She's My Bestfriend (One shot)

24 0 0
                                    

Kiara's POV

Andito kami ngayon ni Fany sa Cafeteria. Kasama ko din ang boyfriend kong si James. 6 years na kami nyan. Ang tagal noh? Syempre marami akong haters. Dahil boyfriend ko ang isa sa mga member ng Ashes, sikat na banda dito sa school namin Marami din naman ako fans dahil model ako.

Umorder si James nang pagkain namin. Ang gentleman talaga nya.

"Bestie, hindi nga pala ako makakasama sa celebration nang section natin mamaya. May pupuntahan kasi kami." Pagpapaalam nya.

"Uhmmmm Sige"

Dumating na si James pati yung pagkain namin. Habang kumakain kami napansin ko panay ang tinginan nina Stefany at James pero hindi ko na pinansin.

Hapon na ngayon at malapit nang magcelebrate ang section namin. Nanalo kasi kami dun sa School Best Section. Nag aayos na kami. 4:30 uwian namin pero hanggang 6:00 kami dito.

Lumapit sakin si James at saka nagpaalam na hindi daw sya makakapag celebrate. May nangyare daw kasi sa bahay nila eh. Pinayagan ko na sya kasi baka emergency nga yun.

Nung umalis na si James at magpapaalam sa mga teachers, tinawagan ko naman yung mama ni James.

"Mama, kumusta dyan sa bahay? Ano po bang nangyare?" Tanong ko kay Mama. Yep, Mama ang tawag ko sa Mama ni James.

"Huh? Ano ba pinagsasasabi mong bata ka. Ayos lang kami dito." Tanong ni Mama.

Takang taka kong ibinaba ang cellphone at hinanap si James. Naninikip na ang dibdib ko. Epekto nang paglaki nang butas nang puso ko. At oo, may sakit ako. Sakit ko pamula nung bata pa ako.

Nakita ko si James at sinundan. Sumakay ako sa kotse ko at sinundan si James. Tinigil nya ang sasakyan nya sa tapat nang isang restaurant. Pumasok sya at umupo kung saan andun din ang isang babae. Isang babaeng kilalang kilala ko.

At ang babaeng iyon ay si S-steffany.






Steffany's POV

Andito ako sa isang restaurant at hinihintay si James. Ilang minuto ang lumipas at dumating na sya. Umupo sya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Mabilis ko iyong tinanggal.

"James, tigilan na natin ito. Ayoko nang lokohin si Kiara."

"Pero Steffany, makikipag hiwalay na din naman ako sa kanya. Iiwan ko sya para sayo. Please, wag ka lang makipaghiwalay sakin."

"Makipaghiwalay? What a word James. Paano ako makikipaghiwalay sayo eh hindi naman tayo. Hindi tayo legal. Ne hindi nga alam nang mama mo ang tungkol satin. Tigilan na natin ang kalokohan na ito James. Tama na!"

Tumayo na ako at naglakad palabas nang restaurant. Sinundan naman ako ni James. Pagkalabas ko sa restaurant, nakita ko si
K-kiara.

"MALANDI KA!" sigaw sakin ni Kiara at saka nya ako sinabunutan. Agad namang sya inawat ni James. Pinipigilan ni James si Kiara sa pag atake sakin.

"MALANDI KA. ITINURING KITANG KAPATID TAPOS ANO? ITO ANG GAGANTE MO SAKIN. MINAHAL KITA STEFFANY! MINAHAL DIN KITA JAMES." umiiyak na sigaw nya. Huminga sya nang ilang beses bago magsalita muli.

"Niloko nyo ako. For all these years na kasama ko kayo puro na lang kasinungalingan lahat nang nangyayare. Ikaw James, minahal mo ba ako?" tanong nya kay James.

"Oo Kiara. Mahal kita, siguro dahil medyo busy ka sa madaming gawain, hindi mo na ako naalala. Gusto ko lang na mapansin mo." sagot ni James.

"Ni minsan hindi kita kinalimutan James. Araw araw, lagi akong nag aalala sayo. Kung nakakain ka na, kung maayos ka lang at kung anong nangyayare sayo."

"I'm sorry Kiara. Were sorry" sabi ni James.

"Patawad Bestie" sabi ko.

"Bestie? Wag na wag mo akong tatawaging Bestie. Nakakadiri kayo." Sabi nya bago maglakad papaalis.

Nakakailang hakbang pa lang sya nang mawalan sya nang malay.

Agad namin syang dinala sa ospital. Ipinaalam na din namin sa magulang ni Kiara ang nangyare.

Ilang oras kaming naghintay sa labas at sa awa nang Diyos, okay na sya. Okay na nga ba sya?

Pumasok kami sa loob nang room nya at nakita ko syang hinang hina.

Ipinaalam na din samin nang Mama ni Kiara ang sakit nya. Nagulat ako. Hindi na daw makakatagal sa mundo si Kiara.

Nalaman na din nang mama ni Kiara, ang sa relasyon namin ni James. Wala naman daw syang karapatang magalit.

"Kiara, I'm sorry." Iyak na iyak kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang sya. At ipinikit ang kanyang mata.

"NURSE! DOC!" sigaw ko.

Agad silang pumasok.

Umiiyak ako sa labas kasama ang pamilya ni Kiara.

"KUNG HINDI DAHIL SAYO, A-AYOS SANA SI KIARA NGAYON. MALANDI KA KASE." sigaw nang Ate ni Kiara.

Mabilis akong tumakbo palabas nang ospital at sumakay sa sasakyan ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko atsa hindi inaasahang pangyayare, isang aksidente ang naganap. Nabangga ang sasakyan ko.












One year later~

"Kiara, sorry sa nagawa ko sayo. Salamat din sa lahat nang nagawa mo sakin. Patawadin mo sana ako. Mahal na mahal kita" andito ako ngayon sa isang mapayapang lugar.

Umiiyak. Tumulo ang luha ko at pumatak iyon sa lapida nang kaibigan ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan.

Sana mapatawad ako nang kaibigan ko. Alam kong mabuti sya, ngunit nagawa kong magtaksil sa kanya. At dahil sa ginawa ko, nawala sya. Hindi sya namatay dahil sa mayroon syang sakit. Makakaligtas sana sya dahil sa heart transplant nya ngunit dahil sa matinding emosyon na naramdaman nya noong araw na nalaman nya ang lahat, nawala sya. Bumigay ang puso nya. Miss na miss na kita bestie. Sana napatawad mo na ako noh?

Matagal nang panahon ang nakalipas ngunit hindi parin mawala ang sugat sa puso namin.





Maybe your not here

But your memory are still here in our heart and mind

We love you

And we miss you very much.

She's kind

She's amazing

She's honest

She's lovely




She's Kiara Mendez, and

SHE'S MY BESTFRIEND...



She's My Bestfriend (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon