i.

29.7K 262 60
                                    

Umiiyak si Jamie ng madatnan siya ni Alex. Niyakap niya agad ang bestfriend niya. “Si Gian ba?” Tumango ito. Bumuntong hininga nalang siya.

Hindi lang kasi ito ngayon nangyari. Maraming beses na. May gusto kasi si Jamie kay Gian. Hindi sobrang tagal dahil ngayong school year na ito lang naman sila naging magkaklase. Close si Gian at Jamie. Kapag bakante ang upuan sa tabi niya, uupo agad dun si Gian. Magugulat nalang siya, bigla nalang ito hihirit ng, “Jamie, crush kita.” ngingitian niya ito at sasagutin ng, “Sige na nga, crush din kita.”

Noong una, biro lang lahat para sakanya. Magiging sila ni Gian ng isang oras. Ng isang buong subject. Tatanungin siya nito ng mga bagay, sasagot naman siya. Inaasar na nga siya ng mga kaibigan niya. May mga nagsasabing bagay sila.

Wala lang lahat yun para kay Jamie nung una. May gusto siyang iba, may gusto ding iba si Gian. Alam niya, at aminado siyang darating ang araw na kinakatakot niya. Nagising nalang siya isang araw na kinikilig na siya sa mga sinasabi nito. Ang mga bagay na binibigay sakanya, na kahit bote ng mogu-mogu na nilibre sakanya ng binata, ay itinago niya.

Hindi niya alam kung ang galing niyang magtago ng nararamdaman, o sadyang manhid lang siya. Hindi kasi siya papansin na katulad ng iba. Kung magkakausap sila, okay, kapag hindi, hindi.

Sa araw-araw na pagbibiruan nila, lagi siyang umaamin ng pabiro. Minsan, naiisip niya kung kahit minsan, sineryoso ba ng binata ang sinasabi nito sakanya.

“Jamie, kailangan mo ng sabihin yan sakanya ng seryoso.” Tumango lang siya. Tama si Alex. Kailangan ng malaman ni Gian ang totoo.

Maaga siyang pumasok kinabukasan. Kabado siya buong araw. Ganun parin naman ang nangyari sa buong maghapon. Nagbiruan sila, umamin siya. Pabiro. Naiinis nga siya eh, lahat kasi ng nagiging crush niya, si Cathy ang gusto. Ang bestfriend niya. Come to think of it, dalawa palang ang nagiging crush niya. Si Jamie, hindi siya yung tipo ng babaeng makakita lang ng gwapo, crush agad. Hindi. “Gian, tara sabay tayo umuwi.” Iisa lang ang daan nila pauwi. Normal na sakanilang dalawa ang ganitong pangyayari, kaya walang kaalam alam ang binata na sasabihin na niya ang kinikimkim niya.

Bumili muna si Gian ng fishball. Pinakiramdaman ni Jamie na konti lang ang tao kapag magsisimula na siya. At eto na, ang pinakahihintay niya buong maghapon. “Gian, crush kita.” Tumawa ito sandali at sinabing crush din niya ang dalaga. Halos maiyak na si Jamie sa naging sagot nito. Biro nanaman. Hindi niya tuloy alam kung itutuloy pa niya o hindi na. Pero ano pa bang magagawa niya, nandito na. Nasimulan na niya. It’s now or never.

“Crush kita. Ikaw na may gustong iba pero pilit na lumilimot dahil prinangka ko. Ikaw na gustong matutong mag gitara. Ikaw na buong akala ang effort ay material things. Ikaw na short tempered. Ikaw na makulit sa classroom. Ikaw na walang pakialam sa feelings ng iba. Ikaw na okay lang kapag may nagkagusto sayo. Ikaw na mahilig makipag biruan. Ikaw na manlilibre para mabaryahan lang ang fifty pesos. Ikaw na mahilig mag skateboard. Ikaw na mahilig mag basketball. Ikaw Gian. Gusto kita.”

Tahimik lang ang binata sa sinabi ng dalaga. Hindi makatingin ng deretso si Jamie sa mga mata nito. Hindi niya tuloy alam ang reaksyon nito sa sinabi niya. Kung nakangiti ba, o straight face lang. Knowing him, baka akala nito biro nanaman ang confession niya.

Nakarating sila ng ng bahay niya ng hindi naguusap. Naubos nadin ang fishball na kinakain nito sa daan. Hindi binawi ni Jamie ang mga sinabi niya. Wala siyang balak bawiin ito. Never in her life.

Duon lang niya natitigan ang mukha nito. Mabilis nga lang. “Bye, Gian.” Binuksan na niya ang gate nila pero hindi parin ito umaalis. Hinayaan nalang niya ito dahil akala niya hinihintay siya nitong makapasok. “Ingat.” Yun na lamang ang nasabi niya. Pero nagulat siya ng hawakan nito ang wrist niya at sinabing,

“Jamie. . . seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?” Kirot. Yan ang naramdaman niya. Alam niyang mangyayari yun eh. Pinigilan niya ang mga luha na naguunahang pumatak. This time, it was her turn to laugh.

“Nakakatuwa no? Ako din kasi hindi makapaniwala na magkakagusto ako sayo at seseryosohin yung mga sinabi mo. Pero nandito na eh. Nangyari na. Tumibok na eh. Tumibok na para sayo. Hindi biro yun, Gian. Gusto kita . . . matagal na.”

Niyakap niya ang binata. “Pwede bang payakap? Kahit sandali lang. Ang sakit kasi eh.” Hindi na niya ito hinintay sumagot at yumakap na. “Pwede bang takpan mo yang tenga mo? Please?”  He didn’t. Niyakap nalang niya ito pabalik.

Takot siya. Takot siyang marinig nito ang iyak niya. Ayaw niyang masuklian ng pagmamahal dahil sa awa at iyak niya. Teka, bakit nga ba niya inisip na happily ever after itong confession niya?

“Ang sakit, Gian. Hindi ko naman sinasadya eh. Sorry. Pero gusto talaga kita eh.”

Pinaniwala ni Jamie ang sarili niya na hindi naririnig ni Gian ang bawat hikbi niya, ang mga salitang sinabi niya. Na sa takot niya, hindi niya alam na umiiyak nadin ang binata sa nalaman niya.

Maybe because he likes her too.

And just too afraid to say it.

BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon