✫1

55 3 0
                                    

1

Alcohol? Check! Baby wipes? Check! Rubber gloves? Check! Sanitary Masks? Check! Broom? Check-- Ahh wait.. should I bring my broom? Hmn, wag na.. baka pagsuspetsiyahan pa ako.

Linagay ko na rin ang kaisa-isa kong magical na notebook na wala naman laman ni isang notes sa bag ko na perfectly equal ang black and white stripes. Scissors-- in case of emegency na hindi pantay ang buhok ko, nail cutter--in case of emergency na humaba ang mga kuko ko kapag natagalan sa tubig, sun block--para pantay lang ang kulay ng aking balat at higit sa lahat.. ang pinaka-importante kong portable na wand. Hahaha

Portable kasi hindi siya gaya nung mga makalumang wand na ginagamit ng kanuno-nunoan ng aking mga ninuno na meron pang mga vines at lahat lahat sa wand, andumi na tignan. Portable siya in a way na kapag hindi ko naman siya gagamitin for spells and such.. ang itsura nito ay parang isang simpleng ballpen lamang. 

Two in One na siya oh.

Nagsalamin muna ako bago umalis ng bahay. Tinignan kung pantay ang iksi ng aking buhok na blonde o puti na ba kung maituturing. Pati na rin ang iksi ng aking bangs at ayos ng aking damit.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagsusuri sa aking sarili ay naisipan ko na rin pumasok ng eskwelahan. Naiwan nanamang tahimik at walang katao-tao ang aking tinitirhan. Ang tatay ko? Ayun, nasa kung saan hindi ko alam.. pero pinapadalhan niya ako ng monthly allowance ko at mga pangbayad sa mga gastusan. Nanay ko? Ayun, nasa langit na. Ay mali.. nasa impyerno na pala.

Anong klaseng witch ba ang mapupunta sa langit? Kalokohan, Hahaha. Si papa loko, normal na tao nagpakasal sa isang bruha. Nagbunga pa ang kanilang nakakasuklam na 'pagmamahalan' at eto na ako.

Hahaha hay nako, buhay. Nakakatawa.

Dahan-dahan lang akong naglakad papuntang school. Nakakapagod kayang tumakbo, try mo. Hindi pa naman time eh. 

Pagdating ko ng school ay deretso ako sa klase ko. Four-Gabriel.

Tatlo lang ang section bawat year level. Ang sa amin, mga fourth years.. Yung tatlong major Angels. Si Gabriel, Michael at Raphael. Wala na ako pakialam sa lower levels, since transferee lang naman ako dito ngayong fourth year.

Nakakatawa noh? Isang witch, bruha, o mangkukulam kung tawagin ng iba, ay nag-aaral sa isang Katolikong Paaralan. Ang mas nakakatawa ay hindi ako naaapektuhan ng kung anumang dasal o ritwal nila. Kahit sa simbahan, o bendisyon ng holy water. Siguro dahil sa half-half lang naman ako. May breed daw, kung sa aso.

Nagsimula na din ang klase, mahaba-habang inuman---boring na discussion, as usual. Nakakaantok, at natetempt ako matulog gaya ng ginagawa ng halos lahat ng kaklase ko ngunit wala naman pakialam ang teacher. Pero dahil isa akong nagpapakabait na bata ay hindi ko ginawa iyon.

Kinopya ko na lamang ang notes na nakasulat sa pisara. Sa notebook kong magical, gaya ng sinabi ko kanina. Ang lahat na sinusulat ko sa notebook  na ito ay nata-transfer sa isa pang magical na notebook na nasa bahay. Well, hindi naman lahat-lahat talaga.. unless gustohin kong ilipat ang mga sinulat ko dun sa notebook na nasa bahay. 

Unlimited. Oo, unlimited ang pahina ng dalawang notebook ko. Kahit ilang beses mo ilipat ang pahina.. endless lang siya.

Wala eh, Witch eh.

Natapos na din ang klase at break time na. Break time na kaya't magmumukmok nanaman ako sa likod ng building ng year namin. 

Palipasan ko ng oras 'to eh. Isang oras lang naman na naka-upo.. kung hindi ay isang oras na bullying. Pero, wala naman talaga ako pakialam kung ginagawa nila yun eh.. ang kaso ko lang, kapag ako nainis ay baka kung ano ang magawa ko sa kanila. Mga mayayaman pa naman, nag-aaral sa ganitong klaseng paaralan.. pagkatapos mga walang modo naman. Hay nako

Pinuntahan ko na yung couch na lininisan ko, yung nakuha ko sa may labas ng library. Hindi naman daw ito gagamitin kaya't kinuha ko, dinala ko dito, nagagamit ko pa.

Binuksan ko muna ang bag ko at kinuha ang alcohol ko na de-i-spray at binigyan ng sandamakmak na pagsa-sanitize ang couch. Baka marumi eh.

Umupo na din ako pagkatapos at ipinikit ang mga mata ko. Malamig.

"Hi." Masiglang sambit nito. Agad ko naman iminulat ang aking mga mata at tumayo, hawak-hawak ang wand ko sa likod ko. "Hahaha, you're cool." Sabi nito sabay tawa nanaman ulit. Tinaasan ko siya ng kilay para maipahiwatig sa kaniya na hindi ko siya kilala at hindi ko siya maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. "Wag kang mag-alala. Ako si Luhan. Mabait akong tao."

==

LOOOL This is so funny. Sabi ko TagLish ito pero halos tagalog ata 'to ah. .___.

Don't worry, babaguhin ko na lang yan next time. Or babawasan ko ng madaming tagalog sa mga susunod na chapters. Kahit ako, hindi sanay magtagalog eh. Mas prefer ko pa ang english. Hahaha

ThankYou for reading~! Lovelots, Pepaii~ Chu~:*

DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon