Chapter 1- Introduction
"Trixie! 6:30 na!" Monday na. Papasok na naman ako. Makikita ko na naman sya. Ang pinaka-kinaiinisan kong tao.
Tapos na akong maligo at mag-ayos, kasalukuyan akong nagta-Tumblr at nagba-blog kung gaano ko sya ka-hate.
"Trixie! Ano ba?! Papasok ka ba?" Hindi. Kung pwede lang talaga sabihin yan. Haist. Eto na nga. Sha-shut down ko na nga yung computer eh. Wait lang ah.
"Opo mama. Eto na po."
Ako nga pala si Trixie Claire Dela Cruz. Haba ng pangalan ko 'no? Kaya sa sobrang haba, Rix na lang ang tawag ng karamihan sa akin. Only child. 15 years old. Half Filipino, Half Japanese. Pero di mo aakalain na may lahi ako. 3rd year high school sa Clarkson University. Mahaba ang buhok ko mga hanggang bewang kaya sa sobrang haba, lagi akong naka-ponytail. Curly yung bandang ibaba at color reddish brown ang buhok ko. Just an average student at wag kayong mag alala, hindi ako yung tipo ng babae na HABULIN NG LALAKI. May salamin ako sa kabila ng malabo kong mata. May braces din ako dahil sungki sungki ang ngipin ko. Malinis naman ang mukha ko, walang tigyawat at para matakpan ang malapad kong noo, may bangs din ako. Mapagkakamalan na akong nerd neto kung di lang ako marunong pumorma at mag-ayos.
"Good Morning mama! Hindi na po ako kakain dito. Sa school na lang po. Malelate na po kasi ako eh." Oo. Malelate na ako. 6:45 na kasi ng umaga. Pag di ako umabot dun hanggang 7 am, sasarhan ako ng gate.
"Oh sige. Buti naman at naka-ayos ka na pala. Ingat ka ha."
"Opo. Bye po."
Lumabas na naman ako ng bahay at sumakay na sa kotse namin. Sariling kotse namin. Mayaman kami, may business ang pamilya namin sa Korea at ang papa ko lang ang nandoon. Haist. Namimiss ko na naman tuloy sya. Sa sobrang pag iisip ko sa kalagayan ng tatay ko don, di ko namalayan na nasa school na pala ako.
"Salamat po Manong."
"Ingat ka. O sige mamayang uwian ulit."
"Ingat ka din po. Bye po."
Nandito na ako sa school ko. Sa Clarkson University. Sa University na ito, pili lang ang nakakapasok. Pero kahit pili, madami pa ding nag aaral sa malaking school na ito. It's either mayaman ka, or talented ka. Ako? Hindi ko alam pero kasi magaling din ako mag-drums. Sa katunayan ay kasali ako sa isa sa mga banda ng school namin na kung tawagin ay P4 which means Pink 4. Apat kaming babae sa banda na yon. Sila ding apat ang kung tawagin ko ay BESTFRIENDS.
"Hi Rix!" Bati ni Shane. Shane Lachica. Sya ang guitarist ng P4. Sya pinaka una kong bestfriend sa school na ito.
"Hi Shane!" bati ko sa kanya. "Asan na yung magkapatid?"
"Nasa classroom na sila. Tara na?"
Yung magkapatid? Isa sa kanila is pianist, si Maryline Versosa at yung isa naman is yung vocalist namin na si Pauline Versosa at oo magkapatid sila. Kambal silang dalawa.
Ngayon na nakilala nyo na ang P4. Kilalanin nyo naman ang taong pinaka kinaiinisan ko.
- -
Mem's note:
HI! KUNG SINO KA MAN NA NAGBABASA NETO, SALAMAT. SALAMAT. PASENYSA NA SA PAGKAT NAGSISIMULA PA LAMANG AKO. HIHI. WAG KA MAG ALALA. GAGALINGAN KO PA PO. YUN LANG. SALAMAT SA PAGBABASA.
BINABASA MO ANG
Average Student Meets Campus Crush
Teen FictionTAGALOG TEEN FICTION. Read at your own risk. Si Rix na average student sa Clarkson University na gigil na gigil sa Campus Crush na si Dark, matututunan nya kayang mahalin? Know as you read this Rom-Com story. Wag ka mag alala, hindi ka iiyak dito. P...