BRITNEY’S POV
Monday na naman ngayon, simbilis ng araw ang mga bagay na nangyayari ngayon sa amin ni Althea. Habang naglalakad ako papunta sa building namin, nakita ko ang dami-daming students sa lobby. Tapos may tinitingnan sila sa bulletin board. At dahil isa’t-kalahating tsismosa din ako gaya ng ibang students dito, lumapit ako dun para malaman kung ano ang pinapagkaguluhan nila.
“Dapat lang mapili siya. Ang galing-galing niya kaya kumanta. Tumayo nga lahat ng balahibo ko e.”
“Oo nga. Standing ovation pa nga daw diba?”
Standing ovation? Si Althea ba yung tinutukoy nila ? balita ko kasi napatayo pati yung mga judges sa performance niya. *YIIPIIE!* galling talaga ng bestfriend ko. Buti naman at nagbago ang isip niya at sumali na sa audition. Simula kasi nung nawala si Kuya Raeven nag quit na siya sa pag tugtog at pagkanta.
Salamat na din kay Jethro dahil siya ang nagtulak na sumali si Althea dito. Sana kahit konti, makalimutan na niya yung pain niya from the past.
“ay sayang lumipat na siya sa Music Club. Siya pa naman ang pinakamagaling sa lahat..”
“Hindi no. kaya lang naman siya nagkaroon ng award dati kasi gwapo yung partner niya.”
“Tsaka isa pa, siya yung dahilan kung bakit nakipagbreak yung girl dun sa guy no, balita ko kasi nag dadate daw yung dalawa.”
Yan yung mga naririnig kong usapan ng mga students sa loob ng lobby at alam ko na kung ano yung pinagkakaguluhan nila dito..
Pumunta ako sa area kung saan nandun naka-post yung mga napili for Dance Club. I used my index finger para masigurado isa-isa yung bawat names na nakasulat sa board. Wala akong paki kung may ibang tumitingin. NYAHAHAHA !!! BAD GIRL !! ^_^
TENENN!!!!!
Salazar, Britney
Ehem… As usual, nakapasok ang lola niyo..Tiningnan ko din yung list sa Music Club medyo konti lang yung nasa list. Hmm? Bakit kaya?
Tinatanong niyo siguro kung pasado ba si Althea no? haha! eto na nga hahanapin na!! Tulad ng paghahanap ko kanina, ginamit ko ulit si index finger ko para sigurado.
HANAP..

BINABASA MO ANG
A Painful Nightmare
Teen FictionAng kwento ng dalawang tao na parehong may masasakit na karanasan sa kanilang nakaraan. ---- Tadhana ba ang magdidikta ng kanilang kapalaran o sadyang mga paa nila ang kusang maglalakad papalapit sa isa't-isa para makaranas ulit ng panibagong pagmam...