Prologue
Tulala.
Nakatingala sa bintana at pinapanood ang pagpatak ng ulan habang nakikinig sa malungkot na kanta sa radyo.
"Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet. And you'd see me waiting for you on the corner of the street "
Masama ba? Masama bang maalala kita? Na mamiss kita? Bakit ka ba kasi nawala na parang bula? Sabi mo mahal mo ako diba? Pero bakit? Bakit ganun? Bakit ang sakit pa rin?
Hanggang ngayon Jes.. hanggang ngayon hinihintay pa rin kita. At handa akong maghintay ng matagal.. kahit ilang taon pa yan.. decada? Okay lang din. Basta ba balikan mo ako. At sa pagbalik mo sana matupad na natin ang ating mga pangarap.
Yung pangarap natin na grumaduate, magpakasal..makabuo ng pamilya.
Lahat ng iyon... balang araw matutupad din natin kaya sana bumalik ka na. Miss na miss na kita.
Para na akong tanga na araw araw naghihintay sa tapat ng room ninyo, araw araw kinakanta at pinapagtugtog sa aking gitara yung paboritong mong kanta.
Araw araw iniisip yung masasayang alaala natin. Yung mga tawanan, kulitan....at lalong lalo na sa lahat ang iyong pagkanta habang tumutugtog naman ako. Namimiss ko na yung mala anghel mong boses at yung ngiti mong nakakatunaw.
Araw araw din akong dumadalaw sa bahay ninyo, at tanging malungkot na ngiti lang ang sinasalubong sakin ng mga magulang mo..
Oo na. Ako na nga ang di makamove on. Alam ko naman e. Alam ko naman na wala na talaga, pero handa pa rin akong magpakatanga...Nagmamahal lang naman ako kaya sana wag mo akong pigilan. Ayy sino nga ba ang pipigil sakin kung wala ka na? Lahat nalang kinuha sakin....
Mahal na mahal kita....Jessica
BINABASA MO ANG
THE ZONE
General FictionTHE ZONE-- Have you ever been someone's comfort zone? Someone's shoulder to cry on? Have you been in love to that person? Have you? If yes, are you willing to listen to all those stories about his/her lover? Are you willing to feel the pain and hide...