The Break Up

32 3 0
                                    


*P A R K

"Jay tama na!Ayoko na!Ayoko ng magpapa-katanga ulit sayo.Palagi nalang tayong ganito eh.Kaya Salamat.Break na tayo."

~Paalam na sa ating pag-ibig na minsa'y pinag-isa.~

"Bakit Denise?Bakit?Ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo eh."

~Paalam na sa mga pangakong di na mabubuhay pa.~

"Oo ginawa mo nga ang lahat.PERO SABI MO KASI AKO LANG!AKO LANG PROMISE!Pero anong ginawa mo?You broked that promise Jay.Ilang beses na tayong nag-break at nagka-balikan pero ito na ang huli Jay.ITO NA ANG HULING BREAK UP!"

~Kung may bago ka nang mamahalin.Wag kang mag-alala ako ang masasanay rin."

Umiiyak na kaming dalawa.Tinalikuran ko na siya.Ngayon ko pa lang siya nakitang umiyak eh.Kahit ilang beses na kaming nag-break,di siya umiiyak nun.Ngayon lang talaga.Niyakap niya ako mula sa aking likod.

"Sorry na.Ayaw kong mawala ka sa'kin eh.Please Denise."

~Parang kahapon ng tayong magkasama naging isa na siyang alala.~

"PLEASE DENISE!"

Nakayakap pa rin siya sa akin.Inaamoy niya ang buhok ko.Ayoko ng bumitaw sa yakap na yun.Pero ayoko na eh.Tama na!

"Sorry din Jay.Pero ayaw ko na talaga.Dun ka na kay Angel mo."

~Mula ngayon lagi ng mananalangin na sana'y lagi kang masaya.~

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit tinatanggal sa aking bewang.Nung tuluyan ko na itong matanggal nagsimula akong mag-lakad.

~Paalam na sa ating pag-ibig na minsa'y pinag-isa.Paalam na sa mga pangakong di na mabubuhay pa.~

"Mahal na mahal kita Denise.Diba JayDen Forever!INFINITEIGHT diba!DENISE!!!!!"

~PAALAM NA!~

Gusto ko siyang tignan pero ayaw ng ulo kong lumingon.Kahit masakit.Kailangan!

~Sa mga yakap at halik.Sa tamis at pait.Bakit hinayaan?Sinayang mo lang ang 'yong wagas na pag-ibig.~

Nang makarating sa parking lot ay motor ko at kotse niya nalang ang nandun.Pinagmasdan ko ang kotse niya.Bumalik ang mga alaala.Ayoko na!SHEEEMMMAAAYY!Tumakbo ako papunta sa aking motor at mabilis itong pinaandar.Iyak pa rin ako ng iyak.Wala na akong makita.Hanggang sa------

"DENISE!!!GISING NA!!MAY PASOK KA PA!!KANINA PA SI JAY SA LABAS PARA SUNDUIN KA!!!"

Ohmygeee!7:00 am na!Naligo na ako.Naisip ko ang panaginip.ISANG BANGUNGOT!Hinding-hindi yun mangyayari sa amin.Sa 6 years namin pag-sasama iiwan ko lang siya ng ganun.No way!Haha.

Natapos na akong maligo,magbihis at kumain!Sakto lang sa oras.

"Good Morning Bae!Iloveyou!"
Bati ko sa kanya.With matching WIDE SMILE.

"Good Morning din Bae!ILOVEYOUTOO!FOREVER!"
Kinilig naman ang mga buhok sa kilikili ng lola niyo.Haha.

"Walang Forever!Dun na nga kayo!Male-late pa kayo eh."
Ang bitter naman ni Mama.

"Sige ma!Bye.Loveyou!"

Sinara na ni mama ang pinto.SNOBBER.Haha.

PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon