PROLOGUE
Friendzone? Ito na yata ang pinakamasakit na iyong pedeng kalagyan sa buhay ng taong mahal mo, lalong lalo na kung sa bestfriend mo.
Masarap magkaroon ng bestfriend lalo na kung babae ka tapos lalaki ung bestfriend mo.
Ang saya, feeling mo secured ka palagi. May magtatanggol sayo kapag may nangaapi sayo, lalo na kung pinaiyak ka ng lalaki. Yung isang text mo lang pupuntahan ka na niya agad. Yun bang itatrato ka niyang prinsesa o girlfriend kahit di nman kayo.
Ang sarap sa pakiramdam ano?
Pero sa pagdaan ng mga araw at paglipas ng panahon, hindi imposibleng makaramdam ka ng kakaibang tibok dyan sa puso mo.
Yun bang mas lumalalim yung interpretasyon mo sa lahat ng ginagawa niya. Magkakaroon na ng kilig, at dadalas na ung pagseselos tuwing makikita mo siyang may kasamang iba hanggang sa maging intimate na ung pakikitungo mo sa kanya.
Magulo kung iisipin.. di mo namamalayan nahuhulog ka na sa kanya. NAHUHULOG KA NA SA BESTFRIEND MO.
Nakakatakot aminin ung nararamadaman mo sa bestfriend mo. Minsan maganda ung kinalalabasan, pwedeng matuwa at umamin din na gusto ka din niya. Meron din sasabihing okay lang tanggap ka niya pero unti unti ka niyang nilalayuan.
Pero mas madalas ito ang mga katagang maririnig mo:
"Ilang taon na tayong magkaibigan, masaya naman tayo sa kung anong meron tayo noon."
"Hindi ko kayang mawala ang nagiisa kong BESTFRIEND"
"Siguro mas mabuting manatiling ganito tayo.. yung mag-BESTFRIEND para di komplikado. Mas masisigurado natin na hindi tayo maghihiwalay.
Pero pagkatapos ng pagamin mo palagi naman magiging AWKWARD ang lahat e, di ba?
kung ikaw ang nasa posisyon na yan, aamin ka ba sa bestfriend mo na mahal mo na siya??
:D
Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUBSCRIBE Guys!
if may suggestions po kayo feel free to make a comment. :)
THANK YOU! v (^_^)
