( YNNA'S POV )
"Gising na Anak, malelate ka na naman sa school." Malambing na sabi ni Inay
Hay.. Umaga nanaman pala, sarap pa ng tulog ko e!!
Kahit ayaw ko pang bumangon,kailangan kong pilitin idilat ang mga mata ko....
" hmmmm... Nay, GoodMorning ho!,"
" oh, Magandang umaga din anak, tumayo kana jan at maligo nakahain na ang almusal, intayin nalang kita sa baba,okay? " sabi nya,
Sabay lakad papunta sa pintuan ko, at tuluyan ng bumaba.
Tumayo na din ako at nagligpit ng hinigaan ko, deretso sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin...
After 45 minutes, tpos na din ako sa wakas. Nakauniform na din ako. Tinignan ko ang orasan ko, ' 6:55am ' palang maaga pa, 8 am pa ang klase ko.
Nga pala ako po c Ynna Villa Ramos, 18 years old na po ako at kasalukuyang 2nd year College taking up HOTEL & RESTAURANT MANAGEMENT, sa LAGUNA UNIVERSITY isang public school.
" Ynna, hindi ka pa ba tapos dyan, lumalamig na ang almusal !!! " sigaw ni inay
' si inay naman makasigaw, akala mo ang laki ng bahay namin. ' sabi ko lang yn sa isip ko, mahirap na baka marinig e hindi pa ako
bigyan ng allowance. Makababa na nga .
" WOOOOW, ang sarap naman ng breakfast natin ngayon inay,!! "
" Naku, ikaw na bata ka buti hindi ka nagsasawa sa lagi nating ulam, umupo kana nga at sabayan mo na akong kumain "
" bakit naman ako magsasawa e, favorite ko po itong fried rice with egg, fried fish ( tuyo), scramble egg & Super Sweet Coffee Made by
Mrs. Ysa Villa Ramos ( name ni inay ) , kain na po tayo. " masiglang sabi ko, sabay kuha ng pagkain..
" Masaya ako na ikaw ang naging anak ko. " mahinang pang sabi ni inay. Hindi ko nalang pinansin,kunyari hindi ko narinig... ( bad ko no ) At kumain na din kami.
=================
" Inay, alis na po ako, uuwi po ako agad para makatulong sa inyo. " sabay kiss sa pingi nya
" Hay, naku Ynna ayos lang ako kahit hindi muna ako tulungan. " sabi pa nya
Ngumiti lang ako sa kanya
" mag - iingat ka anak , " dagdag pa nya
" sige ho, wag na po kayong magpapagod inay, alis na ako, babye! "
************
Sa School
Maliit lang ang school namin kaysa sa mga private na school dito sa laguna, at sa isang year ay tatlong section lang, nasa section 1 ako pero hindi naman ako matalino , hindi rin naman bobo, yun bang tama lang ,, hehehe...
Kahit maliit ang school namin kumpleto din naman , mayroon Gym, Basketball Court, Valleyball Court, Swimming pool at iba pa.
Tama na nga, tinatamad na akong magkwento about sa school namin.
Sa Classroom namin, kunti palang ang classmate ko na nandon, medyo maaga pa din naman kasi e. Madami din naman akong friends.
Hay, ang aga aga busy na sa pag memake up ang mga classmate ko, at kwentuhan ng kung anong ginawa nila nung weekends.
" GoodMorning Bessy " sabi ni Annie
Sya si Annie, best of bestfriend ko yan, sakanya lang ako nakakapagsabi ng mga problema ko. Alam ko mayaman naman sya e hindi ko
lang alam kung bakit dito sya nag aaral. Since college lang kami nagkakilala, at naging mag bessy na kami bigla.. Magaan loob ko sakanya e.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
RomanceNobody is PERFECT Totoo naman ang kasabihan na yan diba? Pero bakit may mga tao na gusto kang maging perpekto The way you SPEAK Your ACTIONS YOUR DECISION YOUR ATTITUDE YOUR BACKGROUND Hindi mo na magawa ang gusto mong gawin dahil sa REPUTA...
