♥ Chapter 1

18 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Ang hirap talaga maging mahirap. Hayyy. Atleast masaya naman ako sa buhay. Hahaha.

Ako nga pala si Alexandra Danica Serrano. Ang sossy ng pangalan ko ano? Haha. I'm 16 years old, 1st year college and currently taking up BS Accountancy. 

At dahil mahirap kami nagttrabaho ako bilang cashier sa isang fast food chain. Mabait na bata ata to.

Ang layo ng school sa bahay namen. Eh pano ba naman nakatira lang kame sa isang barong-barong at kasama namin don eh mga taong tambay na mahilig humithit ng rugby. Mga naka shabu halos ng don kaya mukha nila nagmumukhang shabu. De joke lang.

After 9479344849320 years...

Hayy. Finally! Nakarating rin sa school. And woaahhh... ang laki netong school na to! Halatang pang mayaman. Ang sossy ng mga students eh.

I'm sure you're wondering kung bakit nakapasok ako sa school na to. Well hindi naman sa nagmamayabang pero matalino ako at dahil matalino ako nakakuha ako ng scholarship. Oha! Ano say niyo?

Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga students. Yung para bang nakakainsultong tingin. Tss. Ano ba problema nila? Ano ngayon kung naka t-shirt, pants, rubber shoes and back pack ako? Palibhasa mga anak mayaman. Nakuuu.

"Hi! Are you alone?" Sabi ng girl saken na naka dress and heels. Halatang mayaman eh.

"Uhh.. oo?" Halata naman diba? May kasama ba ako? Wala naman diba. Tss.

"Ako nga pala si Thea. And you are?" She said while offering her hand to me.

"Alex pala." Sabi ko tapos nakipag-shake hands. Mabait ako eh.

"Nice meeting you Alex! Tara sabay na tayo?" Sabi ni Thea.

"Ahh sge, sge." Wala rin naman akong magagawa eh.

While walking, pinagtitinginan na naman kame. Hayy ano ba problema ng mga to? Naiinggit siguro sila kase ang ganda ko. Mwahaha.

"Ano pala course mo?" Tanong ni Thea saken.

"Accountancy. Ikaw?"

"Fashion Designing. I love fashion kase eh! Hihi." Wow sossy.

"Ahhh." Wala na kong masabi eh.

Ano ba yan! Ang layo pala ng mga classrooms dito. Parang 1000 kilometers naman yung nilakad ko jusme.

"Heto pala yung classroom mo Alex. Doon sa kabilang building yung room namen eh." Bait neto. Hinatid pa ko.

"Ah sge. Thank you ah?" I said smiling. Mabait naman etong si Thea eh.

"Sure. Sabay tayong mamayang lunch ah?"

"Sge sge."

"See you later! Bye." She said walking away.

Hayyyy. Pagpasok ko sa classroom.... wow! Ang sossy ng mga kaklase ko.

Make-up doon, make-up dito.

Ayos doon, ayos dito.com.ph de joke. Sige tumawa kayo sa joke ko.

Ano ba yan. ang aarte naman ng mga nandito. Kala mo kung sinong maganda. Eh mas maganda pa ako sa kanila. Ahex. 

Pumunta ako doon sa pinaka unang upuan para mapansin ang beauty ko. Haha. 

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Jusme insecure sila sa beauty ko. Mwahaha.

Nagtataka siguro sila kung bakit umupo ako dito sa unang upuan. Eh sa maganda ako bakit ba. 

Ano ba yan! Ang bipolar ko. Haha. Kanina para akong nag-memens dahil sa sungit ko ngayon naman para akong sira-ulo na nagmamayabang. Well may ipagmamayabang naman talaga ako. Etong beauty ko at ang aking

SEXY BODY. ;)

Well... sorry pero mayabang talaga ako. Haha.

Ano ba yan. Nakakainip walang makausap.

"Mga teehhhh! Nandiyan yung prof naten! Omg ang gwapo niyaaa!! Umayos na kayooo!" Sabi nung bakla kong kaklase. Wooow sossy may taga-tingin talaga.

"Talaga?"

"Oo! Ang hot pa!"

"Uy teh share tayo jan ah?"

"Good morning class. I am Professor Chase Dela Peña. For this year I will be your adviser as well as your Math teacher."

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!" 

Ang lakas naman ng mga tilian ne to. Halatang malalandi eh. Joke Hahaha.

"Sir may girlfriend ka na po ba?"

"Uhmmm, wala pa." Sir Chase said while smiling.

"Waaahhhh! Like omg!!"

"May pag-asa pa tayo girls!"

"Ang gwapo talaga ni Sir no?"

"Shet ang hot niya talaga."

Ano ba naman tong mga to. Pati teacher pinagnanasahan nila. 

Sabagay, gwapo nga tong si Sir Chase. Hahaha.

"Okay guys. Tama na muna ang daldal. Kindly introduce yourselves. Let's start at the back."

CHUBA

CHUBA

CHUBA

CHUBA

CHUBA

CHUBA

"Ms?"

"Excuse me... ms?"

Ay tae ako na pala! 

"What did you say?" Tanong ni Sir.

"Ahhh wala po." Kahiya yun ah. 

"Kindly introduce yourself Ms?"

"Uhmmm my name is Alexandra Danica Serrano. You can call me Alex for short. 16 years old. Thank you." 

Putek! College na pero hindi pa rin nalalaos yang introduce na yan.

"Thank you Ms. Serrano."

"Your welcome Sir." Sagot ko naman.

Hayyy new life, new environment, new people. Makasurvive kaya ako? Naku pooo.

-

Hi guys! So watcha think? Hahaha! Please vote, comment and be a fan! Mwahhhh! - F.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon