Wrong Send

26 0 0
                                    

Hay, nakakapagod mula sa school. Kakagutom din.

Nilagay ko yung mga gamit ko sa sofa at pumunta ako nang kusina, to prepare my meryenda

Gutom na gutom ako, Pa subo na ako sana, at biglang. . .

*Beep beep*

1 New Message Recieved

From: Loui James Ramos <3

Ay. nagtext si crush. Eh, siyempre uunahin ko yung message niya.

''Hi Rae, naka uwi ka na ba? Kain tayo. :) I Love you!''

Anu ba naman yan Loui, jan ako naiinlove sayo eh, ang SWEET. shet! Bat kasi ganyan siya.

Syempre reply din ako.

''Hi Lou, yep, nasa bahay na ako. Sige, kumakain na ako dito!''

* Message Sent!*

Pa subo na ulit sana ako at bigla akong tinawag ni Daddy.

Leche!. kailan pa ba ako makakain nito.

''Rae, may load kaba? Makiki-text sana ako, something important, about sa business.''

Naku! baka mabasa ni Daddy yung message dito ni Loui, ayokong idelete noh! inuulit kong basahin mga text niya no, nakakakilig kasi. Kaya change ko na lang yung Phonebook name niya dito.

''Wait lang Dad.''

So I change his name na, pangalan ng classmate ko.

Claire Dianne Millan

Dinelete ko naman yung mga sent items ko baka mabasa rin ni Daddy.

Binigay ko na kay Dad yung Phone ko. At sa wakas makakain na rin ako. Haha.

I Almost forgot yung cellphone ko, nasa kay Dad. Na wili kasi ako sa T.V.

Binigay niya na sakin yung phone ko, nung after nang Dinner namin. Hindi ko na rin nabuksan yung phone ko kasi I have to answer my assignments pa.

Nag-open ako nang book ko, at bigla kong nakita isang 1whole na papel, puno ng conversation namin ni Claire. Uso kasi samin yung pasa-pasahan ng papel.

Topic namin si Loui, alam niya na crush ko siya since nung 1st year pa kami.

Tinext ko siya about dun.

''Hi Claire, Kamusta kana? Uy, yung pinag-usapan natin kanina tungkol kay Louis ha, wag mong ipagkalat na crush ko siya. Naku, Lagut ako! :)''

*Message Sent*

Bumalik ako sa libro, at nagbasa-basa.

5 Mins. later, at ngayon ko lang na-alala na pinalitan ko yung phonebook name ni Loui!

Ay Shiit!. Anu ba Rae, Bat di mo na-alala?!

Dali-dali akong pumunta sa Phonebook ko, at pinalitan yung name niya.

Kinabahan ako, nang biglang may nag text.

*Beep beep*

1 New Message Received

From: Loui James Ramos

Oh Gaad!. Si Loui nga nag text!

Phone Book NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon