Chapter 1
"Para po!" sabi ko at binigay na yung bayad ko at bumaba na ng tricycle. Galing kasi akong school para magpasa ng late na requirements. Hehe
Binuksan ko ang pinto at nandon ang kapatid kong si Ash na 2 years old palang.
"Andito na po ako!"
"Jade anak! Kumain ka na ba?" salubong saakin ng Mommy ko. Kumiss naman ako sakanya tapos tumingin ako sa relo ko at nakitang 2 pm na pala.
"Hindi pa po eh. Ash! may uwi ako sayooo!" malambing na sabi ko. mabilis namang tumakbo papalapit si Ash sakin at naglambing. Yumakap sya sa legs ko.
"San uwe? Ate, san uwe?" makulit na pagtatanong ni Ash habang niyuyugyog pa ako.
"Maghahain ba ko? kakain ka ba?" tanong sakin ni Mommy.
"Sige po kayo po ba kumain na?"
"Oo.. ay anak paano ba ito may napindot ako hindi ko maibalik?" tanong sakin ni mommy habang pinapakita sakin yung cellphone nya. bago kasi at hindi pa nya gamay.
"Wait lang po Mommy magbibihis muna po ako." Umakyat ako ng kwarto ko at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko saka bumaba para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko at nagkulong
Jason calling....
A smile automatically formed on my face
"Chill Jade, chill. sagutin mo ng maayos."
"Hello Jason?"
"Hi, Jade."
"Oh kamusta jan? Asan na kayo?"
"Okay naman. Eto nakalusong na sila lahat. Guys! Jade here!"
"JADEEE!"
"JADE ANG SARAP DITO!"
"HI JADE!" they shouted in chorus."Narinig mo?"
"Hahaha! Oo. Oh bakit ikaw di ka pa magswimming? Bat ka tumawag kagad?"
"Pahinga muna ko sandali at naisip ko naman na wala akong gagawin kaya tumawag nalang ako."
"Hahaha. Ayaw magpaitim ganon?"
"Mejo. ayaw ko magaya sayo eh." napakunot naman ako ng noo don. tinutukso kasi akong maitim sa school kahit oa lang tlaga sila kasi hindi naman ako nog nog.
"Ah ganon?! Ibaba ko na kaya to? " biro ko sakanya
"Uyuyuy! Hahaha joke lang Jade to naman."
"Joke lang din naman haha. Magswimming ka na sayang naman yung oras oh!"
"bakit ba gusto mo akong pagswimmingin na?"
"Eeh wala lang para mag enjoy ka na jan."
"Gusto mo makita abs ko no?" Jason naman ihh!
"Hindi syempre. Haha. Magswimming ka na nga! Thanks for the call. Ingat ha."
"Walang anuman! Thanks din. Babye."
Call Ended.
Yung kilig ko naman kay Jason pang Grade 2 na klase ng kilig. Kelan kaya ako magkakalovelife? Ay pwe, Jade!kung ano ano iniisip?
Oo nga pala, that was Jason. crush-crushan ko siya. Tapos tumawag sya kasi may swimming yung barkada ko sa room nung third year. E hindi ako pinayagan ng tatay ko, di daw safe. Ewan ko ba haha. kaya ayon, staycation lang ako ngayong bakasyon.
xxxx
Jade Ashley Lilles is my full name. Geaduating student this coming school year. Axel Firmo Lilles ang buong pangalan ng nagiisang kuya ko at si Ashton Firmo Lilles, ang bunso namin kapatid. parehas silang may Firmo ewan ko kung bakit.
