Liwanag sa Bintana
by Hey, I exist
Umuwi si Polo galing sa trabaho at nahiga sa kaniyang kama.
*Alarm*
Tumunug ang orasan at nagising si Polo sa kaniyang sandaling pahinga.
Sa kaniyang pag-gising ay sumilip siya sa kaniyang bintana.
Bukas ang ilaw.
"Nandyan pa kaya si Mage?"
Tanong niya sa kaniyang sarili.
Nang lumipat siya sa kaniyang bedspace isang taon at dalawang buwan na ang nakakalipas, ay nakilala niya si Maggie.
"Polo, kada buwan ay 2,500. Kasama na ang tubig at ilaw doon. Kasama mo si Kris sa kwarto mo. Maggie pakisamahan mo nga si Polo sa kwarto niya."
"Masikip po sa hagdan, ingat po."
"Ah sege. Salamat."
Mabait, simple at masayahin na bata si Maggie. Hindi siya mahilig magpaganda at hindi rin siya nagsusuot ng maiiksing damit tulad ng kaniyang mga kaedarang dalagitang kapit-bahay.
Makadiyos din siya kaya kasama rin siya sa choir ng kanilang Simbahan.
Isang linggo pa lamang si Polo sa kanilang Bedspace ay nakahanap na siya agad ng trabaho. Unang sabado niya sa ay naalala niya na niyaya siya ni Maggie sa bible study.
"Kuya Polo, pwede po ba kayo mamayang alas-sais?"
"Ou, sabadu naman ngayun. Eh baket gane Mage?"
"May bible study po kasi kami sa bahay ni Ms. Cora."
"Ay sege ba! Sabadu naman ngayun, wala akong duty. Pwiding-pwidi!"
Naalala niya din ang pagsasabi ng sikreto ni Maggie na crush niya si Kris.
"Kuya Polo, may sasabihin po ako sa 'yo na secret pero secret yun ah! Huwag mo po sasabihin kahit kay Mama ahhh."
"Uo naman day. Basta ekaw Mage."
"Ang cute po ni Kuya Kris, crush ko nga po siya e. Secret lang po ah."
"Ah. O-o naman Mage."
Naalala niya din nang magsuot ng gown si Maggie para sa JS Promenade.
"Aba dalaga na ang nineng naten. Ang ganda ganda mo Mage."
"Kuya Polo huwag ka ngaaaa po. Nakakahiya."
Para kay Polo, mahalagang babae si Maggie.
Bumukas ang pintuan kaya umupo si Polo mula sa kaniyang pagkakahiga.
"Tol, kumain ka na ba?"
"Ay Kres, hende pa kakaowe ku lang. Ekaw gane?"
"Tara mag kape tayo doon kina Aling Esme, libre ko na pandesal."
"Salamat man Kres ah."
Bumaba ng hagdan sila Kris at Polo at nakita nila si Maggie na nakatuwalya.
Maputi at makinis ang balat ni Maggie kaya nakatitig si Kris kay Maggie.
Yumuko si Maggie dahil sa hiya.
Napansin ni Polo ang mukha ni Maggie.
"Kuya Kris, excuse po..."
"Huy Kres, padaanen mo naman se Mage."
"Magcocollege na pala itong si Maggie, pwede na."
"Tara na nga."
Hinila ni Polo si Kris dahil nahihiya na si Maggie sa kanilang sitwasyon.