02-USA Ampeg

26 3 1
                                    

Kanina pa ako dito pero di nya talaga tinanggal ang Libro sa Mukha nya.. Kainis.

Hablusin mo na kase girl! O umalis ka nalang baka Chaka Fes nyan!. Sabi ng Konsenya ko. Sarap upakan.

Bumaba na lang Ako. Tutal bell na din naman. Punta na ako sa Next Subject ko. Ng makarating ako sa Room. Ang Kalat. May nag babatuhan ng Papel. Tapos yung Popular kuno. Nag uusap. Syempre malalandi sila. Kaya about Boys yun. Haha. Manlalait ka na Ngayon Axy ha! Bad!. Sabi ng Konsenya ko. Bad badin ko yang Itsura mo e.

Umupo nalang ako sa Chair ko. Wala namang nang Aaway saakin dito e. Well meron pala. Konsenya ko. Kabanas.

"ATTENTION EVERYONE" huminto na sa kakalaro yung mga Spoiled Brats at tumingin sa Harap. Yung President namin. Si Tina.

"ATTENTION EVERYONE. WALA NGAYON SI SIR GARRY--" nag hiyawan naman yung mga kaklase ko. Happy Much sila e."--PERO MAY PAPALIT SAKANYA--" haha! Napalitan ng 'Disappointed ' Fess. Ang Mukha nila. Haha

"--KASE MAY BAGO ATANG TRANSFERY." Sabi nya at umupo nalang din sa Chair nya.

Sino kaya yung Bagong Transfery? Lalaki kaya o Babae? Sana Mabait at maging Kaibigan ko. Sana lang.

"Pay attention everyone.. Ako muna ang Papalit Kay Sir Garry nyo. And may Bago kayong Kaklase." Sabi ng Babaeng nasa Harap namin..

"--And Wait! Kasama ko sya." Pahabol nya. Biglang lumabas ang Isang Babae na Napaka Ganda! Parang Amerikana ampeg! Yung Buhok nYA Yellowish. Tapos yung Mata nya Kulay Blue! Ang Cool! Ang puti nya pa.

"Hi Guys. I'm Driana Walter. And I'm From USA" ang Gaga! Nag Mayabang pa. Sipain ko yan e.

Tinignan ko yung katabi Kong masungit. Well masungit parin ang Itsura. Teka?! Bakit Parang parehas sila ng Damit nung nasa Roof top? Well. Parehas nga kase uniform na diba? Pero Parang sya Talaga yun e--

"What are you looking at?" Sabi ni Masungit. Habang nakatingin parin sa Harap.

"Ahh--kase ano --Hehe" wala akong masabi e. Nag 'Tss' lang sya . inirapan ko nalang.

Ang Wafu nya Inday Noh?. Manahimik ka nga Jan. Malanding Konsenya.

Nag Tsunami walk na si USA kunuhay at umupo sa Bakante sa Kaliwa ko. Sa kanan si Sungit e.

"Hi" Bati saakin ni USA . abah? Friendly!

"Hello" Sagot ko. Hihi. Girl! Itanong mo Kung Anong Gamit nyang lotion! Manghingi ka!. Sabi ng Konsenya ko. Manahimik ka nga!. Sagot ko. He na! Wala ka namang pambili e!. Buset ka! . nakakainis naman tong Konsenya ko. Diba dapat Mabuti ang Konsenya? Bakit itong akin Malandi.

Same kase tayo Girl! Malantod. Argh! Konsenya Wag mo akong itulad sayo!

"I'm Driana Walter from USA" pakilala nya. Hambog Jud oh!

"Narinig ko nga kanina" pamemelosopo ko. Taray ng Gaga! Nalampasan ka lang Ng beauty e. Sabagay wala ka namang Beauty.Potek na Konsenya to. Bakit ba ako nito nakakausap? Nambubwesit pa.

Tumawa naman si USA at hinampas ako ng Mahina. Aba! Close ta inday? "Funny is you!" Sabi nya. Teka? Taga USA ba talaga to?

Nag Kaklase yung pumalit Kay Sir Garry pero Walang nakikinig sakanya. Kawawang Guro. Haha. Kame? Nakakachikahan ko lang naman si USA ay! Driana pala. Hehe

Binigay nya nadin ang Number nya kase. Besty nya na daw ako. Kunuhay!

"Psst! Besty. Who's the Guy in there in your Kanan?"Seryoso?! Taga USA ba talaga to? Bakit Parang mas magaling pa ako mag Englishpikenen dito?

"Ahh? Yan? Si Sungit? Di ko yan kilala" sabi ko. Tinignan ko lang si Sungit. Naka Head Phone lang. Tapos Nakatakip yung Manga Sa Mukha nya. Anime Lover ba to? Well ako Hindi. Chos!

Uwian na. Kaya Nag stay muna kame ni Driana sa Canteen. Ang Arte ng Gaga sa Pagkain. Pinag titinginan sya dito kase Maganda sya. Well I Admit it. Tapos may pa Tsunami walk effect pa ang Gaga. Sana madapa.

Nasa may Table kame.

"What is Des? Dis--ano. Kanang Orange Ball with egg" sabi nya sabay turo sa Quek-Quek. Maypa eww eww pa ang Gaga.

"Kainin mo na lang! Arte pa e! Upakan kita Jan. Nag pa libre ka pa naman saakin!"sabi ko

"What is you Said? I can't Underestimated it." Sabi nya pa. Upakan mo na!. Manahimik ka Konsenya!

"Ang sabi ko gusto mong Upakan kita? Bayaran mo yang kumain mo." Sabi ko at nag Peace sign naman ang Gaga.

" I have no philipine money here"sabi nya sabay ngumuso. Girl! Halikan mo daw! .bastos ka Konsenya! Silahis ka ba o tomboy? Kanina ang landi mo lang sa lalaki e. Ngayon Babae na? Anyare?

~

Nag lakad na kame palabas ng E.D.H . tutal uwian na rin naman. Pinipilit ko si Driana na Gumala kame sa Bahay nila pero . di daw pwede kase baka daw Maligaw daw kame sa Subrang Laki ng Mansyon nila. Hambog talaga.

Nasa may High way kame. Nag Aabang ng Tricycle. Walang Pera pang Taxi e. Si gaga. Sasabay nalang daw. Libre ko daw sya kase ' I have no philipine money here' ang sinasagot nya saakin.

"Eww. Why so Many Gray Wind here"sabi ng Bobita.

"Tanga! Smoke yan! Hindi Gray Wind. Teka nga? Madaming nga kita? Taga USA ka ba talaga? " me.

Namutla naman ang Gaga "Ovkors!" Sabi nya. Sumakay na kame ng Tricycle. Nakarating din kame kaagad.

"Teka? Parehas tayo ng ipbinabaan? Saan Banda Bahay nyo?"tanong ko.

"In Anader Kanto"sabi nya. Huh?

"Sa Kabilang kanto? Wala namang Mansyon dun e!"sabi ko. Tinignan ko sya ng Masama."Mag sabi ka ng TOTOO saakin Driana!"sigaw ko sakanya.

"I'm from USA nga!" Sabi nya.

"Sige ka! Kailangan mong Bayaran yung kinain mo at Pamasahe mo. " ngumiti naman ang Gaga at nag Peace sign.

"Oo na! Hindi ako taga USA! Gaga ka! Sinira mo pa Entry ko"sabi nya saakin at Binatukan ko sya.

"Potek ka! Nag pakahirap akong intindihin yung English language mong walang kwenta. Tapos napapa English din ako! Buset ka!" Sabi ko at hinabol ko sya. Upakan ko talaga yun. Konsenya ko naman Cheer ng Cheer.

____
An:Huhu. Sana naman Magustuhan nyo to! Pleees! Haha

FELT FATE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon