Lihim na Pagtingin

68 1 0
                                    

Nadarama ko ay lihim

Patagong pagtingin,

Hiling ko ay mapansin,

Pag-ibig na kinikimkim.

Nagsimula sa awitin,

Nakuha sa isang tingin.

Naging magkaibigan,

Lumalim ang damdamin.

Paano ko sasabihin,

Kung ika'y di akin?

Damdamin ko ba'y masasaktan,

Kapag ako ay umamin?

Ilang bulalakaw pa ba,

Ang aking bibilangin?

Hihintaying dumaan,

Upang makahiling.

Mananatili na lamang bang lihim,

Kinikimkim sa damdamin?

O aking sasabihin,

Dahil baka pareho ang ating damdamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon