Chapter 3

1 0 0
                                    

Tired

Time check. 2:30 na at nadito pa kami sa kulungan. Wala naman atang pakiaalam itong lalaki na ito kahit na mabulok siya dito sa kulungan, hindi man lang naisipang tumawag sa kakilala niya.

Nakakainis, kung hindi lamang talaga ako nahihiya kay Tara, tinawagan ko na siya. Pero delikado na kasi, disoras na ng gabi. Alangan namang papuntahin ko pa siya dito.

Pagtingin ko sa antipatikong lalaki na kasama ko ay nakaupo pa din siya sa sahig ng kulungan. Pero dahil gabi na at dahil lasing siya ay mukhang nakatulog na siya.

Eh kung tawagan ko kaya si Martin?

Huwag na lang, baka tulog na iyon.

Ano naman gagawin ko dito. I can't sleep. First time kong makulong. Nakakatakot pa dito. Lahat ng mga nandito ay natutulog na. Paano kung may multo dito? Well, I am just like the other girls, natatakot pa din naman ako sa mga multo.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay may message.

From: Martin

'Where are you?'

Gabi na, bakit nagt-txt pa 'to. Ano kayang problema nito?

To: Martin

'Bakit mo natanong?'

Tanong ko sa kanya. Alam niya kaya na nakulong ako? Pero malabo, hindi naman siguro.

From: Martin
'Nasa labas ako ng apartment mo'

Ano bang pinagsasabi niya. Seryoso ba siya. 2:40 am na at nasa harapan pa siya ng apartment ko. Ano namang ginagawa niya doon?

To: Martin

'Bakit nadiyan ka?'

From: Martin

'I'm waiting for you. Pero hindi ka pa dumadating. Nakatulog ako dito sa labas'

Ano bang problema ng lalaking ito? Bakit siya natulog doon, bakit di na lamang siya umuwi?

To: Martin

'Umuwi ka na"

From: Martin
'Where are you?'

Ang kulit. Paano ko ba patitigilin ito.

To: Martin

'Na kila Tara ako ngayon, uwi ka na, baka malipad ka na ng mga lamok diyan'

From: Martin

'Wow, your concern. Alright I will go. Good night' sabi niya

Hindi ko na siya nireplayan pa. Pero pagkatapos ng limang minuto ay parang nagsisi ako sa ginawa ko dahil bigla akong nakaramdam ng takot. Pero ayoko namang i txt ulit si Martin dahil kailangan niya rin namang matulog.

"Walang multo dito" bulong ko sa sarili ko. Oo walang multo dito.

Parang ang bagal ng oras, gusto ko ng mag umaga dahil sa takot ko. Pero dumating ang oras na kusa ng pumikit ang mga mata ko dahil sa antok at tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone. Pagbukas ng mata ko ay nakita kong nakahilig pala ang ulo ko sa balikat nung lalaki ang aking ulo noong natutulog ako, lumayo ako sa kanya at tsaka huminga ng malalim.

Paano napunta sa tabi ko iyang antipatiko na iyan? Kahapon palang ay nasa kabilang dako siya nitong cell.

mukhang nagising na din siya dahil walng tigil sa pag ring ang kanyang cellphone.

Kinusot niya ang kanyang mata. Tsaka sinagot ang tawag.

"."

Kahit hindi ko naririnig alam kong marami ng sinabi yung kausap niya pero siya hindi man lang sumagot.

Sa inis niya ata ay pinutol niya na ang tawag kahit na nagsasalita pa iyong kausap niya.

Kinuha ko na lamang iyong cellphone ko para sana I-txt si Tara, kahit naman nahihiya ako sa kanya, siya lang ang malalapitan ko.

Pero badtrip. Wala ng battery iyong phone ko.

Pagtingin ko sa lalaking kaharapan ko ay may pinipindot na siya sa kanyang cellphone.

Gusto ko sanang maki-txt muna sa kanya pero naalala ko na wala pala akong kabisadong number ng kahit na sino. Iyong akin lang talaga ang alam ko.

Nanahimik na lang ako. Basta kapag lumabas ang gagong ito ay dapat makalabas din ako.

Maya-maya lamang ay nakita ko si Tita Lizz na papasok dito sa prisinto. Kaagad siyang lumapit papunta sa cell kung saan kami nakakulong, pero mukhang hindi niya ako napansin dahil kaagad ay nasa lalaki ang buong atensiyon niya.

"Hey, Zac are you ok?" Nag-aalalang tanong niya kay... so Zac pala ang pangalan niya. Ano naman kaya ang relasyon niya kay Tita Lizz.

"Tss, I'm fine. Gusto ko ng lumabas dito." Sabi niya, hindi man lang tinitignan si Tita Lizz. Pagtingin ko kay tita ay na kay Zac lamang ang kanyang paningin. Mukha itong nag-aalala pero parang may konting saya sa kanyang mukha.

Napatingin siya sa banda ko at ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng makita niya ako dito sa kulungan.

"Mallory? What are you doing here?" Tanong niya sa akin.

Nag-iwas lamang ako ng tingin dahil hindi ko naman masagot ang tanong niya. Tsaka ayokong magpaliwanag dito ng nakakulong.

Pagkalabas namin sa cell ay sinalubong kaagad kami ni Tita Lizz.

"Lory, sama ka na sa amin pauwi. Doon ka muna sa bahay" sabi ni tita sa akin. Gusto ko man tumanggi pero hindi ko magawa dahil sa una ay, nahihiya akong i reject ang offer ni tita. Pangalawa ay makakapagpahinga ako kung sa kanila muna ako makikitulog.

Paglabas namin ay naglakad na kami sa parking. Nakita ko si Martin na nakasandal sa kanyang kotse, at ng makita ako ay biglang napaayos ng tayo at mabilis na naglakad papunta sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Hey, are you ok? bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin gamit ang nag-aalalang tono.

Iniwas ko lamang ang aking mukha at hindi na siya sinagot pa.

I am so tired. Gusto ko ng magpahinga.

Naglakad na lang ako papunta sa backseat pero narinig ko ang sinabi nung Zac kay Martin.

"Tss, what are you doing here?" Tanong niya gamit ang naiiritang tono.

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon