My cliche story. :3

53 1 0
                                    

"Wag na wag mong bibigyan ng ibang kahulugan mga bagay na pinapakita nya sayo unless umamin sya mismo sayo. Madalas sa hindi, yung mga ginagawa niya sayo, ginagawa niya rin sa iba."

Ang sakit sakit pala nito, yung tipong pinapahalagahan mo siya ng sobra pero wala eh, unfair talaga ang mundo, AKALA mo parehas kayo ng nararamdaman, yun pala umaasa ka lang ng sobra.

Paano nga ba kami nagkakilala? Noong una ayaw din naman niya sa akin, pakiramdam niya kasi 'feeling close' lang ako at sumisipsip sa grupo nila. Ang grupo nila? Lahat sila lalake, lahat sila gwapo, mayaman, matalino, talented, yung iba may konting sablay sa ugali, pero siya kakaiba siya, gentleman kasi siya, kung tutuusin 'complete package'. Yung tipong wala-ka-ng-hahanapin-pa. 

Kausap ko nun yung ka-grupo niya, si Tristan, medyo ka-close ko na din kasi si Tristan, kalaro ko siya ng Volleyball, tapos nandoon siya, kaya tinanong ko kung anong pangalan niya, boom magkakilala na kami.

Hindi ko naman aakalain na mamahalin ko siya, hindi kasi siya yung tipo kong lalaki, oo sabi nila complete package na nga sila, pero iba-iba rin naman tayo ng rating diba? So, hindi siya pasok sa standards ko, mas gusto ko kasi yung mga punk yung tipong gangster kaysa sa cool type. Mas gusto ko yung jerk kaysa sa mabait, kaya siguro wala akong nafeel sa kanya noon.

Pero dumating ang bagong taon ng pasukan, di ko aakalain na magiging mas close kami, mahilig kasi siyang tumugtog ng gitara, samantalang ako mahilig kumanta kahit na alam kong medyo palpak ang boses ko, lalo na ang lyrics ko. Ayon, tipong compatible ba, yung mga tipong we-complement-each-other ang peg, so naging close kami.

Naging close kami, narealize ko na infatuated nga ako sa kanya, habang tumatagal ang panahon, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hanggang isang araw...

Hindi na siya nagrereply. Hindi ko na siya nakakausap ng personal. Hindi na rin kami nagchachat sa FB. Minsan pa nga makikita kong may pinost siya pero offline siya sa chat, siguro naka-off siya sa akin? Siguro nagsasawa na siya akin.

Nagkaproblema siya tungkol sa crush niya din, hindi ko alam kung anong gagawin ko, pakiramdam ko nasasaktan din ako tulad niya. 

Triny ko siyang kausapin, damayan sa problema niya, pero wala eh, okay lang daw siya.

Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko.

Sana, matanggal na yung feelings ko sa kanya.

Diba, change is constant naman daw? Sana mabago na ako bukas, kung pwede sana ngayon na eh, yung tipong agad-agad, pero change is a process eh, hindi naman siya agad agad. Kaya to! Sana makalimutan ko na din siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My cliche story. :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon