CHAPTER 9

10 1 0
                                    

Habang nag didiscuss ang prof namin sa harapan tahimik lang ako nakikinig pero makikita sa itsura ko na wala ako sa mood , buti na lang at hindi ako kinukulit ng siraulo kong katabi nakakainis sya dahil sa kanya napagalitan ako ng prof , natapos na ang klase namin at pupunta kami sa canteen ngayon agad kong iniligpit ang mga gamit ko at nilagpasan si Jaxiel pumunta ako sa pwesto ng mga kaibigan ko , alam na nilang wala ako sa mood ngayon kaya hindi sila nagsasalita . Sabay sabay aing lumabas ng classroom ang mga boys naman nakasunod lang samin habang naglalakad kami nabigla na lang ako na may brasong umakbay sa balikat ko nilingon ko naman ito at nakita kong si Stan pala nginitian naman ako nito bago magsalita .

" Ei hayaan muna si Jax namiss ka lang nyan kaya ganyan sya mang asar sayo " nakangiting sabi ni Stan
huminga muna ako ng malalim bago magsalita

" hindi ako namiss nyan talagang trip lang nya ako nyang kaibigan mo ! " inis kong sabi kay Stan tumawa na lang sya at di nya tinanggal ang pagkaka akbay sakin, hindi pa nagtatagal ang pag kakaakbay ni Stan bigla na lang lumipad ang braso nya sa ere tinignan ko kung sino ang may gawa nun at ang loko lokong si Jaxiel na naman , itinaas naman ni Stan ang dalawang kamay nya na parang nasuko .

" chill bro , di ko naman aagawin si Ei sayo tropa lang kami nyan haha " natatawang sabi ni Stan sinamaan naman sya ng tingin ni Jaxiel bago magsalita .

" f*ck you !! bro anong maagaw wala naman ako pakialam dyan kay Eila " tawa lang ng tawa si Stan sa ginawa ni Jaxiel samantalang ako napapairap na lang sa ginagawa nya.

" kung ganong wala ka ngang pakialam eh bakit tinaggal mo ang pagkakaakbay ko sa kanya ? " nanunuyang tanong ni Stan halata namang pinagtitripan nya ang ugok na ito .

" nakaharang kasi kayo sa daanan kaay ko ginawa yon kung mag PDA man kayo make sure hindi kayo nakakaabala " nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Jaxiel hanggang ngayon ba naman ba nakakabwisit na talaga sya , bago pa sumabat si Stan ako na ang sumagot para sa kanya.

" hoy Jaxiel! Kung mang iinis ka lang ulit pwede ba mauna kanang maglakad ang tanga lang no ? Ang lawak lawak ng daanan tapos sasabihin mo nakaharang kami ni Stan ! Tara na nga Stan nabibwisit na ako sa presensya ng lalaking ito !! " sabay hila ko kay Stan nakita ko naman na nag igting ang panga nya habang nakatingin sa braso ni Stan na kinakapitan ko natatawa na lang si Stan habang nagpapahila sa akin .

" Haha Ei nagseselos talaga yung kaibigan ko . " hindi ko na pinansin yung sinabi nya hinila ko na lang sya papuntang canteen pumunta na kami sa pwestong nakuha nila Noah at inilapag ang gamit bago bumili ng makakain , ng makabili na kami sinimulan na naming kumain nasa kaliwang pwesto ko naman si Stan na busy sa pagkain katabi naman nito si Axus at Jake nasa harapan naman ni Jake si Akira na sinundan naman ni Rj at Brent nasa harapan ko naman si Jaxiel na ang sama ng titig sa akin katabi naman nya si Noah kanina kaso lumipat ito ng pwesto sa may tabi ko bale nasa kanan na si Noah mas gusto daw ni Noah sa tabi ko dahil malapit daw ito sa may aircon . Habang nakain kami napapansin naman ng mga kasama ko ang masamang tingin sa akin ni Jaxiel itong si Stan naman tawa ng tawa at nagawa pang umakbay sakin , para sa akin wala pang itong pag akbay nila dahil kaibigan lang talaga kami at sabi nila wala daw silang balak agawan si Jaxiel mga siraulo talaga.

" Oy Jax kung nakakamatay lang yang pagtitig mo siguro kanina pa natin pinaglalamayan si Ei haha , tumatagos hanggang buto eh !" Sabi ni Stan nagtawanan naman ang iba naming kaibigan bago ginatungan ang sinabi ni Stan .

" haha kung mangyayari yung sagot ko na ang isang latang biskwit kay Axus naman ang 3in1 na kape , kayo hiys ano sa inyo ? " gatong ni Brent sa pang aasar ni Stan nakisali din ang iba tawang tawa sila sa biro nila samantalang ako lalong nadadagdagan ang inis ko .

My ex boyfriend sweet revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon