tutal hindi mo naman ako mahal mas mahal mo panga yung dance practice mo kesa sakin na girlfriend mo!"

"Hindi yan totoo."

So ako pa ngayon ang mali? Eh totoo naman eh mas mahal niya pa yang dance practice niya kesa sakin. Mas im5portante pa yang dance practice niya kesa sakin na girlfriend niya.

"Walang may mas importante sa mundong ito kesa sayo. Ikaw lang ang pinaka magandang ng yari sa buhay ko jess, Alam mo naman na mahal kita eh. Paulit-ulit ko yan sinasabi araw-araw, oras-oras at minu-minuto ko panga yan sinasabi eh at alam mo jess hinding hindi ako magsasawang sabihin yan sayo kahit hanggang mamamatay ako hindi ako titigil sa pag sabi na mahal na mahal kita. Mahal kita jess kaya sana intindihin mo naman ako at jess gusto ko lang malaman mo na ikaw ang pinaka magandang na nangyari sa buhay ko kaya hinding-hindi ako magsasawa sayo hindi ako magsasawa na sabihan ka na gano kita ka mahal."

Halik lamang sa labi ang tanging na sagot ko sakanya. Aaminin ko na napaka babaw ng dahilan ko upang mag away kami ng ganito alam ko naman na kasalanan ko hindi ko siya iniintindi pero alam ko na mahal naman niya talaga ako at alam kong napaka importante ko sakanya.

Kapag umaaway kami siya lang ang palaging umiintindi sakin. Siya ang unang mag so-sorry kahit hindi niya naman kasalanan. Aamuhin niya ako pag nagtatampo ako, hindi niya ako titigilan kapag hanggang sa bumati na kami at siya ang palaging lumalambing sakin pag dumating ang akin at wala ako sa mood at ginagawa niya ang lahat para hindi lang lumaki yung away namin.

"Tara na?"

Tumango lang ako at binigay ko na sakanya yung pink bag ko. Tinatamad kasi akong bitbitin ito. Masaya niya naman itong tinanggap wala naman siyang reklamo, mahal niya talaga ako kitams binibitbit niya pa ang bag kong pink sa harap ng maraming tao. Nakakataw nga siya eh. Ang cute cute niya tignan.

"I love you."

At isang backhug ang na tanggap ko galing sa napaka sweet kong boyfriend. Nanatili kami sa ganong posisyon at pinag masdan ang pag lubog ng araw nandito kasi kami sa isang lugar na makikita mo ang buong view ng paglubog ng araw. Hindi talaga ako nag-sisi na minahal ko siya.

"Surprise?Happy 1st anniversary..."

Masaya niya akong binati sabay hilik sa aking noo doon ko lang nakita ang hinanda niya sa aming 1st anniversary. Parang katulad ng nasa mga movies na napanood ko, may mga petals ng rosas na nag kakalat sa buong sahig may mga nag kakalat ding mga pulang lobo, may mga litrato kami ni jake na naka palibot sa buong silid mga litrato ng mga araw na napaka saya namin at mga litrato na nag papakita sa pagmamahalan namin. May slow romantic music rin na tumutugtog at may nakakabit na  isang napaka laking I love you sa isang parte ng dingding. Napa ka perfect ng pag ka handa niya. Hindi ko inaasahan na ginito ang gagawin niya.

"Mahal kita."

At dun ko ko siya hinalikan. Isang matamis na halik na nagsisimbolo ng pagmamahalan naming dalaw isang halik na galing sa puso at isang halik na nakatatak ang aming pagiibigan.

Lumilipas ang mga araw at unting-unti na siyang nag babago. Hindi na siya katulad ng dati. Minsan na lang siya nag paparamdam. Minsan nga hindi na nga siya nag paparamdam, wala ng sweet messages tuwing umaga wala ng forhead kisses wala ng backhug wala ng sweet na banat ni hindi na nga niya ako sinasabihan ng I love you. Parang unti-unti na nag babago ang lahat. Unti-unti na nawawala ang lalakeng minahal ko ng buo. Mukhang hindi ko na nga siya kilala hindi ko na alam kung mahal niya pa ba ako. Hindi ko na alam ko sino na ako sa buhay niya o nay lugar pa ako sa buhay niya. Kasi sa nararamdaman ko unti-unti niya na akong inaalis sa mundo niya.

"Mahal mo pa ba ako?"

Yun lamang ang nasabi ko bago tumulo ang mga nagbabadya kong luha. Ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. Patuloy lamang ang mga ito sa pag agos walang tigil.

"I-I don't know?"

At yumuko siya. Tama nga ako,hindi na siya katulad nung dati hindi na siya yung jake na nakilala ko at minahal ko ng lubusan hindi na siya yung j na sweet at mapagmahal hindi na siya yung jake na palagi akong sinasabihan ng I love you. Iba na siya, ibang-iba sa taong minahal ko, hindi ko nanga siya kilala.

"Hindi mo alam? Saan na yung pinangako mo? Saan na yung sabi mo sakin dati na hinding- hindi ka mapapagod na mahalin ako? Ha! Saan na yun? Saan na yung sabi mo na ako yung pina ka importante sa buhay mo? Ha!? Saan na yun?"

"I don't love you anymore."

Sa mga salitang yun gumuho ang mundo ko sa mga sa salitang yun dun ako nawasak ng tuluyan.

"You don't love me anymore? Eh gag* ka pala! Anong akala mo sakin? Pagkain? Na kung magsasawa kana pwede mo nalang itapon ng basta basta?"

Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya. Ano ba yung pag kukulang ko? Minahal ko naman siya ng lubos. Minahal ko siya ng totoo at buong buo. Binigay ko ang puso ko ang lahat binigay ko ang puso ko pero ano to? Ito lang susukli niya sakin?wawasakin niya lang ako?nasaan na yung pangako niya. Nasaan na yun? Ano na yung nagyayari?.

"Sana maintindihan mo ako jess. Hindi na kasi kita mahal. Sawa na ako! Sawa na ako na ako nalang palagi! Sawa na ako na ako nalang palagi yung nag so-sorry pag nag aaway tayo! Sawa na ako amuhin ka kapag nagtatampo ka. Sawa na akong akuin ang mga mali na hindi ko naman na gawa. Sawa na akong ako nalang palagi ang nag i-i love you! Sawa na ako na ako nalang parati yung sweet! At sawang-sawa na ako na ako na lang palagi ang nag paparamdam ng pagmamahal. Gusto ko ako naman. Dahil pakiramdam ko, ako lang nag mamahal. Dahil sa ating dalawa parang ako lang ang nagmamahal."

Hindi ko talaga ma pigilan ang pag agos ng luha ko. Yun na pala ang nararamdaman niya. Hindi naman lahat ng yun totoo. Alam ko naman na hindi ako showy hindi ko pinapakita ang pagmamahal ko. Hindi ko naman inaakala na hindi niya pala nararamdaman kung gaano ko siya ka mahal.

"Hindi yan totoo. Mahal kita... mahal na mahal kita jake."

"If you really love me. Can you please unlove me."

At dun gumuho ang mundo ko. Ang dating mala fairytale kong lovestory ay nawala na. Wala na yung dati. Hinding hindi na mababalik. Wala na. Wala na.

Unlove Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon