Pa-fall (Friends With Benefits)

91 1 1
                                    

Sa dinami-daming tao na nakakasama mo araw-araw ay maraming bagay na pwedeng mangyari. Sa bilis ng pag-ikot ng oras at bilis ng panahon hindi mo mamalayang yung mga taong hindi mo napapansin noon ay magiging kaibigan at mamahalin mo ng sobra.

Pinili ninyong pumasok sa laro ng pag-ibig kung saan bilang lamang ang makikita mong totoo. Nagkasundo na kayo sa lahat ng bagay. Parang isang panaginip na nakalutang sa alapaap habang nakatingin sa kanya. Pati puso mo ay nalinlang na rin ng bawat tingin niya sayo. Ang bawat higpit ng yakap at init ng halik kasabay nito ang unti-unting panghihina ng tuhod at ang pusong humihiling na sana pwede kang maging akin. Kahit ayaw ng isip mong mahulog pero pinipilit at tinutulak ka parin ng puso mo.

Lumipas ang panahon pati ang panaginip na ngayon ay masaya ka dahil sa kanya. Ngunit kailangan ba talagang bawiin agad ang kasiyahan mo dahil sa inakala mo na pareho na kayo ng nararamdaman sa isa't-isa. Masisisi mo ba ang sarili mo kung ito ang nararamdaman ng puso mo? Ayaw mong umasa. Naging kasalanan mo pa ba kung sa mga kilos at salita niya ay kahit anumang oras ay kayang manipulahin ang puso mo?

Nagiging komportable na kayo sa isa't isa. Bawat araw at oras gusto mong lagi siyang kasama. Pero sa kabilang banda, hindi mo maiwasang mapa-isip kung ano ba talagang mayroon sa inyo. Mayroon bang KAYO? Kahit alam mong kumplikado ang lahat ng bagay ipinagpatuloy mo parin kasi alam mong doon ka sasaya.

Hindi mo mamamalayang dumating na pala ang panahon na malalaman mo nalang na unti-unti na siyang lumalayo sayo dahil mayroon na siyang mahal. Nakahanap na siya ng taong mamahalin niya ng totoo at walang halong kasinungalingan. Ang maniwalang mayroon nang KAYO, TAYO, IKAW AT AKO ay isang masamang panaginip lamang pala. Masakit isipin na HE JUST TAKE YOU FOR GRANTED. Sana nga ay naging isang panaginip na lamang lahat. Ang makilala siya sa di-inaasahang pagkakataon pati na rin ang pagiging mapalapit mo sa kanya. Para madaling magising sa katotohanan na hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo. Lahat ng akala mo ay nanatiling akala mo lamang. Gusto mo siyang pigilan at paulit-ulit na sabihing mahal na mahal kita. Pero ano nga bang karapatan mo para pigilan siya? Sino kaba para sundin niya? Kung gayon na lahat ng nangyari sa inyo ay puro laro lamang. Dumating na nga araw na kinatatakutan mo, ang malaman kung saan ka lulugar sa puso niya. Bakit ganito? Hindi ba pwedeng kapag mahal mo. Mahal ka rin. Ang sakit isipin na handa mo namang gawin ang lahat para sa kanya. Nakagawa kana rin ng mga bagay para mapasaya siya. Sa huli, hindi niya parin nakikita ang halaga mo.

Bawat araw ay kahit pilitin mong hindi maging malungkot. Mararamdaman mo nalang ang pagtulo ng luha mula sa'yong mga mata habang nakikita siyang masayang kausap ang taong mahal niya. Hanggang sa mga oras na iyon, magiging masaya ka nalang para sa kanya. Kailangan mo nalang mag-panggap na masaya dahil alam mong sa huli kapag pinilit at ipinagpatuloy mo pa ang nararamdaman mo ikaw rin ang paulit-ulit na masasaktan. Ipapaala sa sarili mo na hanggang kaibigan lamang ang maituturing niya sayo. Mas pipiliin mong maging manhid para hindi maramdaman ang sakit habang masaya siya kasama ang totoong mahal niya at bingi para hindi marinig ang masakit na katotohanan na kahit kailan hindi ka niya kayang mahalin.

Kailangan mo ng kalimutan ang mga nangyari sa inyo. Kahit masakit at ayaw mo pang matawag na nakaraan ang lahat sa inyo. Ayaw mong umasa pero gusto parin maghintay ng puso mo. Ang makasalubong siya habang nakayuko at umakto na hindi mo siya nakikita sa iyong harapan. Pag-iwas na hindi mo gustong gawin pero kailangan para maging malaya na rin sa wakas ang puso mo. Ang bawat pag-luha at lungkot mo na hindi niya nakikita ay kailangang pawiin ng bawat pag-ngiti at pag-iwas sa mga bagay na nakasanayan mong gawin kasama siya. Kailangan mong ibalik sa dati ang buhay mo noong wala pa siya. Mga panahong halos hindi kayo magkakilala.

Maaaring sa bilis ng pagdaan ng oras at sandali ay mamalayan mo na isa na ulit siyang estranghero sa puso mo.

Pa-fall (Friends With Benefits)Where stories live. Discover now