AKIRA P.O.V
[Kapag wala ka pa dito in 10 minutes may parusa ka!!] – sigaw niya sa kabilang linya habang tumatawa tawa pa!
“Ang kapal ng mukha mo! Hoy ang usapan lang natin kapag nakalakad ka na hindi mo na ako pwede utus-utusan!” - Aba sinuwerte siya tatlong taon na nakalipas inuutus utusan niya pa rin ako! Psh, ako naman ‘tong si tanga sunud-sunuran sa mga gusto niya! Hindi ko nga alam kung bakit ko ba sinusunod yang lalaki na yan eh!
Nakakalakad nanaman siya ng maayos noon pa pagkatapos ng dalawang buwan eh! Nag iinarte lang siya!
[Sige na Aira...please..Aira..] – bulong niya sa kabilang linya, hindi ko alam pero tuwing binabanggit niya ang pangalan ko napapangiti ako, sus kalokohan na ‘to! Napapangiti psh..
“Ano ba kasing gagawin ko jan sa bahay niyo ha? Tae ka Nathan ha! Ang dami dami ko pang projects na tatapusin! May thesis pa kami!” – sigaw ko sakanya, hindi niya ba alam na ang hirap pag sabayin ng pag aaral at ng pagtatrabaho!
[Namimiss na kita...] – bulong niya, nanlaki ang mata ko. A-ano daw? Nabibingi na ba ako? Sabihin niyo naman saakin oh! Mali yung dinig ko diba?
“Hoy namimiss mo mukha mo!”
[Namimiss ko ng...utusan ka!] – natatawang sigaw niya! Aba’t!
“Bwisit!!!” – sigaw ko saka pinatay ko yung cellphone ko..
Tsk, may magagawa ba ako? Eh pinapapunta na ako nung amo ko eh, tae talaga..
“Manong kela Nathan daw ho tayo!” – sabi ko sa driver nila Nathan, ah nga pala yung isang driver nila Nathan pinapasunod niya palagi saakin, para daw pag kailangan niya ako hindi na daw ako magcocommute, matutuwa na sana ako eh kaya lang sarili pa rin niya iniisip niya! :3
Palagi kaming nag aasaran niyan, si Sabrina naman palagi kaming inaasar nab aka magkatuluyan daw kami psh.. Pagdating ni Michael aasarin ko din siya, sigurado akong magiging masaya yung pagdating niya next year! Excited na nga si Kyle eh.. Oo, palihim namin nakakausap si Michael, yun nga lang sa skype lang.. Pero okay na rin yon masaya naman yung mag ama eh..
BINABASA MO ANG
Young Minds [Akira & Nathan Side Story]
General FictionSide Story of Akira & Nathan.. Rated R. Young Minds